°°°°°°°°°°Simula ng gabing iyon ay mas naging malapit pa lalo sina Ambo at Deleilah sa isat isa na di kalaunan ay niligawan na ng binata ang dalagang matagal ng nagugustuhan
Simula din ng gabing iyon na magamit nita ang liwanag ng buwan ay lalo pa siyang nag ensayo sa tulong ng maestro nila na isang ermitanyong puti na naninirahan sa kagubatan
Pinagbuti pa niya ang kanyang pagiging isang Babaylan at manggagamot, tumutulong sa mga nangangailangang kababaryo o kahit sa mga karatig Baryo kasama.ang mga kaibigan niya
Pero hindi sila nagpapabayad ng pera na iniaabot sa kanila
Tanging mga gulay, prutas, bigas, mais o mm ga hayop na buhay na katulad ng manok, kambing, baboy at pato ay kanilang tinatanggap
Marami na silang nakalaban na kampon ng kadiliman, kagaya ng mga mangkukulam, mambabarang, aswang, mga masasamang elemento na sumasapi sa katawan ng biktima
Simula ng noon ay kinatakutan na ang grupo nila Ambo, ng kapwa manggagamot at mga lamang lupa
Dahil ang ilan sa mga kaibigan niya ay pianapatay mismo ng mga ito ang mga sapi o ang mga nakakalaban nila lalo na kapag hindi madala sa pakiusapan
.
.
.
.
.
.
.
.
Lumipas pa ang ilang buwan at naging isang taonIkinasal sina Ambo at Deleilah, nakapagpatayo ng sariling bahay si Ambo dahil sa kinikita nito sa pagtitinda ng kanilang inaning gulay at palay, sa sariling bukid
Masayang masaya ang magbawat isa lalo na ang mga kaibigan niya na may kanya kanya na ding pamilya
Pero magkakasama pa din sila sa panggagamot at sa paglaban sa mga masasamang elemento
Isang gabi habang nasa sala sina Ambo kasama ang mga magulang ni Deleilah dahil doon na nila iyon pinatira, ay nakadinig sila ng kakaibang huni sa paligid
"Mukhang may bisita tayo ah," ani ng tatay ni Leilah,"Alas siyete pa lang pero ang aga naman dumalaw,"
"Anak, buntis ka ba?," tanong ng Nanay nito, napatahimik sina Ambo at ang biyenan nito na nakatingin kay Leilah na biglang nanahimik
Maya maua pa ay ngumiti ito bago tumango sa kanila
"Magiging tatay na ako!," biglang sigaw ni Ambo na lumabas ng bahay,"Mga kababaryo magihing tatay na ako! Buntis ang pinakamamahal kong asawa na si Leilah!,"
"Ambo!," sigaw nf Nanay nila,"May aswang sa punong kaimito!,"
Pero wala itong nadinig, nagsasayaw at umikot ikot pa iyon bago nagsisigaw sa tuwa
Napapailing nalang si Leilah sa inaasal ng kanyang asawa
"Pa, pasok kana!," sigaw na tawag nito kay Ambo,"Mag uusap pa tayo!,"
Kaagad naman pumasok si Ambo bago isinarado ang pintuan na sakto naman na may sumunod sa kanya
Pero ang dahon na ng pintuan ang naabutan nito kaya bumangga doon ang nilalang na nakasunod kay Ambo
"Ilang buwan ka ng buntis, Ma?," tanong niya sa asawa
"Magda dalawang buwan na ito sa katapusan, Pa,"sabay himas sa tiyang wala pang umbok
"Kaya pala itong mga nakaraang gabi ay lagi tayong may bisita," ani ng Nanay nito,"Kaya simula ngayong gabi ay lagi kana mag iingat,"
"Lalo pa at madami ng nakaaway na mga masasamang elemento at aswang iyang asawa mo,"dagdag pa ng tatay nila,
Napatingin naman si Deleilah sa asawa nito na punong puno ng pagaalala, kahit na isa itong magaling na Babaylan at manggagamot
"Wag kang mag alala, Nay," ani ni Ambo,"Ipagtatanggol ko kayo at poprotektahan laban sa mga kampon ng kadiliman, kahit buhay ko pa ang kapalit,"
BINABASA MO ANG
Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯
HorrorHeto na ang bagong yugto at buhay ng ating Mahal na Prinsipe Kung saan ang nakaraan ay magtatagpo sa hinaharap Ang mga dating kaibigan ay magkikita kita At ang mga nakatagong lihim ay mabubunyag na Kaya tara at samahan natin ang ating mga bida sa pa...