°°°°°°°°°°THIRD PERSON'S POV
Kumalat na din maski sa karatig probinsya at sa iba pa ang balita tungkol sa pag atake ng mga aswang, kaya nagkaroon ng biglaang pagtaas ng pangangailangan ng mga pangontra sa mga ito
Kagaya ng bawang, asin, kawayan, buntot ng pagi at kung anu ano pa
Marami rami na din ang mga nagsipaglikas at iniwan nila ang kani kanilang mga kabuhayan
Habang punong puno ng takot at pangamba ang karamihan, ay abala naman sina Ramil at Yuri sa pag uuasap, kung papaano nila matutulungan ang isat isa kung sakaling umatake muli ang mga aswang
Matapos mangyari ang sagupaan ilang araw na ang nakararaan, napagdesisyunan ng dalawa, na mas kilalanin pa ang kapangyarihan at kakayahan na taglay nila
Gamit ang sandata ni Yuri ay naglaban silang dalawa upang malaman ang mga kayang gawin ni Ramil, dahil nahihirapan siya
At isa pa, hindi siya lumaki na nakikipaglaban, pero dahil na din sa banat sa trabaho ang katawan niya ay hindi naman siya nahirapan na sundin ang mga ibinibigay at sinasabi sa kanya ni Yuri
Nagagawa ng singsing ni Ramil na sunugin ang kahit na anong uri ng aswang sa simpleng paglapat at pagdikit nito sa mga balat nila
Kung magpopokus lang si Ramil ay kaya niyang triplihin o mas palakasin pa ang kanyang pagsuntok gamit lang ang kanyang singsing
Nagagawa din nitong pagalingin ang mga sugat niya, laking pasasalamat talaga niya sa singsing na iyon na bigay pa ng kanyang mga magulang bago pa pinatay ang mga ito ng mga kapwa aswang ilang taon na ang nakararaan
Kung hindi dahil sa singsing ay hindi niya alam at hindi niya mawari kung ano na ang nangyari sa kanya noong hinabol siya ng aswang at sa mga natitira niyang pamilya
Habang abala sila sa kanilang pag eensayo ay narinig ni Ramil ang malakas na tawag sa kanya ng ina ng kanyang kaibigan
Agad naman na lumabas si Ramil mula sa loob ng garahe kung saan silang dalawa nag eensayo ni Yuri
"Bakit po, Nay?," takang tanong niya at may pagkabahala sa kanyang boses, Nanay na din ang tawag niya sa mga magulang ng kaibigan niyang si Ralph,"May umatake na naman po ba?,"tukoy niya sa mga aswang
Umiling lamang ito bilang tugon, pero halatang halata sa mukha ng matanda ang labis na pagkabalisa
"Ramil, Yuri, kailangan niyong makita ang nangyayari sa lawa ng taal,"nahintatakutang saad ng ina ng kaibigan ni Ramil
Nagtataka namang nagkatinginan silang dalawa ni Yuri, nagmamadali namang naglakad ang matanda kaya napilitan silang dalawa na sumunod
Bitbit ni Yuri ang kawayang mas pinatulis pa niya, habang hindi na naman mapigilan ni Ramil ang kabahan kahit na sinigurado ni Yuri sa kanya na kayang kaya nilang labanan ang mga aswang
Makalipas ang ilang minutong paglalakad ay nakarating na sila sa gilid ng lawa
Nanlaki ang kanilang mga mata dahil sa kanilang nasaksihan, na ang dating pangisdaan, daanan ng mga bangka na papunta sa bunganga ng taal ay unti unting natutuyot
Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay biglang naging tuyot ang lawa
"Ramil, umalis na tayo dito,"naiiyak na wika ng matanda,"Tulungan mo kami, Ramil, natatakot na ako dito maging ang mga kapatid ni Ralph,"
Hindi nakakibo si Ramil, ilang beses na din sumagi sa kanyang isipan na isama ng ilikas ang pamilya ni Ralph sa mga nagsipag alisan na sa lugar ng mga ito, ilang beses din niyang naisip na umalis na din doon
BINABASA MO ANG
Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯
HorrorHeto na ang bagong yugto at buhay ng ating Mahal na Prinsipe Kung saan ang nakaraan ay magtatagpo sa hinaharap Ang mga dating kaibigan ay magkikita kita At ang mga nakatagong lihim ay mabubunyag na Kaya tara at samahan natin ang ating mga bida sa pa...