°°°°°°°°°°Umiiyak na si Yuri ng matapos nilang mapakinggan ng buong kwento tungkol sa buhay nila Lola Andeng, Lola Maria at ng kanyang Mama Janna, pati na ang mga ninuno nila
Niyakap siya ni Akira dahil ito lang ang pinakamalapit niyang kamag anak sa ngayon
Nagsenyasan na ang ilan na iwanan na silang dalawa para makapag usap ng maayos at makilala pa nila ang isat isa
Nagtagal sila sa ganoong pwesto ang magkayakap habang umiiyak sa bawat bisig ng isat isa
"Makakaya natin ito, Yuri,"ani ni Akira sa kanya,"Lalabanan natin ang mga demonyong sumira sa ating buhay,"
"Salamat,"ani niya,"Errr, paano kita tatawagin?," alanganing tanong niya
Natawa nalang si Akira dahil sa tanong niya
"Lola? Tita?," nakangiting sagot na patanong nito,"Ampanget, ate nalang o kaya ay Akira nalang kaya?,"
"Ano po ba talaga, Lola?," pang aasar niya dito,"O tita?,"
"Naman eh,"nakangusong sabi nito,"Akira nalang para hindi masyadong halata na matanda na ako diba?,"
Nagkatawanan silang dalawa dahil sa sinabi ni Akira, nagkwentuhan pa sila ng kung anu ano tungkol sa buhay nila hanggang sa makaramdam ng pagkaantok ito
"Mauna na ako, Yuri,"paalam nito,"Antukin talaga kapag buntis,"
"Sige, Akira,"tugon niya na nauna na itong pumasok sa loob ng silid nila ng asawang si Rohan
Lumabas naman siya habang nakatingin sa kalangitan na wala namang buwan ng gabing iyon
Tumila na din ang pag ulan kaya madidinig niya ang ingay ng mga palaka at kuliglig sa kapaligiran
"Yuri,"tawag ni Moune sa kanya,"May sasabihin ako sayo,"
"Ano iyon, Moune?,"takang tanong niya,"Tungkol saan ba?,"
"Tungkol sa pagkatao mo at sa misyon mo, maging sa propesiya na nakasaad sa libro namin,"
"Madidinig nila tayo,"sabi niya,"Malalakas ang pandinig ng mga taong lobo lalo na si Khael,"
"Huwag kang mag alala,"ani ni Moune,"May harang na akong nilagay simula pa kanina ng lapitan kita, maupo muna tayo,"
Tumango lang siya at sumunod sa Baylanang si Moune
"May itatanong lang muna ako sayo," ani niya ng makaupo na sila
"Ano iyon?," sagot nito
"Diba anak ng demonyo si Lola Maria?," tanong niya
"Oo,"tugon nito,"Anong tungkol doon?,"balik na tanong nito sa kanya
"Nagtataka lang po ako dahil naging manggagamot po siya,"sabi niya,"Eh dugo po ng demonyo ang nananalaytay sa kanyang ugat diba?,"
"Oo tama ka at mali ka,"sagot nito
"Ha?," gulat niyang tanong
"Tama ka dahil anak siya ng demonyo,"ani nito,"Pero mali ka din dahil hindi iyon namana ni Lola Maria mo, hindi din namana ng iyong ina ang pagkakaroon ng dugong demonyo,"
"Kung ganoon..,"
"Tama ka,"ani ni Moune,"Ang dugong dumadaloy sa iyong mga ugat ay dugo ng demonyo, dugong aswang at dugo ng isang malakas na Babaylan, pero depende iyon kung ano ang susundin ng puso mo,"
"Hindi,"napapailing niyang saad,"Ano na ang magyayari sa akin? Lalo pa at kaliwa ang gamit ko?,"
"Ikaw ang makakasugpo at makakapatay sa ama ni Lola Maria na demonyo at sa mga katulad nito, at isa pa nasa sayo nakadepende kahit na kaliwa ang gamit mo,"
"Ano pala ang tungkol sa misyon at propesiya? Dapat tapos na iyon diba?," takang tanong niya
"Peke ang propesiya na nalaman nila Prinsipe Serafino at Apollo,"ani nito,"Ikaw ang magiging dahilan ng pagkabuhay ng kakambal ni Akira, ang dugo mo ang didilig sa tigang na lupa na patungong impyerno,"
"Po? Pero bakit ako?," naguguluhan niyang tanong,"Gusto ko lang naman ng normal na buhay? Magkaroon ng asawa at mga anak? Mabuhay hanggang sa pagtanda at mamatay sa takdang panahon?,"
"Alam ko,"tugon nito,"Gaya ng sabi ko dalawa lang ang pagpipilian mo, ang una ay iyong maging daan para mabuhay si Mark, madiligan ng iyong dugo ang daan palabas ng impyerno o iyong ikalawa?,?
