°°°°°°°°°°KHAEL MOON'S POV
Nandito ako ngayon sa aming kaharian, ilang araw na ako nandito at ilang araw na ding hindi ko nakikita si Leigh
Sabik na sabik na akong makita siya at makipagbati sa kanya, simula ng tanghaling iyon ay hindi pa kami nakakapag usap
Dahil kinagabihan ay pintawag ako agad ni Ama, kaya hindi na ako nakapagpaalam sa kanya ng maayos
Nagbilin nalang ako kina Kevin, sana lang ay maayos sila ng aming magiging anak
"Anak,"ani ni Amang Karry,"May gumugulo ba sayo?,"
Napabugtong hininga nalang ako dahil sa tanong ni Ama
"Si Leigh po,"sagot ko,"Nagkatampuhan po kami, tapos bigla niyo pa po ako pinatawag ng hindi man lang kami nagkakaayos,"
"Mabait na tao si Leigh,"ani ni Ama sa akin,"Maiintindihan la niya at alam ko kung gaano ka noya kamahal, kagaya din ng pagmamahal mo sa kanya,"
"Sana lang ay hindi po siya kumampi sa lahing pinagmulan niya, Ama,"malungkot kung saad
"Kalahating demonyo at Babaylan ang dugong nananalaytay sa kanyang pagkatao, Kamahalan,"ani ni Moune na nasa tabi din namin,"Kaya kailangan natin mag ingat at sana kakampi din natin siya,"
Napabuga nalang ako ng hininga dahil sa nalaman ko kay Moune
"Ano po ba ang sasabihin niyo?,"tanong ko,"Bakit niyo po ako biglang pinatawag?,"
Nagkatinginan sina Ama at Moune dahil sa tanong kong iyon
"Mahal na Prinsipe,"panimula niya, tinitigan ko siyang mabuti, halata sa kanya na nag aalangan siya sa kanyang sasabihin
"Makikinig ako,"sabi ko sa kanya
"Sina Haring Serafino, Apollo, Agatha at ang kanyanng buong pamilya ay mabubuhay muli. Nakipag anib pwersa na sila sa mga demonyo lalo na kay Prinsipe Asmodeus, nanganganib ang sangkatauhan sa kanilang pagbabalik kasa sina Cain,"
"Diba patay na sila?," takang tanong ko sa kanya
"Opo,"tugon nito,"Pero isinanla nila ang kanilang kaluluwa para lang mabuhay muli at makapaghiganti sa inyo at kina Yuri Leigh,"
Nagkatinginan lang kami ni Ama dahil sa nalaman namin sa kanya, napailing nalang ako
Kailan ba ito matatapos?
Kailan ba ako makakabuo ng masaya at tahimik na pamilya?
Gusto ko ng matapos ang kaguluhang ito
"Kailan sila babalik?," tanong ko
"Iyon ang hindi ko po alam,"iling na sagot niya sa akin,"Kailangan po natin maghanda lalo na sina Yuri Leigh, sina Akira at Rohan,"
"Pati sila damay?," gulat kong tanong sa kanya
"Opo,"tugon nito,"Kaya kailangan niyo po magplano at maghanda, malakas ang mga paparating na kalaban natin,"
"Kakayanin kaya natin ito, Moune?," tanong ni Haring Karry
"Opo,"agad naman na sumagot si Moune kay Ama,"Basta nasa tamang daan ang pipiliin ng isa sa kanila, lalo na ang napili ng Haring Araw, para ibigay ang liwanag nito sa taong karapat dapat pagbigyan nito,"
"Kapag hindi po siya pumanig at tumulong sa atin? Ano ang mangyayari, Moune?," tanong ko sa kanya
"Matatalo tayo,"sagot niya sa akin,"Lalakas lang silang lalo at matatalo ang sangkatauhan,"
"Diyos ko po!,"napaantadang singit ni Ina na kadarating lang, karga niya ang bunsong kapatid namin na lalake na si Prince Kielle habang nasa gilid niya ang isa ko pang kapatid na napakaganda,
BINABASA MO ANG
Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯
HorrorHeto na ang bagong yugto at buhay ng ating Mahal na Prinsipe Kung saan ang nakaraan ay magtatagpo sa hinaharap Ang mga dating kaibigan ay magkikita kita At ang mga nakatagong lihim ay mabubunyag na Kaya tara at samahan natin ang ating mga bida sa pa...