°°°°°°°°°°THIRD PERSON'S POV
Lumipad sina Cain, kasunod ang dalawa habang sumisenyas iyon na sumugod na at sirain na ang harang papasok sa pinaka looban ng kaharian
Habang ang mga nakakalipad ay nag umpisa ng maghasik ng gulo sa loob, kasama nila at bitbit bila ang mga sigbin, tikbalang at ang ilang tiyanak na demonyo
Habang naghahanda naman ang mga mandirigmang aswang sa loob ng palsyo at ang mga guardian na nasa tabi ng bawat kanyon sa bawat butas ng pader
Binalahan nila ang bawat kanyon ng bolang apoy bago binabato sa mga pulutong na mga aswang na nasa baba
Sumasabog kaagad iyon sa ere kapag malapit na sa target, marami ang nasusunog na mga aswang at bampira, pero hindi ang mga tiyanak na demonyo
Na sanay na sa init ng apoy sa impyerno dahil doon sila galing
Ang ilan namang mga kawal nila ay nakapila at pinapana ang bawat lumilipad na mga aswang na may mga bitbit na kapwa aswang
Ang bawat pana ay may apoy din sa dulo, kaya ang bawat matatamaan noon ay agad na nagliliyab, nabibitawan nila ang kani kanilang mga dala
Na kapag nakalapag n aay agad na papatayin ng mga nasa loob at nakabantay sa malaking gate ng palasyo, nakahanda na ang mga nasa loob, maliban sa mga nasa labas na nabigla at hindi man lng gaanong nakalaban
"Magsipaghanda na kayo!," sigaw ni Khael, habang nasa anyong tao pa din siya
Nakapasok na ang ilan sa mga aswang sa loob, nasira na ang unang gate kung saan mas marami ang namatay na kalahi nila at mga mandirigma nila
Nasa ikalawang gate na ang mga iyon na pilit na sinisira, yari sa makapal na bakal ang ijalawang gate at halos triple iyon kaysa sa naunang gate ng palasyo
"Akong bahala!," ani ni Azazel, bumulong iyon at inilupog ang kamay sa putik na nasa harapan nito, bago bumuhay ng isang malaking nilalang na yari sa lupa at bato
Abot na nito ang pinakaitaas na pader ng kaharian, kaya iyon ang ginamit nila para daanan ng mga tiyanak na demonyo at mga asong aswang na nakaabang sa labas
"Sirain niyo ang pader at pintuan!," utos ni Cain sa tatlo pang halimaw na gawa sa putik at bato,
Na kapag naglalakad ang mga iyon ay yumayanig at daig pa ang lindol dahil natutumba ang mga puno at ilang istraktura sa loob ng kaharian
Binangga ng binangga ng tatlong halimaw ang makapal na pader at gate habang natataranta naman ang mga nasa loob dahil nakapasok na ang mga tiyanak at asong aswang, kasunod ang mga pusa na halos kapantay lang ng kapapanganak na baka
Lahat ay napuno ng sigawan, alulong, pag angil at ang tunog ng bawat sandata na bumabaon sa laman at katawan ng mga aswang
Tuwang tuwa naman si Azazel dahil alam nitong lumalamang na sila sa digmaang iyon
Kampante lang sina Cain at Serafino na nakatingin sa mga naglalaban sa ibaba nila
Nakalutang sila sa himpapawid habang nanonood ng madugong labanan sa ibaba at sa loob ng palasyo, nakangisi pa lal na si Haring Serafino
"Isa kang duwag, kapatid ko,"bati ni Haring Karry na nasa likuran nila, nakalutang din ito kasama ang kapatid ni Mayumi,"Isa kayong malaking kahihiyan sa ating lahi, lalo kana Cain, ninuno kapa naman namin,"
"Mahal na Hari,"bati ni Cain sabay yuko at ngisi ng nakaloloko,"Ikinagagalak kong makilala ang lahi ni Saturno,"
"Tapusin na natin ito,"ani ni Haring Karry,"Dapat sa inyo manatili na sa impyerno habang buhay! Sunugin ang kaluluwa ninyo sa impyerno!,"
BINABASA MO ANG
Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯
TerrorHeto na ang bagong yugto at buhay ng ating Mahal na Prinsipe Kung saan ang nakaraan ay magtatagpo sa hinaharap Ang mga dating kaibigan ay magkikita kita At ang mga nakatagong lihim ay mabubunyag na Kaya tara at samahan natin ang ating mga bida sa pa...