A/N
Update po tayo kahit paisa isa, sinipag gumawa kaya nakakapag update po😂😂😂
Kaya sana po ay magustuhan ninyo🙏🙏🙏🤗🤗🤗🤗
May walong kabanata nalang po at matatapos na itong serye ni Khael Moon at Yuri kasama ang mga kaibigan nila😔😔😔😢😢😢
Sad to say pero kailangan na po nating tapusin kasi masyado na pong mahaba ang kwento😂😂😂😂😂
°°°°°°°°°°
Third Person's POV
Nakita ni Yuri ang itsura ng kanyang mga kaibigan bago niya tinalikuran ang mga iyom at tinungo ang grupo nila Mark, Azazel at Apollo na balas ang kasiyahan dahil sa kanila siya umanib, alam na nag mga ito at sigurado na ang panalo nila laban kina Khael at Rohan
Nadidinig pa niya ang iyakan ng tatlong kaibigan, pero pinili niya ang magpatuloy sa paglalakad palapit sa mga kalaban, isa lang ang plano niya at alam niya magagawa niya ng maayos iyon
Tumapat siya kay Apollo ng makalapit na siya doon, nasa anyong aswang ito pero kilalang kilala niya iyon
"Kamusta, Apollo?," tanong niya, ngumisi siya at dinilaan ang kanyang labi gamit ang mahaba niyang dila
"Demonyo ka talaga, Yuri,"ani naman nito sa kanya,"Pero mabuti at sa amin ka umanib,"
"Iyon ang akala mo,"ani niya, ngumisi muna siya bago isinaksak sa tapat ng puso nito ang kanyang mahabang buntot na nag aapoy
Umalingawngaw ang sigaw ni Apollo habang tinutupok ng apoy ang buong katawan nito
Nabigla at nagulat naman sina Mark at Azazel dahil sa pagpatay niya kay Apollo pero wala siyang pakialam doon
Hindi na nakalaban pa si Apollo dahil sa binigla niya ang pagpatay dito, wala na siyang panahon para makipaglaro sa aswang na matagal ng perwisyo sa kanila at sa aswang na pumaslang sa kanyang Lola Maria, naipaghiganti na din niya sa wakas ang kanyang pinakamamahal na Lola
Sinugod siya at kinuyog ng mga bampirang alagad ni Azazel, pero kahit ang mga iyon ay wala ding nagawa sa kakaiba niya lakas at bilis sa pakikipaglaban.
Tinatawanan lang niya ang mga iyon habang pinupugutan ng ulo gamit ang latigong apoy, inis at galit ang nararamdaman ng dalawa dahil naisahan sila ni Yuri, ginamit nito ang pagiging demonyo para makalapit sa kanila at ubusin sila ng malapitan
"Sugod!," utos ni Mark kaya tumakbo na papasugod ang lahat patungo kina kina Rohan na naghahanda na din lumaban
Lumakas ang loob nila ng makitang nakikipaglaban din si Yuri kina Mark, kaya alam nila na kakampi nila iyon
Magsasalpukan ang dalawang grupo kung saan hindi nipa alam kung hanggang kailan nila kakayanin ang pagod at gutom sa labanang iyon
Pero bago pa magsalpukan ang magkabilaang grupo, ay mag biglang naglundagan sa harapan nila
Mga puting lobo, ang grupo nila Prinsesa Anneah at ang ama nito, pumagitna sila sa dalawang grupo na magsasalpukan na anumang sandali
"Pasensiya na kamahalan,"yukong hingi ng paumanhin na sambit ni Anneah,"Pinaghahandaan din po kasi namin ang labanang ito kaya ngayon lang kami nakarating,"
"Maraming salamat sa pagdating ninyo Prinsesa Anneah at mahal na Hari,"yukong sambit ni Rohan ganoon din ang kanyang dalawang anak
"Tara na,"yaya naman ni Amang Gannu dahil may ilan na silang mga kasamahan ang lumalaban sa mga aswang
BINABASA MO ANG
Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯
HororHeto na ang bagong yugto at buhay ng ating Mahal na Prinsipe Kung saan ang nakaraan ay magtatagpo sa hinaharap Ang mga dating kaibigan ay magkikita kita At ang mga nakatagong lihim ay mabubunyag na Kaya tara at samahan natin ang ating mga bida sa pa...