Chapter 137

443 40 3
                                    

A/N

Pavote naman po, kasi isasali ko po sana ito sa contest kaya tinatapos ko na po ito para mai submit po🤗🤗🙏🙏

Maraming Salamat po😊😊

°°°°°°°°°°

Third Person's POV

Nanlilisik at namumula na ang mata ng dalawang higanteng ahas, handa na nilang tirisin at burahin sa mundo ang mga kagaya ni Yuri

"Hindi ako papayag na mawalan ng saysay ang aking pagbabalik!," sigaw ni Cain,"Hindi pa ako nakakapag higanti sa iyong kanunu nunuan sa paglilibing sa akin ng buhay! Ikaw ang magbabayad ng sa kanyang kasalanan!,"

"Mamatay ka muna,"tugon niya,"Tapos doon nalang kayo magkita sa langit kung doon nga ang punta mo,"pang aasar niya sa kaharap

"Kung pumayag ka lang sana,"singit naman ni Apollo,"Kung ako lang sana ang pinilo at minahal mo kaysa kay Khael baka hindi na umabot sa ganito ang lahat,"

"Pwede ba,"saway niya,"Tapusin na natin ito at nagugutom na kami ng anak ko,"ani niya sabay punas sa matal niya na puno ng dugo

Tumawa siya at nakita ng dalawa ang kanyang dila na kahalintulad ng sa ahas

"Nagulat ba kayo?," sabay lavas ng kanyang dila,"Hindi niyo ako matatalo! Lilipulon ko kayong mga kampon ng kadiliman!,"

Matapos niyang magsalita ay mabilis siyang tumakbo papasugod sa dalawang higanteng ahas

Na ang isa ay bulag at ang isa ay pipi na, sumasangising sa galit sina Cain at Apollo habang gumagapang ng mabilis papasalubong sa kanya

Iniwasiwas niya ang kanyang matalas, kaya naputol ang maliliit na kamay ni Cain na nasa bandang tiyan nito

Umikot at umigpaw siya patungo sa ulo ni Cain habang ang kanyang buntot ay inihampas niya sa mukha ni Apollo, napahiyaw iyon dahil sa sakit at nakahiwa ang mukha nito kahit na balat ahas ito ay tinatablan sila ng mga sandata ni Yuri lalo na ng kanyang buntot at pakpak

Ikinapay niya ang itim na pakpak papunta kay Cain habang patuloy lang sa pag atungal si Apollo dahil sa natanggap nitong hiwa sa muka mula sa buntot ni Yuri

"Paalam, Cain,"ani niya,"Ikamusta mo nalang ako kay Lucifer at Satanas!,"ani niyang nakangisi habang pinag ekis niya ang kanyang dalawang mahabang matalas,"Hanggang dito kana lang talaga,"

Lumipad siya ng mataas habang naka ekis ang dalawang matalas niya,

Habang nasa himpapawid siya ay itiniklop niya ang kanyang pakpak at pabulusok na lumipad papasugod sa may ulo ng nakayukong si Cain habang hinahawakan ang tiyan na naalisahan ng mga maliliit na kamay

Habang nasa di kalayuan naman si Apollo, iniinda pa din ang sakit na nararamdaman mula sa buntot ni Yuri

"Cain sa itaas mo!," sigaw na babala ni Apollo ng makitang mabilis na bumubulusok si Yuri at nakahanda na para patayin si Cain

Tumingala naman si Cain dahil sa nadinig, pero huli na ang lahat, dahil ilang dipa nalang ang layo ni Yuri mula sa ulo nito, nanlaki ang mga mata ni Cain, dahil sa pagkagulat

Hindi nito inaasahan na napakabilis kumilos ni Yuri at handa na itong patayin siya

Hindi na nga nakaalis sa kanyang kinatatayuan si Cain ng bumaba at lumapat sa ulo nito ang matalas ni Yuri, humiwa iyon sa ulo nito pababa sa malaking katawan ni Cain hanggang sa kadulo duluhan ng buntot nito

Ilang sandali pa ay bumulagta na ang malaking katawan ni Cain na nahati sa dalawa

Dilat ang dalawang mata habang unti unting bumabalik sa dati nitong katauhan

"HINNDDDEEEEE!!!!,"malakas na sigaw ni Apollo ng makita ang itsura at kalagayan ng kanyang ninunong si Cain

