Chapter 110

573 40 5
                                    


••••••••••

Third Person's POV

Isang linggo na ang nakararaan simula ng nakasagupa nina Yuri sina Mark at Apollo

Buhay pa ang dalawa kaya nangangaba sila para sa kaligtasan ng lahat pati na din ng kanilang buhay at pamilya

Nasa Baryo sila ng mga taong Lobo ng mga sandaling ito, nag ipon ipon matapos makapagpahinga sa labanang naganap sa kani kanilang nasasakupan at sa kalupaan

"Ano na ang gagawin natin?," tanong ni Akira na puno ng pangamba sa mukha,"Babalik at babalik si Mark para makapaghiganti sa atin, sa akin,"

Napabuga nalang ng hangin si Yuri habang himas ang tiyan na unti unti ng nagkakaroon ng umbok dahil malapit na iyon mag apat na buwan

"Umpisa pa lang ang naganap,"ani ni Moune,"Panibagong digmaan ang magaganap kapag magsanib pwersa na ang mga iyon, at isa pa buhay pa din si Cain,"

"Buhay? Paano?," takang tanong ni Haring Karry,"Kitang kita ko ng mapatay siya ng anak ko,"

Umiling lang si Moune bilang tugon sa kanilang Hari

"Isa lamang iyong ilusyon,"sagot ni Moune,"Nawala na si Cain kasamasa ng demonyo, tanging si Haring Serafino lang ang namatay ng araw na iyon, dahil sa kakayahan at kapangyarihang taglay ng demonyong iyon ay nakatakas kaagad ang kaluluwa ni Cain sa kanyang katawan,"

"Eh kung ganoon ang nangyari,"ani ni Khael,"Kaninong kaluluwa ang nakasabit sa kalawit ni Kamatayan?,"

"Iyon ang kaluluwa niya noong aswang pa lang siya,"tugon ni Moune,"Ang kaluluwa niya ng buhayin siya ni Lucifer ay naialis na kaagad ni Azazel bago pa makawit iyon ni Kamatayan,"

"Delikado,"ani ni amang Gannu,"Buhay pa sina Cain, Apollo at Mark. Nagsama sama ang mga kampon ng dilim na may kalakasang pisikal at kakayahan,"

"Kailangan po natin maghanda,"ani ni Haring Karry,"Ano ang mangyayari, Moune?," tanong nito

Umiling si Moune dahil ayaw niya sabihin ang mga mangyayari, ayaw niyang makialam sa nakatakda lalo na sa magaganap

"Ang masasabi ko lang ay isang malawakang digmaan ang magaganap,"tugon nitong nakayuko,"Marami ang mamamatay, mangyayari ang mga hindi inaasahan at baka magtagumpay pa sila sa bandang huli," sabay tapon ng palihim na tingin kay Yuri na hindi naman nakaligtas iyon sa kanya

Tinitigan lang niya si Moune, hindi nakaligtas sa kanya ang paglamlam ng mga mata nito at ang takoy na nababakas niya doon

Napaiwas nalang siya ng tingin ng ngumito iyon sa kanya, pinagmasdan niya ang mga kaibigan na nasa di kalayuan

Nagkakasiyahan habang nakapaikot sa bonfire, kasama ang ilang mga batang lobo na nagkakantahan pa

"Tara doon tayo,"yaya niya kay Khael na tumango lang, hinayaan na nilang makapag usap doon sina Moune, Haring Karry at Amang Gannu, dahil sila ang nakakalam ng mga dapat gawin

Dumating din ang ama ni Rohan makalipas lang ang ilang sandali, hinayaan na nila amg usap usap doon ang mga nakatataas sa kanila, habang sila naman ay nakisala sa kasayahan ng ilan doon, naupo sila sa kahoy habang nakangiti

Pinagmasdan nila ang kanilang mga kabigan habang walang humapay ang inuman ng kalalakihan dahil sa pagsilang din ng isang bagong miyembro ng kanilang kalahi
.
.
.
.
.
.
.
.

Samantala

Sa impyerno

"SIGE LANG!," ani ni Asmodeus,"MAGKASAYAHAN LANG KAYO MGA HANGAL!,"

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon