°°°°°°°°°°Third Person's POV
"Kamusta?," bungad ni Rohan kasunod si Akira na may kalakihan na ang tiyan nito
Nagyakapan ang mag aama, magkakapatid at mga kaibigan nila, nagkamayan naman sila nina Rohan
"Yuri,"yakap ni Akira sa kanya,"Namiss kita ng sobra, buti at ayos kayo?,"
"Ako din, Tita Akira,"ani niya, tita na ang tawag niya dahil ayaw nitong tawagin niya ng Lola dahil halos magkasing edad lang sila kung titignan,"Kayo kamusta naman sa kaharian?,"
"Hay, ayun,"ani ni Akira,"Namamatay na halos ang lahat ng may buhay sa kaharian namin, maliban nalang sa amin, halos lahat pati na ang tubig, ilog, sapa at dagat, tapos wala na ding araw na sumisikat,"
"Nag uumpisa na silang kumilos,"ani ni Amang Gannu na nakatingin sa kalangitan
Makulimlim na din ng mga sandaling iyon at halos pasado alas diyes pa lang ng umaga
"Ano na ang gagawin natin?," tanong ni Megan sa kanila, katabi nito si Gwen na panay ang dikit kay Yuri at inaasar nito,"Baka manganib na naman tayo dahil sa kanila,"
"Buhay si Mark,"ani niya sa kanila na ikinatangin ng mga iyon,"Nakalaban namin sila at nakaharap sa Lungsod,"
"Imposible!,"anas ni Akira,"Napatay ko na siya, matagal ng panahon iyon, pero papaano siyang nabuhay muli?,"
"Anak siya ng demonyo,"ani niya,"Anak soya ng isa sa pitong prinsipe ng impyerno kaya walang imposible kay Asmodeus,"paliwanag niya
"Nakalaban niyo siya?," takang tanong pa ulit ni Akira
"Oo,"tugon niya,"Pero sandali lang, bigla nalang sila nawala sa harapan namin, pero bago siya o sila nawala ay may sinabi pa siya sa akin,"
"Ano?!,"takang tanong ng mga nasa harapan niya
"Magkikita ulit kami o tayong lahat,"umpisa niya,"Magkikita at doon natin siya haharapin,"
"Saan, Yuri?,"takang tanong ni Rohan sa kanya
"Sa lugar kung saan nag umpisa ang lahat,"tugon niya,"Sa lugar kung saan niyo siya nakalaban at sa lugar kung saan siya namatay o pinatay ng kanyang kakambal,"
Nagkatinginan ang magkakapatid kasama ang mga asawa nila dahil sa kanyang sinabi sa mga iyon
"Sa Sitio Maligaya,"ani ni Akira,"Sa Baryo Masapa,"dagdag pa nito,"Kung ganoon doon sila maghahasik ng lagim at kaguluhan?,"
"Siguro nga,"ani niya sabay kibit balikat
Naupo silang magkakaharap doon sa may kubo habang kumakain ng meryenda at pinag uusapan nila ang binitawang salita ni Mark
.
.
.
.
.
.
.
.Alas Dose ng Tanghali
Habang nasa labas ng bahay ang lahat at tumutulong sa paglilinis at pag aayos ng mga nasirang kabahayan
At saka naman ang dating nina Moune at Khael
"Magandang tanghali po sa inyong lahat,"bati na kuro ng dalawa habang naglalakad sila papunta sa bahay ni Amang Gannu na nasa di kalayuan
"Khael!!," sigaw ni Kevin nh makita nito ang kaibigan na naglalakad papunta sa pwesto nilang lahat
"Kev!," kaway na ganti ni Khael sa kaibigan bgo niyakap iyon ng mapatapat iyon sa harapan niya,"Kamusta kayo?,"
"Heto buhay pa matapos makipaglaban kina Apollo sa Lungsod,"paliwanag nito,"Ang nasugatan lang ay si Yuri-,"
Hindi na nagawa pang tapusin ni Kevin ang pagpapaliwanag dahil tinakbo na ni Khael ang pwesto ni Yuri na kakalabas lang ng bahay nina Amang Gannu
BINABASA MO ANG
Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯
HorrorHeto na ang bagong yugto at buhay ng ating Mahal na Prinsipe Kung saan ang nakaraan ay magtatagpo sa hinaharap Ang mga dating kaibigan ay magkikita kita At ang mga nakatagong lihim ay mabubunyag na Kaya tara at samahan natin ang ating mga bida sa pa...