Chapter 121

462 38 3
                                    

A/N

Hello po, kamusta kayo?

Dahil sinipag ng ilang araw c ako ay mag a update na po ako😂😂😂🤗🤗🤗

Para sa mga nangungulit na mag update na ako, kaya pagbibigyan ko na po kayo ngayon😂😂😂😂

Goodmorning and have a Blessed Morning po sa ating lahat🙏🙏🙏

So tara start na po tayo😊😊

°°°°°°°°°°

Third Person's POV

Habang pabalik sila ng kombento, ay may nakita silang mga aswang na umaali aligid sa kanila, pero pansin nila na hindi na umaatake ang mga iyon sa kanila

Pero kahit ganoon ay nakahanda sila kung sakali mang maisipang umatake ng mga iyon

Ilang sandali pa ang lumipas ay nakarating na sila sa kombento, tumakbo kaagad sina Aira para katukin ang mga iyon at ng malaman ng mga nasa loob na nakabalik na sila

Agad naman silang pinagbukasan ng malaking pintuan, bumungad sa kanila ang nakangiting mukha ni Blaze, pero nawala iyon ng makita nito ang dala nilang bangkay

"Kapitan, nakikiramay kami sa pagkamatay ng iyong mag iina,"kuro nilang lahat

"Naging biktima din kayo ng mga aswang na ito," ani ng Pari sa kanila,"Ang buong akala ko ay nakaalis na kayo dito sa Baryo natin,"

"Salamat po, Father,"ani ni Kapitan Leo,"Na trap kami dito noong araw na umatake ang mga aswang at hindi na namin nagawa pang makaalis, mga walang awa ang mga demonyong iyon, ang dapat sa kanila ay ubusin,"dagdag pa ni Kapitan Leo na maluha luha pa habang nkatingin sa bangkay ng mag ina nito

Napatango lang ang lahat bago pumasok sa loob ng kombento kasama ang mga bangkay ng pamilya nito at ng katiwala

Kaagad nilang kinumpuni ang lahat ng mga nasirang bahagi ng kombento na sinira ng mga aswang, ang mga bintana at ang ilang bahagi ng bubungan

Naging abala sila ng gabing iyon para maging handa kung sakali mang sunalakay ulit ang mga aswang

Naghapunan bago pinatulog ang mga bata, matatanda at mga buntis, habang silang mga kalalakihan naman ay nagbantay lang sa malaking sala ng kombento
.
.
.
.
.
.
.
.
Kinabukasan

Pinulong ni Kapitan Leo ang lahat ng mga kalalakihan sa loob ng kombento at maging ang mga babaing may kakayahang lumaban at pumatay ng mga aswang kasama na silang magkakaibigan

"Mag iikot ikot tayo,"ani ni Kapitan Leo,"Baka may mga buhay pa na nagtatago lang sa kani kanilang mga kabahayan,"

"Tama,"pagsang ayon ng magpipinsan,"Kailangan natin silang tulungan,"kuro ng mga ito kaya napapailing nalang sila sa mga kakulitan ng mga iyon

"Baka may mga natrap samga kabahayan nila na hindi na nagawa pang makaalis, kagaya ng nangyari sa amin, kaya kailangan natin lumabas,"

Sabay sabay naman silang mga nagsipagtanguan sa suhestiyon ng kanilang Kapitan

Kaya napagpasyahan nila na galugarin ang kabuuan ng Baryo Masapa at sa mga kalapit na Baryo

"Mag iingat kayo,"ani ni Sister Janelle, mas pinili niyang magpaiwan para mabantayan ang kanilang mga kababaryo,"Baka may makita pa kayonf mga nakaligtas sa pananalasa ng mga aswang,"

"Tita,"ani ni Khael,"Ikaw na muna ang bahala kay Leigh,"savay lingon sa natutulog pang buntis,"Baka magwala kapag di ako nakita,"sabay kamot sa ulo

"Ako ng bahala sa kanya,"nangingiting saad nito sabay tapik at yakap sa pamangkin,"Basta mag iingat kayong lahat,"

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon