Chapter 149

479 39 0
                                    


°°°°°°°°°°

**Labanan ng liwanag at kadiliman**

Sagupaan ng mga Anghel at Demonyo sa pamumuno ni Satanas

Ilang sandali pa ang lumipas, lumiwanag muli ang kalangitan at mula doon ay may mga anghel na bumaba na nakasakay sa mga kabayong may pakpak na papasugod sa mga demonyo

"IKAW NA ANG HUMARAP SA MGA IYAN!,"utos ni Lucifer kay Satanas at sa iba pang demonyo na nasa paligid nila,"KAILANGAN NA MATALO NA NATIN SILA KAAGAD, BAGO PA SIYA DUMATING AT IPATAPON NA NAMAN TAYO SA IMPYERNO,"bilin nito kay Satanas na kaagad naman sinang ayunan

(Ayan po ang labanan ng mga magigiting na Mandirigmang Anghel laban kay Satanas at sa mga demonyo👇👇👇)

Habang pababa at papalapit sa pwesto nila Satanas ang mga Anghel na nakasakay sa kabayong puti ay sumugod na kaagad sina Satanas at ang mga alagad nilamg demonyo papasalubong sa mga iyon

Hindi na nila hinintay pa na makababa ang mga anghel para tapusin sila at patayin, kailangan nila na matalo ang mga iyon dahip hindi na sila papayag na maibalik pa sa impyernong pinagtapunan sa kanila ng Panginoon

Kaagad na inundayan ni Satanas ng kanyang pag atake ang mga anghel na nakasakay sa puting kabayo

Kahit na nasisilaw sila sa liwanag na nagmumula sa mga anghel na kanilang kalaban ay nagpatuloy pa din sila sa pakikidigma sa mga iyon

"Sumuko na kayo,"ani ng isang Mandirigmang Anghel kay Satanas,"Hindi kayo mananalo at higit sa lahat ay hindi kayo magtatagumpay,"ani nito,"Hindi kailanman nagwawagi ang kasamaan at kadiliman sa kabutihan at liwanag tandaan mo iyan,"

"HINDING HINDI KAMI SUSUKO, TANDAAN NIYO IYAN!," sigaw ni Satanas na biglang lumaki at naging higante,"SASAKUPIN NAMIN ANG SANGKALUPAAN AT ANG NILIKHA NG INYONG DIYOS!," bigla iyong sumugod sa mga anghel kaya wala na silang nagawa kundi ang labanan ang mga demonyo na nasa harapan

Wala ng inaksayang sandali ang mga mandirigmang anghel kindi ang supulin at patayin ang mga demonyo para matapos na din ang pagpapahirap ng mga iyon sa mga tao at ibang elemento

Ilang minuto pa ang sandali ay nanghihina na si Satanas dahil punom puno na ng sugat ang mg katawan nito kaya sumuko nalang ito at kinain na ng lupa ang katawan ni Satanan
.
.
.
.
.
.
.
.

Samantala, sa Impyerno

Ibang anghel naman ang kalaban ni Leviathan ng mga sandaling iyon, mga anghel na may kakayahang humawak ng sibat na ginto at purong gintong pana ang sandata ng mga iyon

Dahil nga sa tila dragon si Leviathan ay may kalakasan din siya kahit na papaano, kaya mas marami din siyang napapatay na mga mandirigmang anghel

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon