Chapter 130

763 53 29
                                    

°°°°°°°°°°

Third Person's POV

Kaagad silang nagsipag pwesto sa harapan ng kombento, inihanda na nila ang kanilang mga sandata dahil anumang oras ay darating na ang mga aswang

Natatanaw na nila ang mg aito sa di kalayuan, kaya nagkatinginan silang lahat

"Hindi na natin kailangan na hanapin sila,"ani ni Khael,"Dahil sila mismo ang lalapit at hahanap sa atin,"

"Tama ka, Khael,"pagsang ayon ni Rohan,"Napakarami nila, mukhang mahaba haba ang gabi natin ngayon ah,"sabay tawa kaya napapangiti nalang silang lahat

"Kahit na gaano pa sila karami,"ani ni Yuri,"Mananalo pa rin tayo dahil mas makapangyarihan ang ating Nag iisang kakampi,"sabay labas ng kwintas niyang rosayo na ginto,"Magtiwala lang tayo sa KANYA at Manampalataya hindi NIYA tayo pababayaan,"

"TAMA!," kuro ng lahat bago nagsign of the cross,"Patnubayan nawa tayo ng ating Panginoon Diyos,"

Ilang sandali pa ang nakalipas ay nakita nila ang mga aswang na tumatakbo na ng mabilis na patungo sa kanilang kinatatayuan

Umalis na din sila sa tapat ng kombento at pumuwesto na sila sa gitna ng kalsada habang hinihintay ang mga aswang na papasugod sa kanila

May mga nakikita na din sila na nagsisipag talunan na sa bubungan ng kombento at simbahan

At ang mga natirang mga aswang na halos hindi mahulugan ng karayom ay kaagad silang pinaikutan ng mga iyon, kaya nagtalikuran na silamg lahat para mabantayan ang isat isa

Nagsisipag angilan at ungulan ang mga iyon, halos napuno ang harapan ng simbahan at kombento ng mga aswang na nakapaikot sa magkakaibigan

Na aakalain mong nasa isang rally ang mga iyon dahil sa tabi tabi at dikit dikit ang mga ito na para bang takot na takot na masingitan

Habang ang mga nasa loob ng kombento na nakasilip sa malilit na butas ay mga kinakabahan na dahil sa mga nakitang aswang

Hindi akalain ng mga nasa loob na ganoon kadami ang mga aswang na sumugod sa kanila ng gabing iyon, maliban pa sa mga aswang na nasa taas ng bubungan at sa paligid ng kombento

Agad naman na nagsipaghanda silang lahat dahil naghiyawan na ang mga aswang na nasa taas ng kombento ng maapakan ng mga ito.ang mga pangontra na kanilamg mga inilagay

May mga umanagil at tila umiiyak din silang nadinig, mga aswang iyon na natusok saga buhp na nakapaikot at nakalagay sa bawat bintana ng kombento

Mayroon din na humihiyaw sa bakuran ng kombento dahil naapakan ng mga ito ang pinatiyo at dinurog na dahon ng makahiya at makabuhay na kanilang ikinalat sa sahig at lupa sa bakuran ng kombento

Kaagad na nagsipagpulasan ang mga ito papalayo habang nimilipit sa sakit na nararamdaman

Ang mga nasa bubungan naman na mga aswang ay kaagad na nagsipagtalunan pababa dahil sa naramdaman nila ang pagdikit ng asin na may dinikdik na bawang at katas ng kalamansi sa kanilang mga paa at katawan

Mabilis na umaatake ang mga aswang sa kanilang magkakaibigan,

Nang makalapit na ang mga aswang ay kaagad na nagpalit ng anyo sina Rohan, Vince,  Anthony at ang mga mandirigmang lobo

Pati si Khael ay nagpalit na din ng kanyang kaanyuan bilang isang bampira, hindi pa niya ipinapakita ang kanyang totoong kaanyuan bilang isang aswang

Biglang umikot si Khael, gamit angking bilis nito ay hindi na siya napansim ng tatlong aswang na kanyang inatake

Kaagad niyang napatay ang tatlong aswang ng maihampas niya ang mga ulo ng mga ito sa pader ng simbahan

Pinagpapana naman ni Kevin ang mga papasugod sa kanya habang ang mga nasa loob ng kombento naman ay pinagpapana din ang mga aswang na lumilipad

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon