Chapter 48

581 38 1
                                    


°°°°°°°°

4 na Araw bago ang Palaspas

"Hi, Miss beautiful,"bati ng mga kadete sa kanya habang nakaupo siya sa tapat ng lamesa niya

"Kung ako sayo uuwi na ako,"ani nito sabay tawa,"Ang mga kagaya mo hindi bagay sa mga bakbakan na kagaya nito, baka pwede p sa bakbakan sa kama,"sabay sabay na nagtawanan ang apat na nasa harapan niya

Naiinis na siya pero hindi niya iyon pinansin, tuloy lang siya sa ginagwa at pagre research sa computer

"Ang ganda mo,"ani ng isa sabay hawak sa balikat niya,"Masarap ka siguro sa kama noh? Kaya pati sina sir Dave, sir Kevin at sir Khael ay nahuhumaling sayo,"

"Paisa naman kami-,"

PAK! PAK! PAK! PAK!

Hindi na natapos ng isa ang kanya sasabihin dahil tumayo siyang bigla at binigyan ng tig iisang sampal ang mga ito, namumula na ng pisngi niya sa galit

"Kung wala kayong magawa lumayas kayo sa harapan ko!," ani niya na pinipigilan ang galit,"Kung ayaw niyong samain sa akin,"

"Aba ang tapang mo ah,"hiniklat siya sa braso at balak halikan, pero bago pa dumapo ang labi nito sa labi niya ay nakita na niyang timilapon iyon salabas ng presinto

Nanlaki ang mga mata  iya ng makita si Khael na namumula ang mga mata at galit na galit

"Kayong apat!,"sigaw ni Kevin,"Humanda kayo kay Dave, mga bastos kayo!,"at tinutukan nito ng baril ang apat na agad nang tumakbo papalas doon

"Khael,"niyugyog niya ito pero hindi pa din bumabalik s dati ang mga mata nito na nakatingin sa apat na tumatakbong papalayo,"Khael!,"

"Huminahon ka, Khael,"ani ni Kevin, napapailing nalang ito ng makitang humihingal na ito,"Ilayo mo muna siya dito, punta kayo sa conference room at pakalmahin mo siya,"

"Kevin,"nag aalalang ani niya sa katabing kaibigan

"Kaya nagkaganyan siya dahil sa galit,"ani ni Kevin,"Sa mga salitang ibinabato nila sayo, nadinig namin ang sinabi nila sayo, kaya ayun di ko na napigilan na sumugod. Ayaw niyang nababastos ka, kasi ginagalang ka niya at iniingatan,"

"Salamat talaga, Kev,"

"Ayos lang, sige na pumunta na kayo sa conference room,"pagtataboy nito sa kanila,"Bago pa siya tuluyang maging aswang dito,"

"Sige,"agad niyang hinila si Khael sa conference room at doon ay pumasok sila at sabay na ini lock ang pintuan para walang makapasok at makakita sa kaharap

Humihingal at imuungol ito, lalong namula ang mga mata nito, anumang oras ay magpapalit na ito ng kaanyuan

Dahil sa galit nanararamdaman nito kaya siguro ito nagkaganoon

"Khael! Khael!,"yugyog niya pero hindi siya nito pinansin

Wala na siyang ibang pagpipiliaan kundi ang paraang iyon

Inilapit niya ang labi sa labi nito bago niya niyakap.ng mahigpit ito, nakapikit din siya habang nakayakap sa binata at nakadikit ang labi niya sa labi nito

Iyon lang ang paraan na naisip niya para pakalmahin sa pagwawala ang katauhan nito bilang aswang

Maya maya pa ay naramdaman na niya na gumagalaw na ang labi nito, pinapalalim pa nito ang paghalik sa kanya na punong puno ng pananabik, pagmamahal at pagsusumamo

Niyakap din siya nito ng mas mahigpit, dahil sa pagkagulat ay hindi kaagad siya nakalayo

Ilang sandali pa sila sa ganoong posiayon bago siya nagpasyang lumayo dito

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon