Chapter 77

501 39 1
                                    

°°°°°°°°°°

THIRD PERSON'S POV

"Ate Yuri?!," gulat na bulalas ni Ramil ng makilala ito, inalis kasi niya ang panyong nakatakip sa mukha at ang suot niyang sumbrero

"Ako nga, Ramil," ani niyang nakangiti,"Kamusta kana? At ano ang ginagawa mo dito?,"tanong niya at tinulungan itong makatayo

"Ate Yuri,"niyakap siya nito ng mahigpit,"Nandito ako kasama ng nobya ko para sana magpropose na ng kasal, kaso heto minalas at puro kaguluhan ang nangyari,"

"Eh nasaan na ang nobya mo?,"

"Hindi ko nga mahanap ate Yuri,"

"Tara hanapin natin siya,"yaya niya sa binata

Natatawa nalang niyang inakbayan ito bago sila naglakad papunta sa mga tao na nasa unahan nila

Hindi pa din makapaniwala si Ramil sa mga nagyari, ang inakala niyang ordinaryong araw para sa pamamasyal nila ng kanyang nobya ay magiging isang madugo at magiging isang malaking trahedya pala

Hindi lang para sa kanyang nobya, kaibigan, kundi pati na din sa lahat ng mamamayan ng buong lalawigan

Ang akala nilang likas na yaman ng Batangas ay may tinatago din palang gulo at mga kampon ng kadiliman

Nasa isang evacuation area sila ng gabing iyon, na mas malayo mula sa isang evacuation area na unang inatake ng mga aswang kaninang umaga

Naabutan nilang nilulusob iyon ng mga aswang, kaya nakipaglaban siya at tinulungan ang mga iyon na makaligtas

Tagumpay naman na nailigtas ni Yuri ang mga sundalo, pulis, ang iba pang mga volunteers at ang ilang mga mamamayang nakatira doon sa lugar

Idineklara na din ng kanilang Mayor na dead town na ang kanilang lugar, wala ng naninirahan dito at wala na ding pinapayagang bumalik sa kanilang mga kabahayan, ang lahat ay nagkaroon na ng natakot na baka atakihin na namn sila ng mga aswang

Naupo si Ramil sa isang mahabang upuan na nasa loob ng evacuation area habang nagmamasid sa kapaligiran ng my lumapit na isang matandang babae sa kanya

"Ayos ka lang ba?," tanong ng matandang nag ngangalang Ruby na asawa ng driver ng puting Van na tumulong para mailikas ang mga bata at mga matatanda sa kanilang lugar

Bagaman na matanda na ito, kapansin pansin pa rin ang lakas ng pangangatawan nito

Base na din sa mga mapuputing buhok nito ay parang nasa gulang na animnapu o higit pa ang matandang babae

Tumango naman ng marahan si Ramil, bilang sagot sa matanda

Umupo naman ito sa kanyang tabi, sinamahan siyang ilibot ang kanyang tingin sa loob ng evacuation area

Halos nasa dalawang daan din silang lahat na nagkukumpulan sa loob niyon, halos lahat ay natatakot, lahat ay halos hindi makatulog ng payapa

"Salamat sayo ha? At agad kaming naabisuhan sa pag atake ng mga aswang, atleast may mga nasagip pa tayo,"anito sa kanya

"Pero, hindi ko po nasagip ang kaibigan ko at ang tatay niya,"mahinang sagot niya dito

Hindi pa din mawaglit sa kanyang isipan, ang ginawang paglapa ng mga aswang sa kanyang kaibigan at sa tatay nito sa kanyang harapan

"Wala man lang akong nagawa,"malungkot na sagot ni Ramil,"Pati ang kasintahan ko hindi ko na din mahanap,"

"Pero may magagawa kapa para sa mga natitira nilang pamilya"wika ng matanda,"Nakikidalamhati ako sa pagkawala ng iyong kaibigan at ng tatay nito, pero imbes na magmukmok, bakit hindi mo kaya gamitin ang kakayahan mo? Para maprotektahan ang mga mahal mo sa buhay? Ang mga mahahalagang tao sa buhay mo? Ang mga ibang tao? Alam mo may magagawa ka,"naguguluhang napatitig si Ramil sa matanda

Ngumiti lamang ito bilang sagot,

Bigla namang nanlaki ang mga mata ni Ramil, ng mapansin na dahan dahang nagpapalit ng kulay ang mga mata ng matanda, unti unti itong nagkukulay dugo

"Oo, tama ang hinala mo,"sabi nito ng hindi siya nakapagsalita,"Pareho tayong aswang at may iilan pa dito na kasama natin, mas makikilala mo sila kung magiging napagmatyag ka, madali lang naman maramdaman ang presinsiya at amoy ng mga katukad natin,"

"Hindi po ba mas nararapat na sa kanila tayo kumampi? Kung katulad natin silang mga halimaw?," tukoy niya sa mga aswang umatake sa kanila

Narinig niyang huminga ng malalim ang matanda

"Hindi sa lahat ng oras ay nararapat mong kampihan ang lahat ng iyong kauri, anumang dugo ang nananalaytay sa ugat mo, huwag na huwag mong kakalimutan na may lahi ka ding tao. Marapat lamang na gawin mo, kung anuman ang mas nakabubuti para sa sangkautahan,"makahulugang paliwanag ng natanda sa kanya

Napansin ng matanda na nagkaroon ng komosyon malapit sa may pagamutan, kaya agad itong tumayo para lumapit doon,

Pero bago ito umalis ay kinuha muna  ng matanda ang kanyang kamay

Napangiti ito ng makita ang singsing na suot ni Ramil sa daliri ng kanyang kanang kamay

"Sino ang nagbigay sayo nito?," tanong nito sa kanya

Tinignan muna ni Ramil ang singsing na kanyang suot

"Ang mga magulang ko po, pero matagal na silang namayapa, mga ilang taon na din,"malungkot niyang tugon

Saglit itong pumikit at sabay na nanalangin

Hindi maintindihan ni Ramil ang mga sinasabi nito, pero pamilyar siya sa mga salitang lumalabas sa bibig ng matandang babae

Kahawig na dasal ng kanyang ama at ina na nadidinig niya kapag napapadaan siya sa silid ng mga ito at tuwing natityempuhan niya na sasapit ang kabilugan ng buwan

Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay biglang umilaw ang kanyang singsing

"Nakapaloob sa singsing na iyan ang luha at dugo ng unang aswang sa inyong lahi, gagabayan ang sinuman na magsusuot nito at bibigyan nito ng sapat na lakas upang maipagtanggol mo ang iyong sarili at maging ang ibang tao, tatagan mo ang iyong kalooban, Ramil,"sabi ng matanda sa kanya bago umalis at iwan siya doon

Napatulala nalang siya ay iniisip ang mga sinabi ng matandang aswang sa kanya

Tinitigan niya ang singsing na pamana ng kanyang mga magulang, bago mawala ang mga ito at patayin ng kanilang mga kalahi

Napabugtong hininga nalang siya bago inisip kung nasaan naba ang kanyang nobya

Wala ito doon, iniisip niya na sana ay ligatas ito sa kapahamakan, hinding hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili kung mapahamak ito o kung may masama man na nangyari dito

Kailangan niya ng tulong ni Yuri para mahanap ito sa iba pang evacuation area na nasa ibang panig ng Bayan
.
.
.
.
.
.
.
.
ITUTULOY

Hello, so ayan na🤗🤗🤗🤗

Pasensiya na kung maiksi lang po ha?

See you po sa next UD

Please Vote and Comment po

Salamat

.....akiralei28

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon