Chapter 118

427 33 3
                                    


°°°°°°°°°°

Sa loob ng Kombento

Nagkatinginan sila at natigilan ng makadinig sila ng malakas na pagkalabog doon sa malaking bintana sa sala ng kombento

Mas lalong nanlaki ang mga mata nila ng makitang malapit na iyong magiba ng mga aswang

"Naging pabaya tayo,"ani ng Pari sa kanila,"Naging kampante tayo na hindi nila tayo susugurin,"

"Tara na,"yaya ni Blaze sa anak nina Megan at Vince kasama pa ang ilang pinsan nito patungo sa bintana sa sala ng kombento

Sumunod naman si Manong Carding na isang albularyo  matagal na din itong albularyo pero tumigil lang ito dahil sa namatay ang isa sa kanyang mga anak na hindi niya nagamot

May kakayahan din si Manong Carding, napamanahan din siya ng anting anting ng ama nito

Mabilis din itong sumunod sa apat na kabataan na pumunta sa malaking bintana ng kombento

Pero bago pa sila.makarating doon at masaraduhan ang nasirang bintana ay nakapasok na ang ilang mga aswang sa loob ng kombento

Nagsigawan na ang ilang kalalakihan ng makitang nasa loob na ng kombento ang mga aswang, parami na iyon ng parami

Napasigaw na din ang mga nasa loob ng malaking silid ng makita nila ang mga aswang na nasa sala na ng kombento

"Pumasok kayo sa loob!,"sigaw ni Father Ramon,"Isarado niyong maigi ang pintuan!,"

Na kaagad naman sinunod ng mga Madre na kasama ng mga bata, matatanda, buntis at ilang kababaihan na hindi kayang lumaban o hindi kayang ipagtanggol ang sarili nila

Agad na dinaluhong ng apat na magpipinsan at ni Manong Carding ang mga aswang

Pinag aatake nila iyon ng taga at saboy mg asin na may katas ng kalamansi

Lima ang naunang nakapasok sa loob na mga aswang, nakasunod pa ang ilan na halos nagtipon tipon na sa harapan ng bintana

Kaagad na isinaboy ni Sister Janelle ang isang timbang asin na may halong dinikdik na bawang at katas ng kalamansi sa mga aswang na nagtatangkang pumasok sa bintana

Naghiyawan ang mga iyon dahil sa sakit at hapdi na nararamdaman, pagulong gulong sila sa lupa habang hindi malaman kung paano maiibsan ang kanilang nararamdaman

Ang ilan naman na natalamsikan ng asin ay kaagad na tumakbo papalayo sa kombento dahil naghanda pa ulit ng isang timba si Sister Janelle para isaboy

Ang mga naiwan naman sa loob at ang mga nakapasok ay hindi na magawang makalabas, dahil nagkalat ang asin na isinaboy ni Sister Janelle sa bintana

Ang isa sa limang nakapasok ay patay na, gumulong ang ulo nito ng matagpas iyon ng matalim na gulok ni Manong Carling, habang ang magpipinsan ay patuloy na nakikipaglaban

Hinahampas ng buntot ng pagi nina Blaze ang natitira pang apat na aswang, gamit din nila ang kanyang kampilan na itinabi at hinasang maigi ng kanyang mamang si Akira

Nakangisi pa ang tatlo niyang pinsan kasama ang magkapatid na Jennica at JC habang pinapahirapan ng mga iyon ang natitirang tatlong aswang

Habang ang Pari at ang ilang kalalakihan na hindi lumalaban ay mabilis silang kumuha ng makakapal na kahoy at ipinangtakip iyon sa sa nasirang bintana para hindi na sila madaling pasukin ng mga aswang kung sakali mang bumalik ang mga iyon at may mga kasama pa

"Patayin niyo na nga ang mga iyan,"ani ni Sister Janelle sa tatlo,"Para maitapon na yan sa labas,"

"Opo,"kuro ng mga ito bago sabay sabay na pinugutan ng ulo ang tatlong aswang na nanghihina na

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon