°°°°°°°°°°Third Person's POV
"Nandito na tayo,"ani ni Martha sa kanila,"Pwede na kayong dumilat,"
Kaya kaagad na silang dumilat dahil sa sinabi ni Martha sa kanila, nasa tapat na sila ng bahay nina Bryan
"Sino ang bantay sa mga anak natin?," kurong tanong nina Aira, Nena at Trina sa tatlo
Napapailing nalang si Yuri sa ugali ng mga iyon, natatawa naman si Martha dahil sa tila natakot ang tatlo sa mga asawa nila, kaya iniwanan nalang nila ang mga iyon at pumasok sa loob ng bahay
"Kamusta, Yuri?,"bungad sa kanila ng matapos nilang makakatok sa malapad na pintuan na gawa sa makapal na punong kahoy
May isa pa iyong pintuan na gawa sa bakal.kung saan iyon ang ipinansasara nina Bryan kapag natutulog sa tanghali ang kanilang mga anak
"Lola Luciana?," gulat niyang yanong sabay mano dito at yakap sa matanda, na siyang nagturo at nagbigay ng isnag aklat sa kanya noon
"Ako nga, Apo,"sabay yakap sa lanya na tuwang tuwa naman,"Nagagalak akong makita kang muli, akala ko mamamatay na akong hindi ka nakikita ulit,"
"Lola Luciana!," kuro ng tatlo ng makita ang matanda, nagmano na silang tatlo sa matanda na kanilang naging kaibigan noon
"Si Lola Luciana lang ba ang bamiss niyo?," tinig ng isang babae na nasa likuran ng matanda
"Berna?!," gulat na tanong nila sabay yakap sa kapatid ni Manuel, tawanan habang magkakayakap silang lima
"Tara pasok na kayo!," yaya ni Lola Lucian,"Nang makakain na kayo at makapagpahinga, bago natin pag usapan ang mga nagyari sa inyo sa Lungsod,"
"Opo,"kuro nilang lahat
"Apo, maghain kana,"utos nito sa babae, na kahit na ilang taon na nilang hindi nakikita ay parang hindi pa din nagbabago ang itsura nito
Parang ito pa din ang dating Berna na nakilala nila ng minsang napadaan sila sa Baryo Tiktikan
Kaagad silang dumulog sa hapagkainan at tahimik ng kumain ng hapunan at almusal na din nila, dahil nasa ala una na ng madaling araw na ng mga sandaling iyon
.
.
.
.
.
.
.
.
Matapos nilang makakain at makapaglinis ng kani kanilamg mga sarili, 3am"Lola Lucian,"umpisa ni Aira,"Bakit po sila umatras? Saka bakit bumalik sa dati ang lahat na para bang walang nangyaring kaguluhan?,"
"Oo nga po, Lola,"ani pa ni Trina,"Tapos may kakampi pa silang demonyo?,"
"Sumanib na sila at humingi ng tulong sa Pitong Prinsipe ng demonyo, kasama na doon ang tulong ni Lucife,"paliwanag nito,"Binuhay muli ng mga iyon ang buong lahi ni Cain, simula pa kapanahunan nito,"
"Kasama din po si Mark,"ani niya,"Iyong kakambal ni Lola Akira na anak ng demonyong si Asmodeus?,"
"Nagbalik siya para maghiganti,"ani ni Lola Luciana,"Binuhay siyang muli ni Asmodeus, tinulungan sila ng Pitong Prinsipe at ni Lucifer, para lipulin ang sangkatauhan,"
"Parang lugi tayo doon, Lola ah,"ani ni Manuel na napapakamot ng ulo,"Demonyo, mga aswang at si Lucifer? Tapos tayo mga ordinaryomg tao lang at walang kapangyarihan? Paano po tayo mananalo sa kanila?,"
"Dasal, Pananalig at Pananampalataya lang sa ating Diyos, mga apo,"ani ni Lola Luciana,"Iyan lamg ang malakas nating sandata laban sa kanila at higit sa lahat ay huwag na huwag tayong mawawalan ng pag asa,"
"Lola, ano po ang nangyayari?," tanong niya sa matanda dahil may nalalaman ito at kayang makita ang mga mangyayaro at mga nangyari na,"Kaya mo po pang sabihin ang mga mangyayari pa lang?,"
Umiling lang iyon at ngumiti ng malungkot sa kaniya
"Amg kaya ko lng sabihin ay ang nangyari na, hindi ko pupwede o hindi ko pwede sabihin ang mga mangyayari at paparating pa lamang, masisira ang nakatakda ng mangyari, may mamatay at may mabubuhay, dadanak ang dugo, mga sigaw, mga panaghoy ng mga namatay at mga kaluluwang dadalhin sa impyerno, doon sila paparusahan ng paulit ulit,"
