°°°°°°°°°°Simula ng araw na iyon ay hindi na kinibo pa ni Yuri si Khael at hindi na niya ito pinapansin kahit pa sa cellphone
Lagi niyang pinapatay ang cellphone niya kapag ito ang tumatawag, ayaw na niyang mahirapan pa kaya kailangan na niya iyong gawin
Naging abala na din siya sa paghahanap ng trabaho na mapaglilibangan hanggang sa makilala niya si Dave
"Hi,"bati nito sa kanya, nasa isang police station siya at nag aapply bilang isang agent
"Goodmorning sir,"bati ng isang babaing pulis Kay Dave,"Nag aapply po siya sir bilang agent,"
Tinignan siya nito mula ulo hanggng paa, bago timitig sa mukha niya
"Sigurado ka ba, Miss?," tanong nito sa kanya na tila naninigurado sa kanyang inaaplyan
"Opo, Sir,"seryoso niyang tugon
"Sir baka umiyak lang yan sa oras ng labanan,"pang aasar sa kanya ng isang kadete na sa tingin niya ang mga bagong graduate na pulis
Tinaasan niya lang ng kilay ang kayabangan at kahanginan nito
Napapangiti nalangbsi Dave, alam niya na may kakayahan itong ipagtanggol ang sarili at hindi kagaya ng sinasabi ng mga bagong pulis baka mas magaling pa ito sa kanya sa pakikipglaban eh
"Pinsan,"bati ng bagong dating na binata, nilingon niya ito at nagulat siya ng makita sina Kevin at Khael
Kaagad siyang nag iwas ng tingin kay Khael
"Kamusta, insan,"bati nito bago yumakap kay Kevin
"Hi, Yuri,"bati ni Kevin,"Insan friend ko nga pala si Yuri Leigh, pinsan ko si General Dave, si Khael pala Dave iyong sinasabi ko sayo,"
"Nice to meet you Leigh," ani ni Dave na nakipag kamay, nakita ni Kevin na naningkit ang mga mata ni Khael ng makitang hinawakan ni Dave ang kamay ni Yuri na nakangiti pa
"Yuri ang itawag mo sa kanya insan, tama ba Yuri?,"ani ni Kevin kaya agad siyang napabitaw sa kamay ng binata, bago napatango,"Ano nga pala ang ginagawa mo dito?,"
"Ha? Heto nag aapply,"natatawa niyang tugon,"Kailangan ko na kasi magtrabaho, alam muna. Eh kayo?,"
"Ah,"ani ni Kevin,"Dito din kami nagtatrabaho ni Khael,"sagot nito,"Insan tanggapin muna,"
Natawa si Dave na nakatitig sa kanya, hinimas himas nito ang baba na tila nag iisip habang nakatitig sa kanya ng seryoso
"Sige,"ani nito,"Rekomenda mo eh,"nakangiti nitong saad,"Tanggap kana Yuri,"
"Salamat, Sir,"ani niya dito
"Dave nalang,"ani nito kaya napatango nalang siya,"Maiwan ko muna kayo, Kev ikaw na bahala kay Yuri,"bilin pa nito bago umalis
"Dukutin ko mga mata nito eh,"ani ni Kevin na tinitignan ang mga bagong graduate na mga pulis, nakatitig kasi ang mga ito kay Yuri
"Kain muna tayo, Kev,"yaya niya
"Tara,"ani nito sabay hila kay Khael at pinatabi sa kanya, kaya naiilang siya dahil hinawakan nito ang kamay niya
Magkaholding hands silang nagpunta sa canteen na nasa labas ng police station
"Anong order mo?,"tanong ni Khael sa kanya,"Ako na ang bibili,"
"Oo nga, Yuri,"ani ni Kevin,"Maupo kana lang doon oh," sabay turo sa isang lamesa na kakasya silang tatlo na nasa bandang sulok
"Alam niyo na iyon,"tugon niya,"Sige uupo na ako baka maunahan pa tayo doon eh,"matapos tumango ang dalawa ay agad na siyang naupo doon habang hinihintay ang dalawa
Ilang sandali pa ay bumalik na ang mga itp dala ang pagkain nila, tahimik silang kumain habang parehong nagpapakiramdaman ang dalawa na nasa tabi ni Kevin
.
.
.
.
.
.
.
.Halos araw araw na nagkikita sina Khael at Yuri sa police station dahil doon na din ito nagta trabaho kadama si Kevin, kaya lalo siyang nahihirapan na makita ito
Kung alam lang niya na pinsan ni Kevin ang General na si Dave ay hindi na sana siya nag apply, kaso naabutan na siya doon at nahiya na siyang umatras
Lagi siyang isinasabay sa pagkain nila Kevin kapag wala na siyang ginagawa
Minsan naman ay si Dave ang kasabay niya kaya napapansin niya ang masamang tingin dito ni Khael na kulang nalang ay kainin ito ng buo
"Nanliligaw na sayo si Dave?," tanong ni Kevin habang may inaayos silang files sa isang kwarto
"Ha? Hindi, bakit?," takang tanong niya sa katabi
"Kasi lagi kayong magkasama at mukhang nag eenjoy ka na kasama siya,"dagdag nito,"Iyong isa naman kahit hindi kumakain ng tao baka makakain ng tao dahil sa sobrang selos niya sa pakikipaglapit ni Dave sayo, babaero kaya iyon,"
Natawa nalang siya sa sinabi nito, kaya napapailing nalang si Kevin sa kanya ng mga sandaling iyon
"Alam ko ang dahilan ng pakikipaghiwalay mo sa kanya,"ani ni Kevin maya maya pa,
"Huh?!," gulat na tanong niya
"Dahil sa ninuno mong si Ka Ambo at sa demonyong si Alberto at sa ama mong may lahing aswang,"
"Paano mo alam iyon?," tanong nito kay Yuri
"Nadinig ko ang usapan niyo ni Moune,"paliwanag nito,"Dahil nandoon ako sa ilalim ng lamesa kung saan kayo nag uusap,"
"Anong ginagawa mo doon? Naninilip ka ba, Kevin?!," galit na tanong niya na napakamot nalang sa ulo nito
"Nahulog ang singsing ko,"sagot nito,"Baka kasi bugbugin ako ni Aira kaya hinanap ko kahit gabi na, tapos noong palabas na ako saka naman kayo dumating at naupo doon. Sorry hindi ko sinasadya na makinig,"
Napabuga nalang siya ng hininga dahil sa nalaman niya, tinignan pa niya ito ng masama bago sabay na ang peace sign ito
"Pramis, wala ako pinagsabihan kahit na si Aira,"ani nito,"Pero sana hindi ka nakipaghiwalay kay Khael, kawawa naman ang kaibigan ko,"
"Alam mo ang dahilan ko, Kevin,"ani niya sabay alagay ng karton sa itaas ng estante,"Mahirap magdesisyon lalo na para sa kaligatasan niyo,"
"Kaya naman namin lumaban, Yuri,"ani nito, umiling lang siya
"Iba noon at iba ngayon,"tugon niya,"May mga sarili na kayong pamilya kaya mas lalo akong nahihirapan kapag nakikita ko ang mga anak ninyo,"
"Eh paano naman ang kaligayahan ni Khael? Ninyong dalawa?," tanong nito sa kanya na bigla nagpalungkot sa kanyang nararamdaman
"Ayos lang iyon,"tugon niya,"Heto na siguro ang tadhana namin, ang hindi makabuo ng sariling pamilya,"
Napapailing nalang si Kevin sa kanya, alam niya na mahal ng mga ito ang isat isa ng higit sa sarili nila
Ilang beses na nilang nakita iyon, lalo na si Khael, noong namatay siya sa laban nila ni Apollo ay nakita niya na labis na nasaktan si Khael
Kahit sila ay grabe ang pangungulila nila kay Yuri bago nagbalik ang alaala nito at nakilala ulet sila
"Ang mapapayo ko lang,"ani nito bago sila lumabas sa silid na iyon,"Unahin mo ang kaligayahan niyo bago ang kaligayahan ng iba," sabay tapik sa balikat niya
Napatingin nalang siya kay Kevin ng makalabas na iyon ng silid, bumugting hininga muna siya bago sumunod sa kaibigan
Nakita niyang umalis ito kasama si Khael at Dave, kaya naman umuwi nalang siya dahil hapon na ng mga sandaling iyon
Alam niyang magroronda ang mga ito dahil sa nalalapit na ang mahal na araw lalo na ang Palaspas
Tatlong araw nalang at palaspas na kaya naghahanda sila sa pagdagsa ng tao sa simbahan para mabendisyunan ang mga palaspas ng mga ito at maging ang ilang santo na dala dala ng lahat
Hindi na siya sumama dahil maiilang lang siya kay Khael, tahimik man ito pero ramdam niya ang sakit na nakikita niya sa mga mata nito
At iyon ang bindi niya matagalan kapag magkasama silang dalawa, dahil lagi siyang niyayaya ni Kevin lalo na kapag pananghalian at hapunan
.
.
.
.
.
.
.
.
ITUTULOY.....akiralei28
BINABASA MO ANG
Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯
HorrorHeto na ang bagong yugto at buhay ng ating Mahal na Prinsipe Kung saan ang nakaraan ay magtatagpo sa hinaharap Ang mga dating kaibigan ay magkikita kita At ang mga nakatagong lihim ay mabubunyag na Kaya tara at samahan natin ang ating mga bida sa pa...