Chapter 09

700 42 1
                                    


°°°°°°°°°°

Baryo Masapa

Dahil sa taglay na bilis ni Akira ay nakauwi kaagad siya sa kanilang buhay kung daan nandoon ang lahat para sa sama samang hapunan

Hindi niya nagamit ang kanyang kakayahan dahil sa naunahan na siya ng kapangyarihan ng mga aswang na nag aabang na sa kanya doon

At naramdaman din niya ang kakayahan ni Yuri na papalapit sa kanila kaya hinayaan nalang niya na iligtas siya nito at tulungan

"Buhay si Lola Andeng," panimula niya habang niluluto ang mga halamang gamot na nakuha niya para gawing pampahid sa katawan at panlaban na din sa usog

Napatingin ang lahat sa kanya habang naghahapunan, may nagulat at napanganga sa kanyang sinabi

"Paanong buhay?," takang tanong ni Rohan sa kabiyak,"Eh kitang kita natin na namatay na si Lola Andeng at tayo pa mismo ang naglibing,"

"Oo nga naman, Akira," ani ni Megan,"Paano siya nabuhay? Eh halos isang daang taon na siyang namatay? Malamang wala na din ang mga buto ni Lola Andeng,"

"Iyon nga din ang ipinagtataka ko," ani niya at naupo,"May kakayahan din siya bilang isang manggagamot, siya ang nagligtas sa akin sa tatlong aswang, dahil naunahan na nila ang dungan ko kaya di nakalaban,"

Nagkatinginan silang lahat dahil sa nadinig na paliwanag niya

"Sabi ko hanapin niya ako dito para may malaman tayo sa kanya at kung kaano ano niya si Lola Andeng,"

"Baka kamukha lang o baka nabuhay sa henerasyon natin ngayon si Lola Andeng? Di kaya hudyat na naman iyan ng isang digmaan?," tanong ni Nanay Rita sa kanila

"Aalamin ko po iyan kina Ama," ani ni Vince,"Pati kay Tito Czesar,"

Tumango lang si Rohan bilang pagsang ayon sa mga iyon, bago nila ipinagpatuloy ang hapunan

Pero nasa isip pa din ni Akira na baka nga nabuhay na ulit si Lola Andeng sa ibang katauhan at babala iyon para sa kanila
.
.
.
.
.
.
.
.

Sa kaharian nila Karry

"Akoy aalis na para hanapin ang kaibigang lobo ng aking ama," paalam nito sa kabiyak at anak na babae,"Krisha pakabait ka,"

"Opo, Amang Hari," magalang na sagot nito, napakagandang bata na halos hindi nalalayo sa itsura ng kanyang kabiyak

"Mag iingat ka, Mahal ko," ani ni Mayumi sa kabiyak nitong Hari

"Salamat, Mahal ko," tugon nito bago nilapitan ang natutulog na anak na lalake na halos limang taong gulang na,"Hasher, anak babalik, pananabikan ko ang makalaro ka,"

"Magtatagal ka po ba, Ama?," tanong ni Krisha na noon ay nasa labing isang taong gulang na

"Hindi ko pa alam, Mahal na Prinsesa ko," nakangiti niyang turan,"Alagaan mo ang inang Reyna at ang munting Prinsipe natin,"

Tumango lang iyon ng nakangiti bago yumakap at humalik sa kanyang pisngi

"Tayo na po, Kamahalan,"yaya ng Baylana sa kanya

Tumango lang siya bilang tugon, hinalikan ang asawa at dalawang anaka bago sumunod sa Baylana na kasama niyang hahanapin at katatagpuin ang amang Lobo
.
.
.
.
.
.
.
.
Sa Baryo ng mga Taong Lobo

Napalabas sa kanyang bahay ang amang lobo

Napapikit at sinamyo ang hangin,

"Mukhang may paparating akong bisita ah," ani niyang nakangiti,"Isang bisitang matagal ko ng hindi nakikita at nakakausap," nakangiti niyang turan habang nakapikit pa din

Kahit na dumaan na ang mahabang panahon ay mababakas pa din ang mayabang nitong tindig, ang matitipunong pangangatawan at higit sa lahat ang batang itsura nito

