°°°°°°°°°°Habang papalapit sila sa pinakadulong bahagi ng palayan ay may nakita silang apat na kabahayang nakatayo doon, matatanaw din nila ang likurang bahagi ng mga kabahayang iyon
Dahil malapit na nga sil doon y tanaw nila ang malaking ilog na nasa likuran lang mismo ng apat na bahay na iyon
Sa kabilang bahagi ng ilog ay matatanaw nila ang makakapal na mga punong kahoy, gubat na kung tutuusin ang lugar na iyon, halos wala kamg matanaw na liwanag kahit na tirik ang araw ng mga sandaling iyon
"Ang lugar na ito ang unang inatake ng mga aswang,"ani ni Manong Carding,"Kaya baka katulad lang din po ito sa mga naunang tatlong bahay na napuntahan natin ang mga nakatira dito, Father,"
"Baka naman po nakatakas na o kaya po ay nakaalis na din sila?," sabi naman ni Trina na tila gustong manlumo sa sinabi ng matandang katiwala ng mga Pari at Madre
"Tignan po muna natin,"ani ni Khael, nagbabakasakali pa din silang may makitang buhay sa loob ng bawat isang bahay
"Tara,"yaya na ni Aira sa kanila, kaya pinasok na nila ang bawat bahay na nasa harapan nila
Pero tulad ng naunang tatlong bahay na kanilang naunang puntahan at ginalugad
Pero puro mga bangkay ang kanilang mga nakita at mga naagnas na din ang mga iyon
Kaya napagpasyahan na nilang lumabas doon sa pinakahuling bahay dahil hindi na nila kaya ang nakakasulasok na amoy at napagpasyahan na nilang umalis doon at maghanap pa ng mga bahay sa kabilang Sitio
Pero bago pa sila makaalis doon ay napalingon si Aira sa likurang bahagi ng bahay
Doon sa may ilog at sa tawid ng ng ilog, may nakita siyang mga tao doon, may nakita soyang pitong kalalakihan na may malalaking pangangatawan
Nagulat pa siya ng makitang nakatitig din pala ang mga iyon sa kanila,
"Guys!," agaw at tawag ng pansin ni Aira sa mga kasamahan niya
Na napalingon din sa kanya at napahinto ang mga iyon sa paglalakad
"Tignan ninyo sa tawid ng ilog,"turo niya doon sa bandang may kakahuyan
Sinundan naman ng mga iyon ang kanyang itinuturo at sinasabi, kaya nakita din nila ang nakita ni Aira na pitong kalalakihan na masama ang tingin sa kanilang lahat
Tinitigan nila iyon ng mabuti habang papalapit sa kinaroroonan ni Aira
"Dito lang kayo mga anak,"ani ni Father Jose sa kanila
"Father,"ani ni Khael sa kanila,"Dito lang po kayo at huwag na huwag po kayong aalis o susunod,"
"Anong binabalak mo, Khael?," takang tanong ni Bryan
"Pupuntahan ko ang mga aswang na iyan,"sagot niya,"Hintayin ninyo ako dito,"
Bago pa sila makasagot at makakontra ay nakita na nilang naglalakad na ng mabilis si Khael papunta doon sa may gilid ng ilog para puntahan ang pitong kalalakihan
Pero habang naglalakad na papunta doon si Khael ay nanatili lang na nakatayo doon ang mga aswang at nakatitig lang ng matalim sa kanya
Nang makitang malapit na sa gilid ng ilog si Khael.ay dagling nagpulasan ang pitong aswang
Tumalon ang mga iyon sa mga puno para makapagtago
Tumalon din naman si Khael patawid sa ilog, hindi niya ginamit ang tulay na nandoon
Nang makatawod na siya, tuamyo siya sa dating pwesto na kinatatayuan ng pitong mga aswang
Tiningala niya ang mga puno na nasa kanyang harapan lung saan nakita niya na tumalon ang mga aswang
BINABASA MO ANG
Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯
HorreurHeto na ang bagong yugto at buhay ng ating Mahal na Prinsipe Kung saan ang nakaraan ay magtatagpo sa hinaharap Ang mga dating kaibigan ay magkikita kita At ang mga nakatagong lihim ay mabubunyag na Kaya tara at samahan natin ang ating mga bida sa pa...