°°°°°°°°°°THIRD PERSON'S POV
Nadinig at nakita naman ni Yuri ang nangyari kay Ramil, ang pagsugod ng mga aswang dito
Nakita niyang dinaluhong ito ng tatlong aswang at kinagat sa leeg ang binata
"RAAAMMMIIILLLL!!!," sigaw ni Yuri na ikinalingon ng kanyang mga kaibigan, nanlaki ang mga mata nila at napanganga ng makitang kinagat nga si Ramil sa leeg
Agad na tinakbo ni Yuri ang binata at tinulungan, pinagtataga niya ang mga aswang na nasa ibabaw ng katawan ng binata
Bago pa mawalan ng malay tao si Ramil, ay naramdaman niya ang isang mainit na palad na humaplos sa kanya, humawak sa kanyang kamay at kumuha sa kanyang singsing
Ilang saglit pa, ay hindi niya maipaliwanag ang kakaibang pakiramdam na nararamdaman niya sa isang bahagi ng sugatan niyang katawan, ilang minuto pa ang lumipas ay naramdaman niya na biglang umayos na ang pakiramdam ng kanyang katawan
Nang imulat niya ang kanyang mga mata, ay laking gulat niya ng makita ang masayang mukha ni Aling Ruby na nakangiti sa kanya
"Ligtas kana, huwag ka ng matakot,"anito sa kanya, saka kinuhang muli ang kanyang kamay at ibinalik sa kanyang daliri ang singsing
Nang ilibot niya ang kanyang mga paningin ay laking gulat niya ng makita na hindi lamang mga tao at sundalo ang nakikita niyang nakikipaglaban sa mga aswang
Nahagip ng kanyang mga mata ang ilang mga kalalakihan at kababaihan ang nakikipaglaban din sa mga aswang,
Kagaya din sa mga aswang na mabalahibo din ang mga katawan ng mga ito, may mapupulang mga mata, na may mga matutulis na mga kuko at ngipin
"Dumating na din sa wakas ang back up na hinihintay natin, Ramil," paliwanag sa kanya ng matanda
Maging ito ay nagbagong anyo na din, duguan ang bibig at mga kuko nito, mistulang marami na din itong kalaban na napaslang
"Mga aswang? Laban sa mga aswang?!," gulat na bulalas ni Ramil at hindi makapaniwala sa kanyang mga nasaksihan
Tumango ang matanda na nakangiti sa kanya ng maluwag
"Oo tama ka,"ani nito,"Nandito na din ang Prinsipe ng mga aswang at ang mga taong lobo,"
Lumingon pa siya sa labas at di nga ito nagsisinungaling, nakita niya sina Rohan at ang mga taong lobo na nakikipaglaban sa mga aswang
"Matagal ng nanumpa ang aming lahi sa aming Prinsipe na hindi na kami aatake sa mga tao, marami namang paraan para makatikim kami ng dugo at makakain ng sariwang karne,"ani nito,"Dati na kaming naninirahan sa Sitio Cauayan ng tahimik at karamihan sa mga katulad ko ay nakapangasawa, nanirahan at nakapagtrabaho sa ibat ibang bahagi ng Pilipinas, nagkahiwa hiwalay na din ang mga kasamahan namin simula pa noon,"mahabang paliwanag nito sa kanya
Hindi siya makapaniwala sa kanyang mga nadinig, may mga kagaya pa pala nila na natitiis ang hindi pagkain ng laman ng tao at pag inom ng dugo
"Pero kahit na magkakalayo kami ay nananatili pa ding bukas ang aming mga komunikasyon, na kung sakali mang mangyari ang mga kagaya nito ay handa na kami,"paliwanag pa nito sa kanya
Napatango nalang siya bilang tugon sa matanda, wala din naman siyang alam kaya hindi na siya sumagot sa sinabi at pinaliwanag nito
Kailangan niya magpahinga kahit sandali para makabawi ng lakas at makatulong na kina Yuri
.
.
.
.
.
.
.
.
BINABASA MO ANG
Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯
TerrorHeto na ang bagong yugto at buhay ng ating Mahal na Prinsipe Kung saan ang nakaraan ay magtatagpo sa hinaharap Ang mga dating kaibigan ay magkikita kita At ang mga nakatagong lihim ay mabubunyag na Kaya tara at samahan natin ang ating mga bida sa pa...