Dahil siya ang amang lobo at huling lahi sa kanyang henarasyon ay may kakayahan siya na patagalin ng mas matagal ang kanyang pagtanda

Kaya niyang mabuhay ng daang libong taon kumpara sa kanyang mga kalahi at anak, wala ni isa man ang nagtaglay ng kanyang kakayahan

Iba din ang kakayahan ng kanyang kakambal na si Czesar, dahilas nagkaroon ito ng kapangyarihan dahil sa nakapag asawa ito ng isang engkantada na may mataas na lahi sa mundo ng mga ito

Hindi din niya alam kung paano nagkaroon ito ng siyam na buntot at na noon ay iisa lamang

Matagal itong nabihag ng donyong ama ni Mark kaya noong digmaan lamang sila muling nagkita

Pero kailangan niyang malaman kung paano siyang nabuhay, dahil hindi naman niya tunay na anak si Rohan, kailangan niyang makausap ang isang Baylana

"Ama," tawag ng kanyang panganay na anak, na numuno sa tribu nito kasumod ng kanilang Baryo

"Anong balita?," tanong niya

"May namataang aswang sa kagubatan," pagbbalita nito,"Pero mga patay na po ang mga iyon, ang isa may nakatusok na kahoy na tumagos sa likuran nito at ang dalawa ay may mga halamang baging ang nakapulupot na sanhi ng ikinamatay nila,"

"Isang taong may kakayahang itim at puti ang may gawa noon," sagot niya,"Kailangan natin malaman kung sino siya at paano siya napadpad sa kagubatan na malapit sa Baryo Masapa,"

"Masusunod po ama," yukong pahayag nito bago tuluyang umalis

"Nagsisimula na namang mabuhay ang mga lahing aswang, pero papaano?," takang tanong ng kanyang butihing kabiyak

Napailing nalang ang amang lobo dahil sa tanong ng kabiyak nito

"Kailangan natin ng isang taong makakatulong sa atin," ani nalang niya sa katabi,"At iyon ang aabangan ko sa darating na mga araw,"

Lumingon lingon pa ang amamg lobo sa buong paligid

Abala.ang kanyang mga kalahi sa pag aayos ng mga kabahayan ng mga ito, ang ilan ay nasa bukirin para anihin ang kanilang rasyon para sa isang buong linggo

Matapos makasiguro na maayos na ang kanilang nassakupan ay pumasok na sila sa kanilang bahay
.
.
.
.
.
.
.
.

THIRD PERSON'S POV

"Malapit na ang Mahal na araw," ani ng isang Pari habang nakatingin sa ibabang bahagi ng simbahan,

"Hindi na tayo magugutom,"sabi naman ng lalaking nakaitim na katabi nito,"Lahat ng tao na nasa paligid natin ay ating iaalay at uubusin sa araw na patay ang Diyos nila," nakangisi nitong turan

"Maghanda ng alay sa araw na iyon bago tayo lulusob,"ani ng Pari

"Opo, Father," sagot nito,"Kami na pong bahala sa mga alay, may mga nakausap na po kami,"

"Magaling," ani nito bago ngumis ng nakakatakot

Pinagmasdan pa niya ang kanilang Sitio na kung saan ang lahat ng nakatira doon ay purong mga aswang

Wala ng tao na nakatira sa Sitio Catalina, dahil simula ng tumuntong siya doon ay pinatay na niya at ipinakain sa mga bagong Yanggaw na aswang ang sinumang ayaw sumanib sa kanila

Dahil sa kanyang kakayahan kaya napadami niya ang kanilamg lahi sa tulong ng mga umanib sa kanila, hinawaan nila at pinakain ng karne ng tao

Ang dating sampung kalahi na natira dahil sa digamaan noon, ngayon ay umabot na sa isang daang aswang

At sa darating na mahal na araw, nagbabalak silang lusubin ang kasunod na Baryo para magparami at maghasik ng lagim

Dadagdagan pa niya ang kanilang bilang para sa paglikas papunta sa Lungsod at sa mga susunod pang mga Sitio o Baryo

Matapos makapag paalam ang mga kausap niya ay umalis na din siya doon at tinungo ang kanyang sariling silid para makapagpahinga
.
.
.
.
.
.
.
.
ITUTULOY

.....akiralei28

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon