Chapter 40

675 40 5
                                    


°°°°°°°°°°

Dahil sa nagkaroon na ng asawa si Maria sa mundo ng mga aswang ay doon na siya nanirahan hanggang sa biyayaan sila ng isang anak na babae

Pinangalanan nila itong Janna, isang napakagandang sanggol na babae,

Mas lalong naging abala si Maria sa kanyang anak kaya hindi na siya gaanong nakakadalaw sa kanyang kakambal na si Jaime

Ang asawa naman ni Maria ay sa palasyo nina Haring Saturno na ninilbihan bilang taga pagluto ng Hari at Reyna, iba naman sa dalawang anak nito

Doon na minsan namamalagi ang kanyang kabiyak lalo na noong hinirang na maging bagong Hari si Karry ng ama nito

Siya na ang tagapagluto nito dahil ayaw kumain ng mga kinakain nila si Prinsipe Serafino

Gusto nito ng sariwang karne ng tao, kaya isang araw ay nagkamali ng pasok ang asawa ni Maria at ito ay napagdiskitahan ni Serafino, dahil sa sobrang galit nito sa ama at kapatid

Kinatay niya ito at kinain, pero iba ang itinuro niyang pumatay, kaya iba ang nabitay ng mga sumunod na araw, labis naman na nasaktan si Maria dahil sa pagkamatay ng kanyang kabiyak

Halos hindi niya matanggap na ginawang hapunan lang ito ng mga aswang pero ang duda niya ay si Prinsipe Serafino ang may gawa

Dahil iyon ang sabi ng kanyang gabay, pero wala siyang magagawa dahil anak ito ng Hari

Kaya hinayaan nalang niya ito, ipinagpasa Diyos nalang niya ang ginawa nito sa asawa niya

Nagdaan pa ang mg araw at buwan, hanggang sa nabalitaan nalang nila na namatay na ang Hari at Reyna

Buong kaharian ang nagluksa dahil sa pagkamatay ng kanilang butihing Hari ay Reyna

Hakos hindi nila iyon matanggap lalo pa ni Prinsipe Karry na bagong hirang na Hari

Para naman kay Serafino ay hudyat na iyon para gumawa ng hakbang para mapasakanya ang trono
.
.
.
.
.
.
.
.
Lumipas ang mga araw at isang taon an ang nakalilipas simula ng pumanaw ang Hari at Reyna

Isang araw ay nabalitaan nilang malapit ng ikasal ang Hari sa Prinsesa ng mga bampira na si Prinsesa Mayumi

Naging abala ang buong kaharian sa paghahanada, para sa nalalapit na pag iisang dibdib ng dalawa

Pero bago pa makapaghanap ng mapapangasawa si Haring Karry ay nauna ng makapag asawa si Prinsipe Serafino, nagdadalang tao na din ng mga panahong iyon ang asawa nito na isang purong aswang na may lahing engkantong itim

Pero ang ipinagtataka ng lahat dahil may kasama na itong batang lalake na halos isang taon pa lang ang gulang nito

Tinago pala ni Serafino ang totoong relasyon nito sa kanyang mga magulang, namatay ang mga ito na hindi nakikita ang anak ni Serafino at hindi nakikilala ang naging kabiyak nito dahil sa pagrerebelde sa mga ito

Dumating na ang araw ng pagiisang dibdib nina Haring Karry at Prinsesa Mayumi, dalawang araw bago makapangank noon si Janna

Dumalo ang magkakambal kasama si Janna kasalang iyon kasama ang mga taga Nayon at ang buong kaharian nina Prinsesa Mayumi

Punong puno ng tao, bampira at mga aswang ang malawak na hardin ng palasyo, halos lahat ay masayang pinapanood ang pag iisang dibdib ng kanilang butihing Hari

"Nakapagandang dilag,"ani ni Maria,"May busilak na kalooban at ginintuang puso,"

"Tama ka, Maria,"pagsang ayon ni Jaime habang pinapanood nila ang mga iyon na nakangiti habang nagpapalitan ng pangako sa isat isa

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon