Chapter 55

554 41 1
                                    


°°°°°°°°°°

Babala:

Ito ay may temang maaaring hindi angkop sa mga batang mambabasa

Lalong lalo na sa mga relihiyoso, ilalahad ko ang kwentong ito, hindi upang hamakin ang isang relihiyon

O hamunin ang matagal na nilang paniniwala

Pasintabi sa mga kumakain o mahina ang sikmura pagdating sa mga maseselang bagay

This is a work of fiction

For entertainment purposes only

Read at your own risk

°°°°°°°°°°

THIRD PERSON'S POV

Biyernes Santo

Dakong alas dose ng Tanghali

Nagising nalang si Jennica na nakagapos na siya sa isang sulok kasama ang ilang mga kababaihan na katulad niya ay hubo't hubad din at nakatali, kasama ang dalawa niyang kaibigan

Sampu silang bihag sa madilim at masukal na silid na iyon

Hindi nila kakilala ang mga kasama nila, tanging sila lang ang magkakakilala dahil magkakaibigan sila at magkasama sa trabaho

Pero nagagawa pa din nilang mag usap usap at magtanong

"A-ano kaya ang gagawin nila sa atin,"mangiyak ngiyak na tanong ng isang babae",Ako nga pala si Bianca," nagpakilala ito sa kanilai

"H-hindi k-ko alam, wala din kaming kaalam alam," sabi nito,"Ako naman si Fiona,"pakilala ng kasunod

"Basta ang alam ko nagising nalang ako kahapon na nandito na at ganito na ako, tapos kaninang umaga kayo naman ang mga dinala dito,"dagdag ng isa pa,"Ako si Bea,"

"Makakalabas pa kaya tayo ng buhay dito?," ani ni Jennica na nawawalan na ng pag asa,

Habang ang mga kaibigan niya ay umiiyak nalang sa isang sulok kasama ang ilan din na kagaya nilang mga bihag na hindi nila kilala

Awang awa siya sa kanilang sampung naroroon, pero wala din siyang magagawa

Nanghihina siya at hindi niya magamit ang kakayahan niya bilang isang bampira, dahil may pangontra na nakasabit sa kanyang paa

Bukod kasi sa wala ni isang saplot ang kanilang katawan ay bakas na bakas din sa kanilang mukha at katawan ang mga pasa,

Halatang dumanas sila ng matinding bugbog bago ipinasok sa madilim na kwartong iyon

"Hindi natin kailangang sumuko," ani ng isang babae,"Dapat magtulungan tayong sampu para makatakas dito,"

"P-pero paano? Kita mo ngang nakagapos tayo?," tanong ni Fiona

"Wala naman tayong laban sa anumang panganib na naghihintay sa ating lahat," ani ni Bea na halos hindi na tumigil sa pag iyak simula ng magising

"Alam kong mahirap, pero wag tayong mawalan ng pag asa," muling tugon ni Jennica sa kanila,"Habang wala pa sila, kailangan nating magplano kung paano tayo makakalabas dito,"

"Teka maiba nga muna ako," ani ni Bianca,"Taga saan nga pala kayo? At papaano kayong napadpad dito?,"

"Dinukot ako ng mga sindikato noon habang naglalakad ako pauwi sa amin," ani ni Bea,"Tapos binenta nila ako sa mga taong namamahala sa lugar na ito, hindi ko nga kabisado ito eh, basta ang alam ko malayong malayo na ito sa amin," nag uunahan na namang pumatak ang luha nito habang nagku kwento sa kanila

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon