°°°°°°°°°°Kinabukasan,
Matapos nilang makapag ayos ay kaagad silang pumunta sa Baryo ng mga taong Lobo
Iniwanan nila ang kani kanilang mga anak sa pangangalaga nina Lola Luciana at Berna
Gamit ang kakayahan ni Martha ay mapapadali ang kanilang pagpunta doon
Hindi na nila kailangan pang bumiyahe ng malayo at ng mahabang oras para lang makarating sa Baryong iyon
"Sana ayos lang sila,"dasal naman no Aira habang nakapikit sila at nagdarasal bago muling gamitin ang kakayahan nito para hindi sila pumalya
"Dasal lang tayo,"ani ni Nena
"Opo, Sister Nena,"pang aasar nina Aira at Trina kaya nagtawanan silang lahat at tinukso pa nila si Manuel
"Grabe kayo kay, Nena,"ani ni Yuri sabay tawa
"Isa kapa eh,"ani ni Nena,"Pareho lang tayo noh,"kaya nagkatawanan nalang silang lahat
"Sana ganito nalang tayo palagi,"ani ni Martha,"Masaya na para bang walang problema at labanan na haharapin,"
"Sana nga, Martha,"sabay akbay ni Yuri sa kanyang pinsan, ito nalang ang natitira naiyang kamag anakan
Dahil sa may kakayahan si Martha at nagkaroon din ito ng kakayahan na patagalin ang kanyang buhay, na hindi kagaya sa mga magulang nito at sa kuya nito
Matagal ng namatay ang mga magulang at kuya ni Martha, tanging ang mga anak nalang nila ang natitirang nakatira sa bahay nila Martha kaya mahal na mahal niy ang pinsan niya
"Hinding hindi kita pababayaan, Martha,"ani niya
"Kahit ako din, Ate Yuri,"ani nito sa kanya,"Handa akong ibuwis ang buhay ko para lang sa ikatatahimik ng lahat,"
"Hindi ako papayag,"ani niya,"Magsasama tayo hanggang sa pagtanda natin,"
"Matanda na nga tayo eh,"singit ni Bryan kaya nagtawanan silang lahat
"Tara na,"yaya nito sa kanila
"Ok,"kuro nilang lahat
.
.
.
.
.
.
.
.
Baryo ng mga Taong LoboUmaga, 9am
Abala ang lahat sa pag aayos at paglilinis ng kanilang Baryo
Mga kalat na iniwanan ng labanan ng ilang araw ng nakararaan, kaya kailangan nilang ayusin ang buong kapaligiran
Kinumpuni ang mga sirang kabahayan at lupain, kasama na ang pagtuturo sa mga batang lobo kung paano magpalit ng kaanyuan at makipaglaban
Nadatnan nilang magkakaibigan ang lahat na abala kaya hindi sila napansin ng mga iyon
"Magandang umaga po, ang Gannu,"bati nila ng makita ang pinuno ng lahing lobo
"Kayo pala,"bumakas ang saya sa mukha ng Amang Lobo,"Maupo kayo, kamusta naman kayo?,"bating tanong nito sa kanila
"Maayos naman po,"tugon nila
"Kayo po?," tanong niya sabay ikot ng tingin sa buong kapaligiran,"Nagkaroon din po dito ng labanan?,"
"Oo, mga anak,"tugon nito, bakas sa mukha at boses nito ang lungkot,"Marami ang namatay sa lahi ko, lalo na ang mga bata, kaya ngayon sinasanay na namin sila para sa darating na labanan,"
"Nakakaawa naman po sila,"ani ni Aira,"Mga bata pa sila pero isasabak na sila sa digmaan,"
"Ganoon talaga ang buhay nila,"tugon ni Amang Gannu,"Nakatadhana na talaga iyan para sa amin, pasok muna tayo sa loob, paparatinh na din sina Rohan,"
BINABASA MO ANG
Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯
HorrorHeto na ang bagong yugto at buhay ng ating Mahal na Prinsipe Kung saan ang nakaraan ay magtatagpo sa hinaharap Ang mga dating kaibigan ay magkikita kita At ang mga nakatagong lihim ay mabubunyag na Kaya tara at samahan natin ang ating mga bida sa pa...