Chapter 03

795 41 1
                                    


°°°°°°°°°°

A month Later

THIRD PERSON'S POV

Masayang masaya ang lahat dahil sa pagbabalik ng alaala ni Yuri, at dahil doon ay lalo lang silang kinantiyawan na magpakasal na para magkaroon ng anak

"Pakasal na kayo," tukso ni Kevin,"Alam mo bang sabik na sabik na sa anak si Khael?," sabay tawa nito kaya nahampas siya sa balikat ng asawang si Aira

"Kami na ang sasagot," ani naman ni Bryan,"Gift na naman sa inyo kasi kayong dalawa nalang ang hindi pa nakakabuo ng pamilya,"

"So kailan ang kasal?," ani ni Manuel

"Umayos kayong tatlo," banta niya sa mga ito,"Saka na natin iyan pag usapan ok?,"

Nakita niya na biglang lumungkot ang itsura ni Khael kaya alam niya na nasaktan niya ito, pero wala pa sa plano niya ang magpatali

Lalo pa ngayon na may kakaiba siyang kabang nararamdaman

Kakaibang kilabot at panganib na nakaambang paparating sa kanila

"Basta sasabihan ko nalang kayo kapag nakapag usap na kami ni Khael," nakangiti niyang sabi habang inihilig ang ulo sa balikat nito

"Sige, asahan namin yan ah?," kuro ng lahat kaya napatango nalang siya bilang tugon sa mga iyon

"Sige, mabuti au ayusin na natin ang pang noche buena," ani ni Nena

Doon sila magpapasko sa bahay nina Nena at Manuel bilang pagsalubong ng kauna unahang kapaskuhan na kasama nila si Yuri

Wala na din kasi pamilya ang mga kaibigan nila, dahil nga sa mabagal silang tumanda ay mga nauna ng namatay ang mga magulang nila kaysa sa kanilang mga anak

Si Sister Janelle naman ay doon nagpasko sa bahay nila Khael sa Sitio Albana na ngayon ay isa ng maunlad at sibilisado ng Bayan

May linya na din ng kuryente, mga makabagong kagamitan na ipinundar ni Khael para sa mga kinilalang magulang at kapatid

Pinaayos na din niya ang bahay at ginawa na iyong sementado para mas matibay sa anumang bagyo na darating sa Baryo nila

Masaya silang lahat habang nagluluto ng makakain habang ang mga kalalakihan naman ay nag iihaw ng kanilang ipupulutan at kakainin para sa hapunan

"Huwag kang mainip bro," ani ni Kevin,"Magpapakasal yang si Yuri sayo, hayaan mo muna siya makapag move on, saka ilang buwan pa lang simula ng magbalik ang alaala niya diba?,"

"Alam naman natin kung gaano ka niya kamaha, bro," ani naman ni Manuel,"Simula pa noon nakita ko na iyon sa kanya, noong naging tuta ka nga alagang alaga ka niya eh," at nagkatawanan silang apat dahil doon sa sinabi nito

"Huwag kang mag alaala," ani naman ni Bryan,"Kaming bahala sa inyo,"

"Salamat sa inyong lahat," ani niyang nakangito na dahil sa mga sinabi ng kanyang mga kaibigan

Gumaan ang kanyang pakiramdam at nakahinga ng maluwag

Pero alam niya nakakaramdam siya ng takot at pangamba na baka mawala sa kanya si Yuri

Kaya lagi siyang nag iisip ng malalim at kung anu anong mga negatibong bagay ang naiisip niya

Nagpakasaya nalang sila dahil ito ang kauna unahang pasko na kasama na nila si Yuri maliban kay Sister Janelle na umuwi sa kanila

Habang nag iihaw ay nag uumpisa na silang mag inuman habang nagtatawanan

Kung masaya sila ay ganoon din ang mga nasa loob habang naghahanda ng hapunan at ng pang noche buena
.
.
.
.
.
.
.
.
SOMEONE'S POV

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon