Chapter 124

496 31 1
                                    


°°°°°°°°°°

Third Person's POV

Matapos nilang masunog ang lahat ng bangkay ng mga aswang ay nagsipaghanda na sila Yuri para sa pagpunta sa kabilang panig ng Sitio Maligaya

Kasama nila si Father Jose at ang albularyong si Tatay Tomas na kaibigan ni Kapitan Leo

"Sasama ka po ba, Kap?," tanong ni Yuri sa Kapitan ng Sitio Maligaya,"Maya maya lang po kasi ay aalis na kami,"

"Oo,"tugon nito sa kanya kaya napatango lang siya, ngkatitigan silang dalawa ni Nena, habang ang ilan sa mga kasama nila ay naghahanda na din para sa kanilang pag iikot

"Kakasya ba tayo sa sasakyan?," tanong ni Martha, kasama din nila ang kambal at si Ace

"Mukhang hindi eh," sagot niya,"Pang pituhan lang ang sasakyan, pero siyam naman tayo,"paliwanag niya

"Sa motor ko nalang aangkas si Tatay Tomas,"ani ni Kapitan Leo na inihahanda ang sasakyang motor nito

"Ah sige po,"kuro nila bago sila sumakay sa sasakyan, siya na ang pumuwesto para magmaneho habang nasa tabi niya si Khael

"Mag iingat ka,"paalala nito,"Lalo iyang anak natin, ingatan mo,"sabay halik sa noo niya bago sa labi,"Mag iingat din kayo,"paalala nito sa mga kasama niya

Tumango lang ng sabay sabay ang mga iyon na nakangiti at tinutukso tukso pa silang dalawa

"Sumama kana kaya, Khael,"panunukso ni Nena,"Parang ayaw mong paalisin si Yuri eh,"sabay tawa na sinundan din ng iba pa

"Kung pwede nga lang eh,"ani ni Khael,"Baka bigla sumpungin doon at maglupasay na naman at mag iiyak, eh walang bubuhat sa kanya pauwi dito,"sabay tawa nito

"Sira,"hampas niya sa braso nito, na lalo lang ikinatawa ng lahat ng nakadinig,"Ewan ko sa inyo!," nakabusangot niyang saad sa mga kaibigan,"Sige na aalis na kami!,"paalam niya

"Sige, mag iingat kayo,"ani nina Sister Janelle,"Umuwi kayo bago dumilim ha?,"

"Opo," kuro nilang lahat

Makalipas pa ang ilang minuto ay umalis na silang siyam sa tapat ng kombento

Nauuna naman sa kanila ang motor ni Kapitan Leo dahil ito ang magtuturo sa kanila ng daan patungo sa kabilang panig ng Sitio Maligaya
.
.
.
.
.
.
.
.

Samantala sa Kombento

Habang wala silang siyam ay naging abala naman ang mga naiwan sa simbahan at kombento

"Maghanda na tayo para mamayang gabi,"ani ni Father Ramon,"Baka balikan ulit tayo ng mga aswang,"

"Tama si Father,"ani ni Manong Carding,"Baka mas madami pa silang bumalik,"

"Tara na at manguha na tayo ng mga kawayan,"yaya ni Ivan sa ilang kalalakihan kasama na si Manong Antonio,

"Oo, habang may sikat pa ang araw,"sabi ni Khael

Kumuha na naman sila ng mga kawayan na pinatulis naman ng mga naiwang pinsan nila Ace

Nagdikdik ng bawang habang ang ilang mga kabataan na gustong makatulong sa kanila

Ang ilan naman ay nagpipiga ng katas ng kalamansi na ihahalo nila sa asin

Sa bubungan naman nakapwesto si Khael, siya ang magkakalat ng mga asin na may dinikdik na bawang at katas ng kalamansi

Dahil siya lang ang may kakayahang makaakyat at makatalon sa matataas na lugar

Sina Kevin naman at Patrick ang taga abot ng timbang may laman na asin sa kanya habang ang ilan kasama sina Sister Janelle, Jennica at JC ay nagsusunog ng dahon ng makahiya at makabuhay para ikalat sa lupa

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon