°°°°°°°°°°
Matapos ang isang taon ay nagbunyi ang buong kaharian dahil sa nagdadalang tao na ang kanilang Reyna Mayumi, habang ang ilan sa mga may galit sa kanila ay nag babalak ng mag aklas sa laban sa kanilang pamumuno
Naging masaya naman ang mag asawa dahil sa balitang iyon, lalo pa gumanda ang pamumuno ni Haring Karry at Reyna Mayumi
Mas naging maunlad pa ang kanilang pamumuhay dahil sa balitang iyon kaya mas lalo pang pinagbuti ni Hating Karry ang kanyang pamumuno
Lalo na ang kanilang mga nasasakupan, masaganang ani at walang hidwaan at giyera na nangyayari sa kanilang Kaharian maging sa kabilang kaharian
Ilang buwan pa ang nakalipas, habang pinaghahandaan ang panganganak ng Reyna ay handa na din ang hukbo nina Greg at Serafino sa paglusob sa kaharian nila Karry
Hihintayin lang nila makapanganak ito sa mismong kabilugan ng buwan at ilang buwan nalang iyon ay sasapit na ang matagal na nilang pinaplano at pinakahihintay na pagkakataon
.
.
.
.
.
.
.
.Sa pamilya naman ni Maria ay isang problema ang dumating na hindi nila inaasahan, lalo na para kay Janna
Isang gabi habang naghahapunan sila ay umuwing umiiyak si Janna, punit punit ang damit nito at puro dugo ang pang ibabang bahagi nito
"Anong nangyari sayo anak?," nag aalalang tanong ni Maria,"Maupo ka, Jaime pakikuha siya ng tubig,"
Agad naman iniupo ni Maria ang anak, habang pinapatahan ito
"Heto,uminom ka muna,"sabay abot ng baso ni Jaime sa dalaga,"Anong bang nangyari sayo? Bakit ganyan ang itsura mo?,"
"Nay, Tay,"ani niya sapagitan ng pag iyak,"Pi-pinag sama- saman ta-talahan p-po a-ako,"
"Ha? Sino?," gulat na tanong ni Maria
At ikinuwento naman ni Janna ang nangyari sa kanya ng dalhin siya ng kasintahan nito sa bahay
"Pakitang tao lang pala ang lalaking iyon,"gigil na sabi ni Jaime,"Iba pala ang gusto niya sayo!,"
"Ano ang gagawin natin?,"tanong ni Maria sa kakambal
"Hayaan niyo na po sila, Nay, Tay,"awat ni Janna,"Ayaw ko na po lumaki pa ang gulo,"sabay takbo sa silid nito at doon ay nag iiyak
Wala na nga silang nagawa, kahit oa gusto ng sumugod doon ni Jaime ay pinigilan na siya ni Maria
Kahit na may kakayahan silanay hindi nila maaaring gamitin sa kasamaan at sa paghihiganti
Sa panggagamot lang nila iyon pwedeng gamitin
Sa kaso ni Janna ay hindi naman ito sinapian o pinagkaruan ng mga aswang, maligno o lamang lupa
Ginahasa ito ng nobyong aswang, kaya wala silang magawa kahit gusto nilang ipaghiganti ang pang aapi ng mga ito sa dalaga
Naging malulungkutin naman si Janna simula ng mangyari ang trahedyang iyon sa kanya
Halos hindi na siya lumalabas ng kanilang bahay dahil nahihiya siya kahit pa na walang nakakaalam sa nangyari sa kanya
Lagi naman doon dumadalaw si Jaime at dinadamayan ang dalaga sa kalungkutan nito, sa kaapihang dinanas sa kamay ng kasintahan
Awang awa si Maria sa anak, lalo pa ng makita niyang nagbunga ang ginawang panghahalay ng kasintahan nito sa kanyang anak
Umiiyak siyang niyakap ito ng mahigpit, dahil halos ayaw na nitong magtigil sa kakaiyak at halos ayaw ng kumain
Habang lumalaki ang tiyan nito ay lalo lang itong nasiraan ng bait, halos hindi na ito lumalabas sa silid para kumain at magpaaraw
BINABASA MO ANG
Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯
HorrorHeto na ang bagong yugto at buhay ng ating Mahal na Prinsipe Kung saan ang nakaraan ay magtatagpo sa hinaharap Ang mga dating kaibigan ay magkikita kita At ang mga nakatagong lihim ay mabubunyag na Kaya tara at samahan natin ang ating mga bida sa pa...