°°°°°°°°°°Maaga pa ay gising na sina Haring Karry, Khael at ang Amang Lobo
Masaya silang nag ikot sa buong Baryo habang hinihintay ang pagsikat ng Haring Araw
Nakangiti at masaya silang binabati ng mga kalahi ng mga ito na abala na sa pagta trabaho sa mga bakuran ng bawat bahay
Ang ilang ay nangunguha na ng mga pananim na nasa bakuran ng mga ito, naghahanda na din ang ilan para sa pagtungo sa kabukirin para mag ani ng mga gulay at prutas
"Napaka payapa ng inyong Baryo, Amang Lobo," ani ni Khael,"Lahat kayo ay nagtutungan para maisaayos ang inyong mga kalahi,"
"Tama ka Prinsipe Khael," pag sang ayon nito sa kanya,"Ayaw ko ng gulo at away sa aking Baryo, lalo na ang inggitan, kaya pantay pantay ang timgin at turing ko sa kanilang lahat,"
"Isa kang mabuting Pinuno Amang Lobo," ani ni Karry na ikinatawa lang nito ng malakas,"Natutunan ko lang din iyam sa iyong Ama,"
Nagpatuloy pa sila sa pag iikot hanggang sa nagpasya na silang bumalik sa bahay ng amang Lobo para sa sa kanilang agahan
Naabutan nila doon ang tatlong magkakapatid, ang Baylana at ang maybahay ng Amang Lobo
"Maupo na kayo at ng makakain na," yaya ng butihing maybahay nito
"Ipapaliwanag ko sa inyo ang lahat lahat,"ani ni Moune sa kanila
"Maaari po bang magtanong?," ani ni Rohan habang nag uumpisa na silang kumain
"Ano po iyon, Mahal na Hari," nakangiting turan nito sa kanya
"Si Akira po," umpisa niya,
"Ano ang tungkol sa inyong asawa?,"
Umiling lang si Rohan bilang tanda na hindi para sa asawa niya iyon
"Kasi noong nakaraang araw,"umpisa niya,"O siguro mga apat na araw na mula ngayon, may nakilala siyang babae sa kagubatan, iniligtas siya mula sa mga aswang, pero nang makita niya ito ay kamukhang kamukha siya ni Lola Andeng,"
Napakunot ang noo ng Baylanang si Moune sa mga nadinig kay Rohan
"Siya ba si Lola Andeng na sinasabi mo?," tanong ng Baylana na may inilabas na lumang larawab ng isang may edad na babae
"Opo," sagot niya,"Pero matagal na po siyang patay,"
"Alam ko,"sambit nito,"Ano ang pangalan ng babaing kamukha ni Lola Andeng? Baka ninuno niya ang manggagamot na ito,"
"Hmmm," iniisp ng mabuti ni Rohan ang pangalan na binanggit sa kanya ng kanyang asawa,"Yuri daw po,"
"Si Leigh?!," gulay kuro ng mag ama
"Hindi po, Yuri daw po," pagtatama ni Rohan sa kanila
"Oo nga," ani ni Khael,"Yuri Leigh ang pangalan niya at siya ay matagal ko ng kakilala, siya din ay kasintahan ko," pagpapaliwanag niya
"Kung magkamukha silang dalawa," ani ng Baylana,"Baka may kinalaman siya sa Lola Andeng ninyo,"
"Susunduin ko po siya para makita ninyo,"sabi niya sa lahat
"Ipinasundo ko na sila kay Gudo," ani ng Baylana matapis pumikit at may kinausap ito sapamamagitan ng kanyang isipan,"Ipasundo mo ang iyong Reyna kamahalan," utos nito kay Rohan,"At maging ang inyong mga kabiyak at kaibigan na nakakakilala kay Lola Andeng,"
Tumango lang silang tatlo bilang pagsang ayon, mabilis nilang tinapos ang kanilang pag aagahan para masundo sila Akira at ang mga kaibigan nila
.
.
.
.
.
.
.
.
Nasa labas naman ng bahay sina Yuri at Martha ng biglang sumulpot si Gudo na ikinagulat nila
BINABASA MO ANG
Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯
HorrorHeto na ang bagong yugto at buhay ng ating Mahal na Prinsipe Kung saan ang nakaraan ay magtatagpo sa hinaharap Ang mga dating kaibigan ay magkikita kita At ang mga nakatagong lihim ay mabubunyag na Kaya tara at samahan natin ang ating mga bida sa pa...