°°°°°°°°°°Lumipas ang mga taon, matanda na si Lola Andeng, halos kilala na siya sa buong Baryo Masapa
Ilang taon pa ang dumaan hanggang sa nakilala at nakatagpo na niya ang kambal, pero hindi siya nagpahalata na kilala niya ang mga ito
Napaluha siya ang makita sina Akira at Mark sa kauna unahang pagkakataon sa burol mismo ng Kapitan ng Baryo
Kulang nalang ay yakapin niya si Akira pero hindi siya nagpahalata, kinakabahan naman siya ng mga panahong iyon para kay Mark
Alam niya na mabuti ang kalooban ni Akira gayundin si Mark, pero oras na makatagpo nito ang aman si Alberto ay magbabago ito at magiging kakampi ng ama
Kaya lagi niyang ginagabayan at sinusundan ang kambal hanggang sa dumating na nga ang kinatatakutan niya
Ang umanib ito sa ama at siya naman ay pinatay ni Alberto ng hindi sinabi kung nasaan ang isang kakambal ni Mark at ang kanilang anak, dahil ayaw niyang mapasakamay ito ng demonyo
.
.
.
.
.
.
.
.
Kasalukuyan"Kung ganoon, Moune,"ani ni Akira,"Apo talaga kami ni Lola Andeng?,"
"Oo,kayo ni Mark,"tugon ni Moune na nakangiti sa kanila
"Hindi," malungkot na tanong pa nito, niyakap naman ni Rohan ang umiiyak na asawa,"Ang Ama namin ay si Alberto, ang isa sa Prinsipe ng impyerno? Tapos si Mark ang taga pagmana niya?,"
"Oo,"ani ni Moune,"Itutuloy ko na ba ang kwento?,"
Tumango silang lahat bilang pag sang ayon, umiiyak pa din si Akira dahil sa nalaman niya
Malungkot din ang mga kasama nila dahil sa nangyari sa buhay ng kanilang Ina at ni Lola Andeng
.
.
.
.
.
.
.
Sa kinalakihan naman ni MariaNaging isang mabuting bata ito, kasama ang inaakalang mga magulang, kapatid at kakambal na si Jaime, naging masaya ito
Hindi na nila sinabi at ipinagtapat ang katotohanan hanggang sa magdalaga na nga ito
Dahil iyon ang usapan nila ng kanyang bunsong kapatid bago iyon umalis sa kanilang Baryo
Habang lumakai si Maria ay nakikitaan ito ng kakayahan at kapangyarihan, ganoon din si Jaime
May mga nakikita sila na hindi kayang gawin ng mga nakatatandang kapatid nito
Hindi nila alam na nag eensayo sina Maria at Jaime kapag wala ang kanilang mga magulang sa bahay nila gayundin ang mga kapatid nila
Pinalalakas nila ang kanilang mga sarili, pisikal na katawan, emosyunal at ang kanilang ispiritwal na kakayahan
Pinag aaralan nila ang ibat ibang halamang gamot, mga masasamang elemento, mga aswang at kung anu ano pang kampon ng kadiliman
.
.
.
.
.
.
.
.
Nang maging ganap ng dalaga si Maria at binata naman si Jaime"Pasukin natin iyang lagusan,"yaya ni Maria sa kanyang inaakalang kakambal ng maligaw sila sa kagubatan
"Baka may aswang, Maria,"ani nito
"Walang aswang diyan,"sabay pakita ng lana na hawak nito,"E di sana kumulo na ito,"
Napapakamot nalang ng ulo si Jaime, sa kanilang dalawa ay si Maria ang agresibo, palaban at adbenturera
Lagi din kasi itong napapagalitan simula ng magkaisip na silang dalawa, pero lagi din siyang nakadikit dito lalo na kapag nag eensayo sila ng kanilang kakayahan
"Ano, Jaime?,"tanong niya sa kakambal,"Tara na habang maliwanag pa ang araw,"
"Basta balik din tayo kaagad ha?,"
BINABASA MO ANG
Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯
HorreurHeto na ang bagong yugto at buhay ng ating Mahal na Prinsipe Kung saan ang nakaraan ay magtatagpo sa hinaharap Ang mga dating kaibigan ay magkikita kita At ang mga nakatagong lihim ay mabubunyag na Kaya tara at samahan natin ang ating mga bida sa pa...