Nangilabot silang lahat dahil sa sinabi ni Lola Luciana sa kanila, nagkatinginan sila at niyakap ang kani kanilang mga asawa, habang hindi mapalagay dahil sa nararamdaman nilang takot
"Unang nilusob ay ang Baryo nina Amang Gannu,"ani ni Lola Luciana, kahit hindi nito kilala ng personal ang pinuno ng mga taong lobo,"Marami ang namatay sa panig nila, marami ang sugatan at marami din na namatay sa mga kalaban nila,"
Nalungkot sila dahil sa nalaman nila
"Ganoon din ang nangyari sa kaharian ng mga engkanto, kina Rohan,"dagdag pa nito,"Maraming engkanto ang namatay, nasira ang kanilang kaharian at hanggang ngayon ay puro kadiliman ang namamayani sa kanilang kaharian,"
Tinitign silang lahat ni Lola Luciana, nakikita sa kanilang mga mukha ang lungkot at panghihinayang na wala man lang silang naitulong sa kanilang mga naging kaibigan
"Kina Prinsipe Khael naman,"ami nitong nalungkot,"Namatay ang dalawang Reyna, ang asawa ni Haring Greg at ang Inang Reyna, ang Ina ni Prinsipe Khael, pinatay sila ni Cain,"
"Po?!," gulat na tanong nila, nagkatinginan silang lahat at mababakas ang lungkot at awa para sa kaibigan nilang si Khael
"Pero ang lahat ng namatay na mayabubuting puso, ang lahat ng nasira ng dahil sa labanang iyon ay muling mabubuhay,"ani nitomg nakangiti
"Paano po sila mabubuhay?,"tanong ni Aira
"Mabubuhay silang muli dahil sa isang nilalang,"ani ni Lola Luciana,"Pero nasa sa kanya lang iyon kung papaano niya gagawin iyon at kung papanig siya sa kabutihan at liwanag,"
"Kilala po ba namin siya?," tanong ni Manuel
"Oo,"nakangiting turan nito,"Ang mabuti pa ay magpahinga na muna kayo, alam kung pagod kayo at inaantok na,"
"Sige po, Lola Luciana,"paalam nila sa matanda
"Yuri, pwede ba tayong mag usap?," tanong nito sa kanya
"Soge po," ani niya bago umalis ang kanyang mga kaibigan
Dumiretso sila sa silod na pinagamit sa kanila nina Bryan at doon ay kinausap siya ng matanda
"Kailangan mong magpalakas, apo,"ani nito sa kanya,"Lalo na at nagdadalang tao ka, kailangan mo ng mas malakas na kapangyarihan,"
"Pero papaano po?," takang tanong niya
"Nakita ko na ang tunay mong kaanyuan,"ani nito sa kanya ng hawakan ang kanyang mga kamay,"Nasa sayo na iyan kung gagamitin mo iyan sa mabuti at masama, ikaw lang ang nakakaalam,"
"Natatakot po ako, Lola,"ani niya,"Paano kung hindi ko po magawa ng maayos?,"
"Yuri, apo,"ani nito,"Sa dalawang kaanyun mo, isa ang mabuti at isa ang masama, ikaw lang ang nakakaalam kung saan ka papanig, pero sana pakinggan mo ang puso at isipan mo, sundin mo ang tinitibok niyan,"sabay turo sa tapat ng kanyang dibdib
"Salamat po, Lola,"niyakap niya ang matanda bago muling nag usap ng maayos
May binigay ang matanda sa kanya at binasa niya iyon, mga bagong dasal at orasyon ang kanyang nabasa,
Lahat ng iyon ay puro sa kaliwa ang gamit kaya kailangan niyang pag aralan iyon ng maayos
Para hindi mapahamak ang kanyang anak at para din sa kaligtasan ng kanyang mga kaibigan at ng sangkatauhan
Matapos iyon ay nagpasya na siyang matulog at magpahinga, dahil binabalak niy kinabukasan na puntahan ang Baryo ng mga taong Lobo
.
.
.
.
.
.
.
.
Ayan n po, pasensiya kung maiksi ang part na ito🤗🤗🤗Abangan ang muling pagkikita nilang lahat✌✌✌
Please leave a Comment, reaction and dont forget to Vote 🙏🙏🤗🤗
Thank you Po
.....akiralei28
BINABASA MO ANG
Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯
HorreurHeto na ang bagong yugto at buhay ng ating Mahal na Prinsipe Kung saan ang nakaraan ay magtatagpo sa hinaharap Ang mga dating kaibigan ay magkikita kita At ang mga nakatagong lihim ay mabubunyag na Kaya tara at samahan natin ang ating mga bida sa pa...