Chapter 57

540 40 2
                                    


°°°°°°°°°°

Maagang nakarating ang team nila Khael kaysa sa inaasahan nilang oras na kanilang pagdating doon

Dahil nga sa Biyernes Santo at walang pasok sa eskwelahan at sa trabaho kaya maluwag ang daloy ng trapiko sa Edsa, Nlex at Slex

Kaya alas dos pa.lanh ay nasa Nueva Ecija na sila at papinta na sa Sitio Santa Catalina

"Sana makaabot tayo,"dasal ni Sistet Janelle habang kinakabahan,"Sana maabutan natin silang buhay, kung napasama man doon si Jen,"

"Tita, maabutan po natin silang buhay,"ani ni Khael,"Kung nandoonan si Jen, buhay siya ok?,"

Tumango lang si Sister Janelle habang hawak ang rosario na binigay pa ng isang matandang Pari na galing Vatican at nabasbasan din iyon ng Santo Papa

"Bilisan na natin,"ani ni Dave sa driver ng sasakyan

"Opo, Sir,"tugon nito kaya kaagad na iyong binilisan kahit pa na may lubaklubak ang daanang papunta sa Santa Catalina
.
.
.
.
.
.
.
.
Isang oras Mahigit ang Lumipas

"Sir, bilisan niyo po,"ani ng isang lalake, na siya ang nag report sa kanila ng tungkol sa bayang iyon

"Bakit po, Manong?," tanong ni Dave

"Kanina pa po sil ng uumpisa,"natatarantang saad nito,"May mga napatay na po silang bihag, baka po mahuli na kayo,"

"Let's go, Men!," hudyat ni Dave at mabilis na silang tumakbo papunta sa simbahan

Hindi na nila ginamit ang kanilang sasakyan dahil madidinig sila ng mga aswang na nasa loob ng simbahan at makakatakas pa ang mga iyon

Mabilis pero maingat silang tumakbo papasok ng Sitio at sa di kalayuan ay nakita na nila ang simbahan

Habang papalapit sila sa simbahan ay kinikilabutan sila dahil sa mga rebulto na nakapaikot doon

"Diyos ko po,"kuro nina Sister Janelle at ni Father Luis ng makita ang rebulto ng diablo at ng mga alagad nito,"Mahabaging langit,"dagdag pa ng dalawa

Kahit ang mga kasama nila ay napaantada na din ng krus sanhi ng kilabot at takot na lumukob sa kanilang katauhan

Habang papalapit sila ay nadidinig nila ang hiyawan at iyakan ng mga natitirang bihag ng mga aswang

Nadidinig din nila ang mga ungol at ngasab ng mga iyon na tila gutom na gutom at sabik na sabik

Nang makadinig na sila ng malalakas na tilian, iyakan at pagmamakaawa ay nagdesisyon na sila na pasukin at pasabugij ang simbahan na iyon

"Nasa loob po ang lahat ng aswang na nakatira sa Sitio na ito,"ani ng lalake sa kanila

"Pasabugin na po natin,"ani ni Khael,"Para mailigtas po natin.ang mga natitirang bihag nila,"

"Sige,"at sabay tango sa mga kasama nila at biglang naghagis ng aunod sunod na granada sa pintuan at bintana ng simbahan na nakabukas ng mga sandaling iyon

Tanging pintuan lang ang nakasarado kaya hindi sila makapasok, binatuhan din ng granada ang malaking pintuan para makapasok sila

Ang mga rebulto ay sinita at piansabog din nila, dahil hindi iyon naaayon sa kanilang pananampalataya
.
.
.
.
.
.
.
.
Sa loob ng Simbahan

Natataranta na ang mga aswang dahil sa unang bugso ng pagsabog

Ilang sandali pa ay lumikha ulet sila ng napakatinding pagsabog, na naging dahilan para malagas ang mga aswang na naroroon sa loob

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon