Chapter 148

495 40 10
                                    

°°°°°°°°°°

**Demonyo laban sa mga Anghel**

Matapos magbabaan ang mga anghel mula sa kalangitan ay nagsipag atrasan na ang mga demonyo lalo na ng may isang babaing anghel ang nakasunod doon at may nakakasilaw na liwanag na kumubli sa kanilang mag kakaibigan

( Siya ang anghel na Mama nila Akira at Mark👇👇👇)

"Mama?," nanghihinang sambit ni Akira ng makilala niya ang anghel na nasa kanilang harapan,"Kamusta kana?,"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Mama?," nanghihinang sambit ni Akira ng makilala niya ang anghel na nasa kanilang harapan,"Kamusta kana?,"

"Anak ko,"yakap nito kay Akira na noon ay nahihirapan na dahil sa mga aswang na ansa kapaligiram nila,"Kayanin mo iyan anak, para sa iyong Hari at sa iyong kambal,"sabay halik at haplos sa ulo ni Akira

Kaya napapikit nalang siya para damhin ang halik ng kanilang Ina, na matagal na niyang kinasasabikan

"Matatapos din ang lahat anak,"ani nito sa kanya,"Maghanda na kayong lahat para sa labanang ito, umasa kayo na matatapos din ito at sisikat ang isang magandang araw para sa ating lahat,"tumingin ito kay Yuri na nasa di kalayuan,"Kaya maniwala at Manampalataya tayo sa ating Panginoon,"

Tumango nalang silang lahat dahil sa sinabi nito, inihahanda na nila ang kanilang mga sandata, nakahanda na din ang mga mandirigmang anghel na bumaba sa lupa

"Kayo na ang bahala sa mga aswang,"ani ng Ina ni Akira,"Kami na ang bahala sa mga demonyo sa at Pitong iyan," turo nito kasama na si Lucifer,"Maghanada na kayo,"

Tumango lang sila habang naghahanda na sa kanilang pakikidigma kasama ang mga anghel at ang ina ni Akira
.
.
.
.
.
.
.
.

Makalipas ang ilang minuto

Umahon mula sa impyerno ang mga mandirigmang demonyo para kalabanin ang mga anghel na sinugo ng Langit para kalabanin ang kasamaan

Lahat ng mandirigmang demonyo ay binuhay ni Lucifer at pinapaahon mula sa impyerno, nais talaga nito na manalo laban sa mga tao at sa mga dating kasamahan na mga anghel na ngayon ay kinakalaban siya

Pero bago pa makalabas ng impyerno ang mga iyon ay kaagad na silang sinalubong ng mga anghel at ibinabalik sa impyerno, doon na sila naglaban laban para hindi na makatapak pa sa lupa ang mga iyon, hindi na alintana ng mga mandirigmang anghel ang init na kanilang nararamdaman ng mga sandaling iyon

(Mga Mandirigmang Anghel laban sa mga Mandirigmang Demonyo ni Lucifer👇👇👇👇)

(Mga Mandirigmang Anghel laban sa mga Mandirigmang Demonyo ni Lucifer👇👇👇👇)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon