°°°°°°°°°°THIRD PERSON'S POV
Batangas, Bulkang Taal 10am
Maagang gumising sina Ramil at Sophie dahil mamamasyal sila sa tuktok ng bulkan, kung saan ngayon lang makikita ng dalaga
Excited na din si Ramil sa mangyari, ang matagal na niyang pinaplano at usapan nila ng kanyang kaibigan
Matapos makapag almusal ay naligo na sila at nagbihis, nasa isang hotel sila nag stay para sa isang linggong bakasyon doon sa Batangas
Matapos iyon ay agad silang lumabas at nag abang ng masasakyan para magpahatid sa paanan ng bundok kung saan naroroon ang bulkang taal
Doon sila magkikita ng kaibigan niyang si Ralph ang kanilang tour guide sa nasabing pag akyat
Habang nasa biyahe sila ay panay naman ang pagkuha ng picture ni Sophie sa napakagandang paligid
Gamit ang kanyang cellphone, habang nakangiti lang si Ramil, agad iyong pinopost ng dalaga sa kanyang social media, para malaman ng mga kaibigan at kapamilya nito na nasa Batangas sila para bisitahin ang naturang bulkan
Matagal na nila iyong pinaplano ni Ramil, pero dahil sa abala sila sa kani kanilang trabaho ay ngayon lang sila nakahingi ng bakasyon
At saktong isang linggo ang kanilang hiningi para masulit ang ilang taon nilang pagta trabaho
"Excited na ako, Love,"ani ni Sophie,"Gusto ko ng makaakyat sa tuktok ng bulkan,"
"Malapit na tayo, Love,"ani ni Ramil habang naka akbay sa kasintahan niya,"Sigurado akong magugustuhan mo doon,"
"Hindi ba delikado doon, Love?," tanong nito sa kanya
"Hindi naman,"tugon niya,"Saka nandoon si Ralph, tour guide natin at matagal ko ng kaibigan,"
Ngumiti nalang ang dalaga habang papalapit na sila sa hangganan at sa daan patungo sa tuktok ng bulkan
.
.
.
.
.
.
.
.Sa paanan ng bundok, paakayat sa Bulkang Taal, 1pm
"Kamusta kana, Ralph?," yakap ng nakangiting tanong niya ng makita ang kaibigan
"Ramil," nakangiti nitong sabi sabay yakap sa kaibigan niya,"Mabuti at natuloy na kayo ngayon,"
"Oo nga eh,"ani niya habang nakaakbay sa kaibigan,"Kaya susulitin natin ngayon,"
"Sabi mo eh,"ani nito
"Love si Ralph nga pala kaibigan ko,"pagpapakilala niya sa dalawa,"Ralph, si Sophie kasintahan ko,"sabay ngisi
Nagkamay ang dalawa bago sila nagdesisyong maglakad papunta sa kanilang destinasyon habang nagbubulungan
"Basta, bro ha? Yung usapan natin,"pabulong na paalala ng binatang si Ramil sa kaibigan, bago sila nagsimulang maglakad
Tumango ng marahan ang binatang si Ralph sa kanya bilang pag sang ayon sa gusto niya
Ala una na ng Hapon, pero heto pa din siya patuloy pa din sa pagdadala ng bisita kahit sobrang init, para kumita ng pera bilang tour guide sa bulkang taal
Ikalawang bisita na niya ng araw na iyon ang kaibigan na sina Ramil at ang kasintahan nito na si Sophie, pinagbabalakan ng binata na yayain na ng kasal ang kanyang nobya pagdating nila sa bunganga ng bulkan
Kinuntsaba siya nito para sa gagawing pagtatapat, kaya naman panay ang dikit at bulong nito sa kanya kanina
Habang aliw na aliw naman ang nobya nito sa pagkuha ng larawan
BINABASA MO ANG
Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯
HorrorHeto na ang bagong yugto at buhay ng ating Mahal na Prinsipe Kung saan ang nakaraan ay magtatagpo sa hinaharap Ang mga dating kaibigan ay magkikita kita At ang mga nakatagong lihim ay mabubunyag na Kaya tara at samahan natin ang ating mga bida sa pa...