°°°°°°°°°°Matapos malaman ni Fhino ang buong katotohanan at maging ganap na aswang ay pinulong na nila ang mga kamag anakan na kalahing aswang ng kanyang Lolo
Ang kanyang Lolo ang nagsilbing tagapagsalita niya para kausapin ang mga iyon para sumanib sa kanila at maipaghiganti ang sinapit ng kanyang pamilya
"Kailangan natin magpalakas!," ani ng kanyang taga pag alaga na si Lolo Tasyo sa mga kalahing aswang,"Kailangan natin mapatay ang lahat ng may kasalanan sa ating dating Hari at Prinsipe!,"
Humiyaw ang mga kalahi nilang aswang na kapitbahay, napangisi naman sa katuwaan ang si Fhino at si Lolo Tasyo
Lahat ng mga aswang na kanilang kasama sa maliit na Sitio na iyon ay pumayag ng makisapi sa kanila
"May mga iba pa po tayong kalahi na kontra sa Haring Karry," ani ng isang matandang aswang,"Marami tayong kakampi sa Capiz, Siquijor at maging sa Lungsod na tahimik na namumuhay at nagtatago,"
Napatango naman silang dalawa habang nakikinig sa sinasabi ng mga kausap nila
"Sige, kausapin ninyo ang lahat ng ating kalahi!," utos ni Lolo Tasyo,"Sa Capiz, sa Siquijor at sa Lungsod, bahala na kayo kung ilan kayo ang pupunta at aalis,"
"Hahatiin namin kayo," ani ni Fhino,"Tutal dalawampu lang naman tayo dito, kaya tig lilima ang bawat grupo na pupunta sa Capiz, lima din sa Siquijor at lima sa Lungsod, maiiwan ang mga bata dito at ilang matatanda,"
Pumayag naman ang mga nakadinig sa kanyang sinabi, kaya lalo siyang natuwa dahil sinusunod siya ng kanilang mga kalahi kahit na bagong aswang pa lamang siya
"Umalis kayo sa lalong madaling panahon, at bumalik kayo sa takdang panahon,"ani ni Lolo Tasyo
Umungol at umatungal ang mga iyon tanda ng pagsang ayon sa kanila
Tinapik nalang ni Lolo Tasyo ang katabing binata, siya ang tanda ng kahuli hulihang lahi ni Haring Serafino na nagtataglay ng malakas na lahing aswang
Kaya kailangan nila ang pamumuno ni Fhino para maipaghiganti ang kanilang buong lahi
.
.
.
.
.
.
.
.Abala sa pag aayos ng mga halamang gamot sina Martha at Yuri ng may mapansin sila sa isang bahagi ng kubo kung saan nanggagamot silang dalawa
"Wala na tayong mga halamang gamot," ani ni Martha na napapakamot ng ulo
Nagpalingon lingon naman siya sa loob ng kubo habang tinitignan ang mga kagamitan nila na kulang o kakaunti na lamang
"Ako nalang ang pupunta sa kagubatan," ani niya,"Ilista mo nalang ang mga wala at mga kakaunti nalang para madagdagan ko na,"
"Sige, ate,"pagsang ayon ni Martha na tinignan lahat ng kanilang mga halamang gamot na ginagamit sa mga kababaryo na nagpapagamot sa kanila lalo na kapag nakulam at nabarang ang mga iyon
Tahimik na inililista ni Martha ang mga halamang gamot na kakailanganin at kukuhain ng kanyang pinsan para hindi sila maubusan ng mga gamot
"Ate heto na ang lahat," sabay abot ng isang papel makalipas ang ilang minuto na paglilista,"Kasama na din dito iyong mga kakaunti na lang na halaman na gagawin nating pampahid para sa pananakit ng tiyan, pagdudumi at pananakit ng ulo,"paliwanag nito sa kanya
"Sige," sagot niya,"Aalis na ako para makabalik na ako bago gumabi,"
"Sige ate, salamat," ani ni Martha
Tumango lamang siya bago inilagay sa kanyang bulsa ang papel, bago pumasok sa loob ng bahay at kinuha ang isang basket
Kumuha din siya ng isang backpack kung saan niya inilagay ang baong tubig at pagkain para kung magutom at mauhaw man siya ay di na siya mahihirapan pang maghanap
BINABASA MO ANG
Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯
HorrorHeto na ang bagong yugto at buhay ng ating Mahal na Prinsipe Kung saan ang nakaraan ay magtatagpo sa hinaharap Ang mga dating kaibigan ay magkikita kita At ang mga nakatagong lihim ay mabubunyag na Kaya tara at samahan natin ang ating mga bida sa pa...