"Ano ang ikalawa?,"
"Ang isakripisyo mo ang iyong buhay para mapatay si Alberto at makaligtas ang mga kaluluwang kanyang dinala sa impyerno?,"sabi nito sa kanya,"Kapag namatay ka, wala ng kasiguraduhan kung mabubuhay kang muli,"
Napapailing nalang siya habang sapo ang kanyang mukha, napapasabunot nalang siya sa kanyang buhok
"Kaya ba natakot sa akin si Gudo? Kaya nilalayuan ako ng aking gabay?," tanong niya
"Oo,"tugon nito,"Si Gudo at ang puting kapre ang gabay ni Lola Maria, pero ng ipanganak ko ay naging gabay mo na si Gudo at ang natira ay ang puting kapre kay Lola Maria na namatay din noong labanan nila si Apollo, natatandaan mo?,"
"Oo,"tugon niya,"Mamamatay din si Gudo kapag namatay ako, ganoon ba?," tanong niya
"Oo,"sagot nito
"Pero ang ang gagawin ko para hindi siya madamay? Ang mga kaibigan ko? Ang pamilya ni Martha?,"
"Pwede na iwasan mo sila o layuan?," ani nito,"Si Gudo naman pwede.mo siyang itakwilmo kalimutan mo ang pagiging isang manggagamot, para layuan ka niya, kasi nga diba mas bihasa ka sa kaliwa kaysa sa kanan, kaya kapag ginamit mo ang kaliwa maaaring iwanan kana ni Gudo,"
Napabugtong hininga nalng siya sa mga nalaman niya
"Ang misyon mo ay ang iligtas ang mundo mula sa pananakop ng mga demonyo at ang ibuwis mo ang sarili mong buhay para sa nakararami,"
"Paano si Khael?," malungkot niyang tanong sa kaharap,"Hindi ba maaaring ipagtapat sa kanila?,"
"Hindi,"iling ni Moune,"Masisira ang misyon mo. Ikaw lang ang maaaring magdesisyon ng tungkol sa inyong relasyon,"malungkot na saad nito
Napaiyak nalang siya bago siya niyakap nito, pero may nakita si Moune sa hinaharap ng magdampi ang kanilang mga balat
"Sana malagpasan mo ito,"bulong nito habang nakapikit,"Ikaw lang ang makakaalam ng dapat mong gawin. Hindi ko maaaring sabihin ang ikatlong paraan, baka magbago ang isip mo,"
"Salamat, Moune,"ani niya dito
"Walang anuman iyon, Yuri,"nakangiti ng pilit ang Baylana sa kanya
Matapos nilang makapag usap ay umalis na doon si Yuri, iniwanan na niya si Moune na nakatitig sa kanya na umiiyak
Hindi niya maaaring baguhin ang nakatakda na, kahit na alam nitong mahihirapan silang lahat, lalo na ang kanilang Prinsipe
Hindi nito matatanggap na mawala si Yuri, baka gumawa pa sila ng paraan para pigilan ang nakatakdang mangyari
"Yuri, sana mahanap mo ang ikatlong paraan para hindi mo malaman ang hinaharap. Sana ikaw mismo ang maktuklas nito. Tanging ito lang ang paraan para sa dalawang iyon, ang tungkol sa misyon mo at ang tungkol sa propesiya, ito lang ang tanging makakaligtas sa sanlibutan at sayo,"
Matapos iyon ay nagpasya na ding pumasok sa kanyang silid si Moune para magdasal at mag orasyon
Kailangan niyang pakainin ng dasal ang kanyang katawan para hindi siya manghina, ang kanyang espiritwal para hindi siya madaling magupo ng emosyon at ang kanyang pisikal na kakayahan laban sa mga aswang
.
.
.
.
.
.
.
.
ITUTULOYAno kaya ang magiging desisyon ni Yuri Leigh?🤔🤔🤔🤔
Sana hindi humantong ang desisyon niya na pareho silang dalawa na masasaktan😢😢😢😭😭😭
Abangan po natin🤗🤗🤗😮😮😮
.....akiralei28
BINABASA MO ANG
Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯
HorrorHeto na ang bagong yugto at buhay ng ating Mahal na Prinsipe Kung saan ang nakaraan ay magtatagpo sa hinaharap Ang mga dating kaibigan ay magkikita kita At ang mga nakatagong lihim ay mabubunyag na Kaya tara at samahan natin ang ating mga bida sa pa...