Chapter 75

506 32 1
                                    


°°°°°°°°°°

THIRD PERSON'S POV

Determinado talaga ang ama ni Ralph na makita ang mga ikinuwento niya tungkol sa mga nakita niyang mapupulang mga mata

"Saang banda mo ba sila nakita?,"tanong ng kanyang ama sa kanya matapos maiayos nito ang pagkakatali at pagkakalagay ng kanilang bangka

Itinuro naman niya ang isang masukal na daan paakyat ng bulkan

Agad nitong tinahak ang daang itinuro niya habang nakasunod naman ang anak niya sa likuran niya

Tahimik silang naglalakad, habang pinapakiramdaman ang paligid, nakakapanindig balahibo ang katahimikan at nakakabingi

Para bang may mangyayaring hindi kanais nais maya maya pa ay nakarinig sila ng isang malakas na pagsigaw

"Aaahhhhhhh!!!!,"

Agad na nabaling ang kanilang atensiyon sa pinanggalingan ng malakas na sigaw

Ang malakas na pagsigaw ay nasundan ng mga malakas na paghalinghing at mga nakababahalang ingay ng mga kabayo

Mabilis na tumakbo sina Ralph at ang kanyang ama papunta sa pinagmumulan ng ingay

Kahit na hirap pa din sila sa pag aninag ng daan dahil hindi pa sumisikat ang araw at napapaikutan ng usok at abo ang kabuuang paligid

"Huwag maawa kayo,"nadinig nilang sigaw ng isang matandang lalake

"Sa inyo na ang mga kabayo,"ani pa ng isa,"Hindi ko na sila kailangan at hindi ko na sila kukunin,"naiiyak na pagmamakaawa ng mga ito

Kasalukuyan namang nakatago sina Ralph at Mang Romy sa isang puno, kung saan kitang kita nilang nakalugmok sa lupa sina Mang Jackson at Mang Gustin

Na takot na takot ang mukha ng mga ito at kulang na lamang ay halikan na ng mga ito ang lupa

Maging si Ralph ay kinilabutan ng makita ang mga kahindik hindik na itsura ng tatlong lalaking nakatayo sa harapan nina Mang Jackson at Mang Gustin

Punong puno ng mga balahibo ang katawan ng mga ito, na mayroong mga napakahabang buhok at kakaibang itsura

Kapansin pansin rin ang napakasangsang na amoy na nagmumula sa mga iyon na parang hinukay na kung ano, na para bang ilang dekada ng nakatago sa kung saang bahagi ng mundo

"Maawa kayo, wag niyo kaming saktan,"labis na nahintatakutang wika ng matandang si Mang Gustin, pero parang walang naririnig ang mga ito

Walang anu anoy biglang sinakmal ng isang lalake ang leeg ni Mang Jackson, agad namang lumapit ang dalawa pa nitong kasama at sinakmal naman ang nagulat na si Mang Gustin

Sa isang iglap ay nagkagutay gutay na ang katawan ng dalawang kawawang matanda

Nagtalsikan ang mga dugo at nagkapira piraso ang kanilang mga katawan na buong gana namang pinagsaluhan ng tatlong halimaw

Hindi maintindihan ni Ralph ang kanyang sarili, napalunok siya ng laway imbes kasing mandiri sa ginawang pagkalamon ng tatlong halimaw sa dalawang matanda

Nakaramdam naman siyang bigla ng pagkaguton habang pinapanood ang mga ito na sarap na sarap sa pagkain ng lama at paghigop ng dugo,

Nanuyo ang kanyang lalamunan, sa hindi maipaliwanag na dahilan ay parang gusto din niyang matikman ang mga kinakain ng mga ito

Subalit, hindi lang pala siya ang nakakaramdam ng pagkagutom dahil ng bigla niyang lingunin ang kanyang ama ay naglalaway na din ito

Mas lalong hindi makapaniwala si Ralph ng makita niyang humahaba din ang dila ng kanyang ama

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon