Chapter 85

524 40 1
                                    


°°°°°°°°°°

THIRD PERSON'S POV

Nang masiguradong wala na ang mga aswang at nagkakaingayan na ang lahat dahil sa kasiyahan ay nagpasya na siyang tumalikod

Agad na pumasok sa loob si Khael para tignan ang kalagayan ni Yuri nag aalala siya dito dahil sa nakita niya kanina, kung paano ito saktan ni Prinsipe Fhino

"Kamusta si Leigh?," tanong niya kina Nena habang papasok sa loob

Ininguso naman ni Nena ang kinalalagyan ni Yuri habang nilalapatan iyon ng lunas nina Sister Janelle at Nanay Ruby

"Ang tigas ng ulo mo," ani ni Sister Janelle na napapangiti nalang si Yuri, dahil kanina pa ito nanenermon sa kanya,"Kamuntikan ka ng mamatay doon ah,"

"A-aray naman, Sister Janelle,"angal niya,"Masakit kaya iyang ginagawa mo, dahan dahan naman,"natatawa niyang sabi, naiiling nalang si Aling Ruby sa kulitan ng dalawa

"Ahem!," pekeng ubo ni Khael

"Lagot ka,"ani ni Sister Janelle

"Patay," bulong niya, nakita kasi niya ang seryisong mukha nito

"Mag usap muna kayo,"ani ni Sister Janelle,"Sa labas lang kami at makikipagsaya sa mga tao, aswang at taong lobo,"

Inihatid lang nila ng tingin sina Sister Janelle at ang ilan palabas ng tent, tanging silang dalawa nalang ang nandoon sa loob

Kaya napatakip nalang kaagad siya ng kumot sa mukha, para itago ang kanyang mga mata at buhok

"Yuri Leigh,"ani ni Khael, alam na niyang galit ito kapag tinawag siya sa buo niyang pangalan

"Inaantok ako,"anas niya,"Pwede mamaya na tayo mag usap?,"

"YURI.LEIGH."may diin na ng pagkakabigkas sa pangalan niya kaya wala na siyang nagawa pa

"Khael naman eh,"ani niya sabay tanggal ng kumot na nakatakip sa ulo at mukha niya

Napakunot noo naman si Khael ng makita ang kulay ng buhok niya lalo na ng kanyang mga mata

"Anong nangyari sa buhok at mata mo?," gulat na tanong ni Khael sa kanya,"Nagpakulay ka ba at nagpalagay ng contact lense sa mata mo?,"

"Hindi,"ani niya,"Naging ganito na ang kulay ng buhok at mga mata ko ng sumailalim ako sa training ni Tata Amang,"paliwanag niya, naupo siya dahil nahihirapan na siya

"Leigh naman,"ani nito sabay yakap sa kanya ng mahigpit,"Alam mong miss na miss na kita Leigh. Mahal na mahal kita alam mo yan,"

Napangiti nalang siya bago gumanti ng yakap sa kanyang kasintahan

Ilang sandali pa ay magkalapat na ang kanilang mga labi, hindi na niya namalayan na hinalikan na pala siya ni Khael, kaya napapikit nalang siya

"Ahem,"pekeng ubo ni Sister Janelle, sabay lapit sa kanilang dalawa,"Kailan ang kasal niyo?,"tanong nito sa kanila

Nagkatinginan lamang silang dalawa at hindi alam ang isasagot

"Alam kong may nangyari na sa inyo,"ani nito,"Alam kong ikinulong kayo ni Kevin sa bahay, at alam ko din na imposibleng walang nangyari sa inyong dalawa? Ano, Khael?,"

"Opo,"at ikinuwento na niya lahat sa tiyahin ang nangyari sa kanilang dalawa sa loob ng kwarto

Napapailing nalang si Sister Janelle ng matapos magkwento si Khael, tinignan lang silang dalawa bago sila niyakap ng mahigpit habang nakangiti
.
.
.
.
.
.
.
.

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon