°°°°°°°°°°
Third Person's POV
Sa simbahan
Napabulalas nalang si Khael ng makitang maigi kung ano ang mga iyon na pababa sa kabundukan at papunta sa Baryo Masapa
"Humanda na kayo!," sigaw niya sa mga kasamahan
"Ha? Bakit anong mayroon?,"takang tanong ni Kevin sa kaibigan
"Napakaraming aswang ang pababa ng kabundukan!," ani niya,"Hindi mo mabilang kung ilan silang lahat,"
"Aakyat ako sa bubungan,"ani ni Rohan,"Para malaman natin kung gaano sila kadami,"
"Sige,"pagsang ayon nila, bago umakyat sa bubungan si Rohan
At mula nga sa bubungan ay kitang kita niya ang mga paparating na mga aswang, nanlaki din ang kanyang mga mata ng makita na mga bampira ding kasama
Kaagad siyang bumaba at pumasok sa loob ng simbahan
"Napakaraming aswang,"ani niya,"May mga kasama din silang mga bampira, halos aabot iyon sa sampung libo lahat, Khael,"ani niya
"Maghanda na tayo,"ani ni Father Ramon, kaya nag sipag kilos na silang lahat para ayusin at takpan ang mga butas na maaaring mapasukan ng mga aswang
"Nakita din ng ilan sa kanila ang bata batalyong mga aswang na pababa na ng kabundukan
Napa sign of the cross nalang silang lahat dahil sa kabang nararamdaman at takot para sa mga kasama nila
"Tapos na po kami Father,"ani ni Khael ng matapos nilang tapalan ang lahat ng butas at bintana na maaaring daanan ng mga aswang papasok doon
"Tara na sa kombento,"pagyayaya ni Father Carlos,"Para makapaghanda na din tayo doon,"
"Opo,"tugon ng lahat bago nagmamadali na lumabas sa isang pintuan patungo sa kombento
Napatingala pa sila sa kanilang dinadaanan dahilay namtaan silng lumilipad sa itaas
"Bilisan natin, bago pa nila.tayo dagitin at maamoy,"ani ni Khael habang nasa hulihan ito
Makapal na plastic kasi ang bubungan ng daanang iyon papunta sa kombento
Kaya natatakot sila na vaka mabasag iyon at pasukin sila doin, pero dahil hindi pa sila napapansin ng mga ito ay nakarating kaagad sila sa kombento at kaagad na isinarado ang bakal na pintuan
"Magsipaghanda kayo,"sigaw kaagad ni Father Ramon ng makapasok sila sa loob ng kombento at dumiretso sa sala,"May mga aswang na paparating dito sa Baryo,"
Nagkatinginan silang lahat habang kababakasan ng takot at pangamba para sa kanilang kaligtasan
Kaagad silang umakyat sa ikalawang palapag ng kombento kung saan tanging ang pagamutan lang ang naandoon
Agad silang sumilip sa bintana na naandoon, kung saan kitamg kita mula doon ang batalyong mga aswang na nanglalakad, gumagapang at ang ilan ay lumilipad paikot ikot sa buong Baryo Masapa at sa kombento
"Diyos ko po!," ani ni Sister Janelle na napaantada pa ng krus, nakaramdam ito ng kaba at takot para sa kanilang lahat
Nakita nila kung gaano iyon karami, na halos sakupin na ang buong Sitio Maligaya, maliban pa siyempre sa ilang mga nagliliparang mga aswang
"Lalabanan natin sila,"ani ni Yuri bago bumaba mula sa ikalawang palapag ng kombento
Naabutan niya ang mga kaibigan sa sala ng kombento kasama ang tatlong Pari, kasunod din niya ang ilan na sumilip din sa taas
BINABASA MO ANG
Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯
HorreurHeto na ang bagong yugto at buhay ng ating Mahal na Prinsipe Kung saan ang nakaraan ay magtatagpo sa hinaharap Ang mga dating kaibigan ay magkikita kita At ang mga nakatagong lihim ay mabubunyag na Kaya tara at samahan natin ang ating mga bida sa pa...