Patay na iyon at nasa dulo ng buntot nito si Yuri na nakaluhod pa ang isang tuhod nito habang nakatukod sa lupa ang dalawang matalas nito

"Magbabayad ka!!," sigaw ni Apollo sabay lapit kay Cain na unti unti ng nabubulok

Kitang kita nito kung paanong natutuyo ng paunti unti ang balat ni Cain hanggang sa mawalan na iyon ng dugo

Unti unti.ding naglalabasan muna sa ilalim ng lupa ang naglalakihang uod at mga bulate, sa himpapawid naman ay papasugod na ang mga naglalakihang insekto para mamiyesta sa patay na katawan ni Cain na nakahandusay sa lupang iyon

Hindi na nagawa pang lapitan ni Apollo ang katawan ni Cain na nahati sa dalawa ng dumugin na iyon ng mga insekto at kinakain na ang laman nito

Ilang sandali pa ang lumipas ay nag alisan na ang mga insektong nakakumpol sa patay na katawan ni Cain, makikitang buto nalang ang natira na may bahid pa ng kaunting dugo bago tuluyang iniwanan ng mga uod at mga bulate na bumalik na din sa ilalim ng lupa ng wala ng makain

Nanlilisik ang mga matang tinignan ni Apollo si Yuri bago huminga ng malalim at pumikit para ihanda ang sarili sa matinding labanan nila ng babaing minahal niya noon

Umuusal ng kung anong orasyon si Apollo na itinuro sa kanila ni Mark at Asmodeus

Ang kaninang kumikinang na balat ahas ay napalitan ng tila balat ng kahoy, tuyong tuyo at napakatigas,

Nagkaroon din siya ng kamay, sungay at higit sa lahat ay mas lumaki pa siya ng kaysa sa nauna niyang kaanyuan

"Dito na ito matatapos, Yuri,"ani ni Apollo,"Magpaalam kana sa mga kaibigan mo lalong lalo na kay Khael,"at humalakhak iyon na naging dahilan ng pagyanig ng kanyang kinatatayuab

Nakakaramdam siya ng kaba, alam niya na mas malakas ang Apollo na kaharap niya ngayon lalo na sa bago nitong kaanyuan

"Dito na ito matatapos, Yuri,"ani niyo bago sumugod sa kanya, inihanda naman niya ang kanyang sarili para sa paglaban kay Apollo

Hindi niya alam kung tatalab ang matalas niya sa katawan nito na tila kay tigas

Dumadagundong ang lupa habang papasugod sa kanya si Apollo, inilabas nito ang mahabang dila para puluputan siya pero kaagad siyang nakailag at kaagad niya iyong tinagpas gamit ang kanyang matalas

Hindi na iyon ininda ni Apollo dahil tumubo kaagad ang kanyang naputol na dila at kaagad na inilabas iyon para lingkisin si Yuri

Dahil sa nagulat ang dalaga ay hindi niya naiwasan ang dula ni Apollo na pumulupot sa kanyang katawan

Nabitawan niya ang kanyang dalawang matalas, kaagad siyang inilapit ng dila nito sa harapan ni Apollo bago ipinasok sa loob ng bibig at nilunok ng buo

Hindi na nagawa pang lumaban ni Yuri dahil napuluputan din siya ng mga lumot at laway na nasa loob ng katawan ni Apollo

Napakalagkit ng mga iyon kaya hindi siya makagalaw ng maayos para lumaban

Kaya tuloy tuloy siyang bumagsak sa kaloob looban ng katawan ni Apollo, sa tubig na nasa loob ng tiyan nito na tila asido dahil nalusaw ang dulo ng pakpak niya ng matalsikan iyon, kaya napapikit siya sa sakit na kanyang naramdaman

Punong puno ng asido ang loob ng tiyan ni Apollo, pasalamat nalang siya at nakabitin siya sa bituka nito at hindi tuluyang nahulog doon dahil alam niya iyon na ang kanyang katapusan kung mahuhulog siya sa asidong nasa ibaba niya
.
.
.
.
.
.
.
.
Itutuloy

Katapusan na ba ni Yuri?

Ano ang mangyayari sa kanyang mga kaibigan at kina Khael?

Paano pa siya makakalabas sa loob ng katawan ni Apollo?

Abangan po🤗🤗🤗🤗

Please leave a Comment, reaction and dont forget to Vote po

Thank you

.....akiralei28

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon