°°°°°°°°°°
Araw ng PalaspasSa Tribu nila Tata Tasyo
Abala ang lahat ng mga kalahi niya at katribu ng mga sandaling iyon
Hinahanap nila ang libingan ng kanilang ninunonh si Cain
Dahil napanaginipan ito ni Tata Tasyo at kinausap siya nito sa kanyang panaginip
Pinapahanap nito sa kanya ang libingan nito para muli siyang buhayin sa araw mismo ng Biyernes Santo kung saan patay ang Diyos
Kailangan nila itong mahanap ng araw na iyon, dahil kinabukasan ay umpisa na ng Semana Santa
Araw ngayon ng Palaspas kaya abala din ang mga tao sa Baryo at Bayan
.
.
.
.
.
.
.
.Gabi, bago ang Palaspas
Maagang natulog ang mga katribu ni Tata Tasyo ng gabing iyon
Halos lahat ay lagod dahil sa kakahanap ng kanilang makakain hanggang sa sumapit ang Biyer es Santo, hindi pa din umuuwi noon so Fhino dahil abala ito sa pag aaral
Habang nahihimbing sa kanyang pagkakatulog ang matandang aswang ay isang pangitain o panaginip ang kanyang nakita
"Tasyo! Tasyo!,"gumising ka at kausapin mp ako
"Huh? Sino po kayo?," tanong ni Tasyo, nagising siya mula sa panaginip,
Pero madilim ang buong kapaligiran at wala siyang makitamg kagit na ano maliban sa kanyang anino
"Ako si Pinunong Cain!," pagpapakilala nito sa kanya,"Ang ninuno ninuyong aswang na kumakain ng laman ng tao!,"
"Po? Eh nasaan ka po Pinunong Cain?," tanong niya na palingon lingon sa kapaligiran
"Nakalibing ako dito sa ilalim ng lupa ng napakahabang panahon!," ani nito,"Gusto ko ng makalabas mula sa pinagbaunan sa akin ng manggagamot na si Ambo!,"
"Ha? Paano pong natalo kayo ng isang manggagamot, Pinuno?," takang tanong nito
"Iyong gabay niya ang tumalo sa akin,"sagot nito
"Paano po ang nangyari?," takang tanong ulet niya
"Nilabanan ako ng kanyang dalawang malalakas na gabay kaya natalo nila ako,"ani nito,"Ang buong lahi ko ay namatay sa kamay ng pakialamerong manggagamot na iyon! Gusto ko maghiganti, kaya hanapin at hukayin na ninyo ang katawan ko!,"
"Katawan? Buo pa po ba ang katawan niyo, Pinuno?," tanong niya
"Oo,"tugon nito,"Dahil sa kakayahan at kapangyarihn ko ay nagawa kong panatilihin na maayos ang aking katawan, pero kailangan ko ng dugo para akong mabuhay muli,"
Hindi na nakapagsalita si Tasyo, nakikinig lang siya sa nagsasalita
"Kailangan na mabuhay ako sa mismong Biyernes Santo, oara mas malakas na ulit ako,"
"Paano po?," tanong niya
"Kailangan ko ng mga bata na ang gulang ay labing dalawa hanggang labing apat na taon, babae man o lalake ay tatanggapin ko basta bata ang kailangan ko,"paliwanag nito
"Ilang bata po ba?,"
"Labing tatlong bata," ani nito,"At dalawang dalagang birhen para aking makasiping at makain ang puso nila para sa aking karagdagang lakas at kapangyarihan,"
BINABASA MO ANG
Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯
HorrorHeto na ang bagong yugto at buhay ng ating Mahal na Prinsipe Kung saan ang nakaraan ay magtatagpo sa hinaharap Ang mga dating kaibigan ay magkikita kita At ang mga nakatagong lihim ay mabubunyag na Kaya tara at samahan natin ang ating mga bida sa pa...