°°°°°°°°°°THIRD PERSON'S POV
Matapos nilang mapatay ang mga aswang at si Prinsipe Fhino ay nagbunyi ang mga taong nasa rescue center at mga evacuations area, pati ang mga kapulisan, sundalo at militar
Ang iba naman ay inaayos ang mga nasirang kabahayan kinabukasan,
Tulong tulong ang lahat o ang tinatawag na Bayanihan para magawa ang ilang bahay at ang ilan mga nagkalat na bangkay ay kanilang inilibing ng sama sama sa sementeryo
Kahit silang magkakaibigan ay tumulong na din maliban kay Yuri na hinayaan nilang magpahinga dahil na din sa kagustuhan ni Khael kaya wala na silang nagawa lalo na si Yuri kaya nagpahinga nalang siya
Nasa isang kubo siya habang nakatingin sa labas at nakikita niya ang mga iyon na masaya habang tumutulong
Kahit gusto niyang tumulong dahil alam niyang mukhang masaya ang ginagawa ng mga ito, pero hindi niya pwede suwayin si Khael dahil galit ito at halos di siya kibuin kapag nagpupumilit siya sa gusto niyang gawin
"Kamusta kana, Yuri?," tanong ni ni Nanay Ruby sa kanya,"May naaamoy ako sayo,"sabay singhot sa hangin na nakapikit,"Napakabango, ngayon lang ako nakaamoy ulit ng ganitong kabangong amoy,"
"Po?," takang tanong niya,"Ano pong amoy iyon, Nanay Ruby?,"
"Buntis ka ba, Yuri?," diretsang tanong ni Nanay Ruby sa kanya, nagulat siya at nanlaki ang kanyang mga mata,"Sa tangin ko nasa ikalawang buwan na ang iyong ipinagbubuntis,"
Hindi siya kumibo dahil hindi niya alam kung nagda dalang tao ba siya o hindi dahil naging abala siya ng nakaraang buwan
"Buti nalang at hindi ka nakunan,"ani ni Nanay Ruby,"Grabe ang ginawa sayo ng aswang na iyon. Kaswerteng bata, malakas ang kapit at ang ama ay isang malakas na uri ng nilalang,"
"Hindi ko po alam, Nanay Ruby,"ani niya,"Kasi naging abala po ako sa mga gawain ko ng mga nakaraang buwan,"
"Ingatan mo ang anak, Yuri,"paalala nito,"Siya ang taga pagmana ng kanyang ama paglaki niya at isa din siyang malakas na bata sa kanyang henerasyon,"
"Salamat po, Nanay Ruby,"ani niya sabay ngiti
"Alam naba niya?," tanong nito sa kanya na ang tinutukoy nito ay si Khael,"Mas magandang ipaalam mo sa kanya para maprotektahan ka niya sa lahat,"
"Hindi pa po ako handa, Nanay Ruby,"sagot niya,"May pinaghahandaan pa po akong labanan na darating, baka maging sagabal lang po iyon eh,"
"Ikaw ang bahala,"ani nito sabay abot ng pagkain sa kanya,"Malalaman din niya na nagdadalanag tao ka, malakas ang pang amoy niya, isa siyang malakas na aswang, Prinsipe at mula sa lahing bampira, kaya wala kang maililihim sa kanya,"
Napabugtong hininga nalang siya, alam niya iyon kaya pilit niyang itinatago ang amoy ng kanilang anak sapamamagitan ng orasyong pambulag, kailangan pa niya ng ilang araw o linggo para paghandaan ang nalalapit na pagbabalik nila Apollo
"Kumain kana at magpalakas ka mabuti para malakas din ang kapit ng anak niyo,"paalala nito sa kanya habang nakangiti
"Salamat po, Nay Ruby,"
"Sige, maiwan na kita,"paalam nito sa kanya
Napatango nalang siya habang kumakain ng tanghalian, hinayaan nalang niya ang mga kaibigan na tumulong sa lahat
.
.
.
.
.
.
.
.Samantala,
Sa Impyerno
Nandoon sina Cain, kasama ang pitong Prinsipe ng impyerno at ang mga alagad ng mga ito na demonyo, pinagpa planuhan nila ang paglabas mula doon para matalo ang kanilang mga kalaban lalo na sina Yuri
BINABASA MO ANG
Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯
HorrorHeto na ang bagong yugto at buhay ng ating Mahal na Prinsipe Kung saan ang nakaraan ay magtatagpo sa hinaharap Ang mga dating kaibigan ay magkikita kita At ang mga nakatagong lihim ay mabubunyag na Kaya tara at samahan natin ang ating mga bida sa pa...