Chapter 119

443 36 1
                                    

A/N:

Babala:

Ito ay may temang maaaring hindi angkop sa mga batang mambabasa

Lalong lalo na sa mga ayaw sa mabrutal at nakakadiring paglalahad

Pasintabi din po sa mga kumakain o mahina ang sikmura pagdating sa mga maseselang bagay

This is a work of fiction

Read at your own risk

°°°°°°°°°°

Ang ilang mga aswang na hindi napaikutan at nabalutan ng mga buhay na halaman na pinatubo ni Martha ay nagsipagtalunan sa bubungan ng simbahab

Nakita ng mga ito.na unti unting namamatay ang kanilang mga kasamahan, kinakain ng halaman ang bawat laman ng mga ito at sinisipsip ang dugo mula sa katawan

Kaya ang bawat aswang na namamatay at may nakapulupot na halaman at namumulaklak ng napakabaho at napakapula

Napatakip naman sila ng ilong dahil sa naamoy nila, umusal ulit ng orasyon si Martha at ibinuga sa mga kasama niya isa isa para hindi sila maapektuhan ng amoy ng napakabahong bulaklak

"Pasensiya na kung nahuli kami,"ani ng isang boses na bagong dating

"Kamahalan,"yuko nila sa engkantong Hari, na walang iba kundi si Rohan kasunod ang ilang taong lobo

"Sige na,"ani ni Rohan na tinanguan silang pito

Kitang kita nilang tumalon iyon ng mataas papunta sa bubungan ng simbahan, kahit na alam nilang kalahating engkanto ito at kalahating lobo

Ay namamangha pa din sila sa kakayahan nito, nakita nilang nagsunuran ang ilang kasama nito na sundan ang mga aswang na nasa bubungan ng malaking simbahan

Ilang segundo lamang ang nakalilipas mula ng makausap nila ito ay nasa itaas na ito ng bubungan ng simbahan at isa isa ng napapatay ang mga aswang na nandoon

Napansin nila na naging mas maliksi pa itong kumilos at naging mas mabagsik kaysa sa una nila itong nakita

Alam nila na unti unti ng lumalabas ang kakayahan nito bilang isang Hari ng mga Engkanto at sa pagiging puting lobo na may siyam na buntot

"Malapit na natin makita ang kanyang totoong kaanyuan,"bulong ni Martha na sersyosong nakatingin kina Rohan at sa mga mandirigma nito,"Sa panahon na kakailanganin na siya ng dalawang sugo ng Moon Goddess, lalabas ang totoo niyang kaanyuan at kapangyarihan,"

Napatingin silang anim kay Martha na ngumiti na lamang

"Kailan iyon mangyayari?," sinubukang itanong ni Aira

"Sa panahon na purong kadiliman na ang magahahari sa sanlibutan,"ani nito,"Mas marami ang mamamatay, aahon ang demonyong si Lucifer para patayin si Yuri at idilig ang dugo nito sa natutuyot na lupa ng impyerno, manganganib tayong lahat,"

Kinilabutan sila sa kanilang mga nadinig mula kay Martha, parang hindi na nila ito kilala dahil napakaseryoso ng tinig at itsura nito, na aakalain mong sinapian ng isang manghuhula dahil s amga lumalabas sa bibig nito

"Marami pa tayong matutuklasan kay Rohan, kina Yuri at Khael at sa lahat ng may kaalaman at kapangyarihan,"dagdag pa nito

Napatigil nalang sila ng makitang isa isa ng gumulong ang ulo ng mga aswang sa kanilang harapan

Mas marami pa ding mga aswang ang sumusugod sa mga iyon na halos hindi na mabilang sa dami

Nakikita nila kung paano iyon ihampas ni Rohan sa bubungan ng simbahan, hatiin ng mga katawan sa dalawa sa pamamagitan ng matatalas nitong mga kuko at ngipin

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon