°°°°°°°°°°Cain vs Khael
Cain, ang aswang na mula sa nakaraan at sa lahi ni Haring Saturno na nagpalayas sa kanila mula sa kanilang lupang sinilangan na naging pinuno ng mga aswang na kumakain ng laman ng tao at umiinom ng dugo at isa din sa mga ninuno ni Khael at kamag anakan
Khael Moon, mula sa hinaharap na mula sa lahi ni Haring Saturno at Cain, na nahaluan ng dugo ng mabubuting bampira, pinagpala ng Moon Goddes at biniyayaan ng kakaibang lakas at kapangyarihan na tatalo at lalaban sa kanyang lahi kahit na mula pa sa nakaraan at sa hinaharap.....
Ang Labanan sapagitan ng Nakaraan at Hinaharap
"Hindi na ako papayag na matalo pa ng kahit na sino! Aaahhhh!," sigaw nito ng makita ang nangyari kay Lucio,"Isusunod kita, apo ni Ambo!,"
"Bago mo siya magalaw dadaan ka muna sa akin, Cain,"ani ni Khael ng makitang tinititigan nito ang papalayong sina Yuri
"Oo,"tugon nito,"Uunahin kita, bago ko isunod ang babaing iyon at ang mabangong sanggol sa kanyang sinapupunan!,"
"Hindi ako papayag!," sigaw ni Khael,"Hinding hindi mo mahahawakan ang mag ina ko!,"
Sumugod kaagad si Cain gamot ang kanyang lakas, liksi at bilis patungo sa kinapupwestuhan ni Khael habang naghahanda naman siya sa pagsugod nito
Iniumang niya ang kanyang matutulis na kuko, nasa anyong bampira siya ng mga sandaling iyon, ayaw niyang mag anyong aswang dahil baka mabaliw na naman siya sa amoy ng dugo mg mga inosenteng tao
Lalo pa at bilog na bilog ang buwan ng mga sandaling iyon, ayaw niyang magpasakop sa sinag nito at makagawa ng hindi ka nais nais sa mga taong kumikilala at naniniwala sa kanya
Pumikit siya at ilang sandali pa ay namumula na ang kanyang magandang mata ng mga sandaling iyon, lumitaw ang kanyang mga pangil at inihanda ang sarili para labanan ng patas si Cain, lalabanan niya iyon gamit ang kanyang lakas at bilis bilang isang bampira at hindi bilang isang aswang na kagaya nito
Agad na itinusok ni Cain ng kamay nitong may mahahabang kyko diretso sa kanyang dibdib pero agad siyang nakaiwas kaya sa braso niya iyon dumaplis
Napangisi nalangs siya ng makitang may tumulong dugo mula sa bibig ni Cain
Nasuntok niya iyon sa dibdib ng sugurin siya nito at hindi iyon namalayan at nadepensahan ng kaharap dahil ang buong atensiyon nito ay nakatuon sa pagsugod at pagtarak ng mga kamay sa kanyang dibdib
Naos makuha ni Cain ang kanyang puso para makain at makadagdag sa kakayahan nito.at kapangyarihan, dahil alam nito ang kanyang kakayahan
"Nadale mo ako,"ngumisi si Cain sabay dura ng dugo,"Mabilis ka din naman pala,"
"Puro ka satsat!,"sigaw niya sabay mabilis na kumilos at sinuntok nito sa sikmura si Cain
Pero imbes na sa sikmura dumapo ang kamao niya ay sa hangin lang iyon tumama, nakaiwas ng mabilis si Cain
Bago pa siya makalingon ay nasa likuran na niya si Cain, sinakal agad siya nito at inilipad pabagsak sa lupa, nauna ang kanyang likuran na bumagsak sa lupa habang sakal sakal pa siya nito
Lumubog ang katawan niya sa lupa dahil sa lakas ng pagkakabagsak sa kanya ni Cain
May lumabas na dugo mula sa bibig niya at halos nabali ang kanyang kanang brasp dahil inapakan pa iyon ni Cain
"Mahinang nilalang ka lang!," sigaw nito at iniangat pa siya mula sa pagkakahiga sa lupa at inihampas ng inihampas sa puno ng saging at ilang punong kahoy na nasa paligid nila
"Lumaban ka, Khael!," ani ng kanyang mga kaibigan, nasa di kalayuan ang mga iyon at patuloy na pinapatay ang mga aswang
"Naghihintay pa si Leigh sayo!," sigaw ni Nena naay kaharap na isang sigbin at isang manananggal
"Patayin mo yang si Cain!," sigaw ni Kevin,"Kaya mo yan! Ikaw ang Prinsipe nila at ikaw ang aming tagapagtanggol!,"
"Manahimik kayo!," sigaw ni Cain na patuloy pa din sa paghampas sa katawan ni Khael sa mga punong natumba na,"Manood kayo kung paano ko patayin amg Prinsipe ninyo!,"
"Huwag kang matakot magbagong anyo, Khael!," sigaw ni Aira,"May tiwala kamo sayo na mabuti ang puso at hangarin mo! Para kina Yuri ay lumaban ka!,"
Napangisi nalang si Cain ng mapansin na tila hindi na gumagalaw at humihinga si Khael, akala nito ay patay ang binata, kaya naman nagbunyi ito
"Khael! Bumangon ka!," sigaw nina Nena ng makitang di na siya gumagalaw
"Humanda kayomg lahat sa akin!," tugon ni Cain,"Matapos kung kainin ang walang kwentang Prinsipe niyo ay isusunod ko kayo, bago ang apo ng Babaylan!,"
Patuloy lang sa paglaban angag kakaibigan, kakaunti na lamang ang mga aswang na kanilamg kalaban ng mga sandaling iyon
Nilapitan siya ni Cain, sinipat sipat muna kung buhay pa ba siya o hindi, akma ng dudukutin nito ang puso niya ng biglang dumilat ang kanyang mga mata
Ang kaninang mapupula ng mga mata ay tila lalo pa itong namula, unti unting nagbabago ang kanyang itsura habang natigagal si Cain ng makita siyang bumabangon
Tumalon siya at kinain ang mga puso ng namatay ng aswang para gumaling ang kanyang mga sugat na natamo niya kay Cain
Hinabol siya ni Cain at pilit na hinahawakan pero napakadulas ng katawan niya, lalo na ang kanyang itim na balahibo
Umangil siya bago niya binigyan ng isang malakas na suntok sa tiyan si Cain, napaatras ito dahil na rin sa lakas ng kanyang pagkakasuntok dito
Ang lupang kinatatayuan kanina ni Cain ay nagkaroon ng bakas, tila gumawa ng maliit na kanal ang mga paa nito ng suntukin siya ni Khael
Ilang metro ang itinapon ni Cain, ininda nito ang pagkaksuntok niya sa sikmura nito
Napaubo at napadura ng dugo si Cain, napaupo pa siya ng maramdaman ang pananakit ng kalamnan nito
"Tapusin na natin ito!," sigaw ni Cain sa kanya, hindi na niya iyon pinatayo pa at hindi na din hinintay na makabawi pa ito ng lakas at mapatay pa siya
Agad niyang pinagsusuntok ang malaking katawan ni Cain, kinagat ang braso nito dahilan na naputol iyon at nahulog sa lupa
Sumirit ang napakadaming dugo na ang kulay ay napakaitim, nangangamoy iyon at halos bumaliktad ang sikmura ng mga nakakaamoy niyon
Pinutol.pa niya ang isa pang braso ni Cain bago isinunod amg dalawang paa nito, halos tila nawala na sa sarili ng mga sandalimg iyon sa Khael habang nakakaamoy siya ng dugo
Wala na siyang pakialam kung sumisigaw na sa sakit si Cain, basta patuloy lang siya sa pagkagat sa isa pang paa nito bago dinukot ang puso nitong tumitibok tibok pa
Malaki ng puso ni Cain, mas doble ang laki nito kaysa sa pangkaraniwang puso ng normal na tao, tila natuwa si Khael ng makita iyon
Ngumanga siya bago isinubo ng buo ang puso ni Cain
Hiniwa niya ang tiyan nito at hinayaan na nakatiwangwang ang lahat ng lamang loob nito
Siya na din ang tumapos pa sa mga natitirang aswang na kalaban ng kanyang mga kaibigan
"Umuwi na tayo,"yaya niya bago nauna ng umalis doon
Hindi muna sumunod ang mga kaibigan nila, nagpaiwan ang mga iyon para linisin at ipunin ang mga bangkay ng mga aswang para sunugin ang mga iyon
Dumiretso sa isang ilog si Khael, doon ay nilinis niya ang kanyamg sarili, bago umuwi sa bahay nila Martha kung saan nandoon si Yuri
.
.
.
.
.
.
.
.
ITUTULOYAbangan ang mga susunod na kaganapan
So hanggang dito po ulit muna tayo😂😂😂🤗🤗🤗
See you on next update👋👋👋👋
Please leave your Comment and don't forget to Vote🤗🤗🙏🙏
Salamat Po!
.....akiralei28
BINABASA MO ANG
Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯
HorrorHeto na ang bagong yugto at buhay ng ating Mahal na Prinsipe Kung saan ang nakaraan ay magtatagpo sa hinaharap Ang mga dating kaibigan ay magkikita kita At ang mga nakatagong lihim ay mabubunyag na Kaya tara at samahan natin ang ating mga bida sa pa...