Chapter 114

471 37 1
                                    


°°°°°°°°°°

Third Person's POV

Makalipas ang tatlong araw

Hindi pa din nakakarating sina Rohan kaya lalo lang silang nababahala

Lalo pa at papaubos na ang kanailang ipon na pagkain, wala na din imbak ang kanilang stock room sa loob ng simbahan at maging sa loob ng kombento

Dahil sa dami na ng nasa loob ng kombento kaya kilangan na nilang tipirin ang nalalabing pagkain nila

"May problema po tayo,"ani ni Aling Nayda,"

"Ano po iyon, Nanay Nayda?," tanong ni Sister Josefa, na soyang nagapapakain sa mga bata at buntis

"Papaubos na po ang ating mga pagkain, baka mga dalawang araw nalang po iyon at ubos na po, paano po ang gagawin natin?," kinakabahang tanong nito sa kanila

Nagkatinginan silang lahat, habang nag iisip ng paraan

"Bukas ay susubukan naming lumabas at gagalugarin namin ang buong Sitio San Gabriel at ang buong Sitio Masapa, para makahanap kami ng makakain o kahit na prutas man lamang,"ani ni Khael

Tumango naman silang magkakaibigan bilang tanda ng pag sang ayon sa sinabi ng kanilang kaibigan

"Maraming tanim na saging ang buong lugar kaso,"ani ni Father Ramon,"Kaso ang problema natin ay nasa liblib na lugar nakatanim ang karamihan sa mga sagingan pati na ang ibang tanim na mga prutas,"

"Ayos na po iyon,"ani ni Yuri,"Nag mahalaga ay may makain po tayo lalo na ang mga bata, matatanda at ang ilan sa atin, saka kailangan na samahan kami sa taniman,"

"Sige, pagplanuhan natin iyan mga anak," sabi ni Father Jose sa kanila na siyang kasunod ng edad ni Father Ramon,"Matapos natin maghapunan mamaya,"

Tumango lang silang lahat bilang tanda ng pagsang ayon

Kaya ng matapos silang makapaghapunan at makapagplano para sa gagawing paglabas at paghhanap ng makakain ay kanya kanya na sila ng pwesto para matulog at magpahinga
.
.
.
.
.
.
.
.

Kinabukasan,

Maaga silang nagsipag gising kinabukasan, kumain ng almusal para magkaroon ng lakas para labanan ang kung anuman ang kanilang makakasagupa sa labas ng kombento

Agad naghanda ang tatlong magkakaibigan na sina Yuri Nena at Aira, dahil sila ang lalabas para maghanap ng makakain kasama si Mang Carding, si Manong Antonio at ang tatlong sakristan para mag buhat at magdala ng kanilang mga makukuhang pagkain

Habang silang tatlo ang haharap at lalaban sa mga makakasagupa nilang mga aswang

Alas siyete ng umaga ang napagkasunduan nila na lumabas ng kombento

"Eksaktong alas siyete na,"ani ni Yuri,"Handa na ba kayo?,"

"Oo,"kuro ng mga kasama niya

"Dumaan muna tayo sa simbahan para makapag dasal bago lumabas,"mungkahi niya samga kasama na sinang ayunan naman ng mga iyon

"Sige,"tango ng mga ito

"Maiwan kana kaya,"awat ni Khael na nakasimangot,"Baka mapaano ka eh,"

"Umayos ka, Khael Moon,"saway niya kaya napanguso nalang ang Prinsipe ng mga aswang,"Babalik din kami kaagad, ikaw na muna ang bahala sa kanila,"

Hindi umimik si Khael, bubulong bulong lang iyon habang nagtatawanan ang mga kasama nila sa harapan nila

"Lalabas na kami,"paalam ni Nena sa mga kaibigan

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon