°°°°°°°°°°Kabilugan ng Buwan
Alas Dose ng Hating Gabi
Sa Tribu nila Tata Tasyo
Handa na ang lahat para sa pag aalay at sa pagtawag kay Prinsipe Asmodues para sa paghingi ng karagdagang kapangyarihan at kakayahan para sa kaniyang anak, sa apong kambal at para kay Fhino
"Ihanda na ang ritwal at ang ating mga alay!,"sigaw ni Cain,"Ito na ang tamang oras at sandali para makaharap natin ang ating Pinakamamahal na Prinsipe!,"
Lahat ay nagsigawan para sa kanilang gagawin na sa kauna unahang pagkakataon ay makikita at makikilala nila ang isa sa Pitong Prinsipe ng Impyerno
"Kamatayan, liwanag laban sa kasamaan!," sigaw ni Cain,"Mahal naming Prinsipe Asmodeus! Magpakota kanat tanggapin ang aming alay para sa iyo!,"
Sigaw niya sabay taas ng dalawang kamay na ang isa ay may hawak na kopita, na naglalaman ng purong dugo at sa isang kamay naman ay ang puso ng isang birhen
May nakahiga pa na tatlong babaing birhen na halos naka hubot hubad na ang mga iyon umiiyak habang nag mamakaawa s a kanila, na habang nadidinig nila ang mga pag iyak ng mga ito, panaghoy at atungal ay lalo lang silang nasisiyahan
Samantalang ang lahat ng mga babaing aswang ay nakahubot hubad din, na nagsasayaw paikot sa mga alay nila
Nangingintab ang kanilang katawan na tila naligo sa langis, mapupula anh mga mata habang tumutubo amg kanilang mga matatalim at matatalas na ngipin kasabay ng kanilang mga kuko sa kamay at paa
"Aming Mahal na Prinsipe ng Impyerno! Dinggin mo ang among pagtawag! Tanggapin ang aming alay at kami ay iyong pakinggan!,"sigaw na paulit ulit ni Cain habang nakapikit at nakataas ang dalawang kamay
Natutuluan na ng sariwang dugo na mula sa puso ang kanyang mukha pero hindi niya iyon alintana
Ilang sandali pa ang lumipas
Mula sa tuyong lupa ay unti unti iyong bumubuka, nagkakaroon ng bitak bitak
Mula sa bitak bitak na lupa ay lumalabas at sumisingaw ang init na mula sa pinakailalim ng lupa
Nakikita ang tila nagliliyab na mga lava ng bumukas na ang lupa sa kanilang harapan
Nagsipaglayuan ang ilang aswang ng makaramdam ng matinding init na sumisingaw mula sa lagusang iyon, halos matuyuan na sila ng lalamunan at ang kanilang balat ay nabibitak
Kung hindi pa sila nagpahid ng langis ay baka sumabog at nagputukan na ang kanilang mga laman at balat dahil sa tindi ng init na kanilang nararamdaman
"ANO ANG INYONG KAILANGAN SA AKIN?!," malakas na tanong ni Asmodeus habang papalabas sa lupang nabiyak,"MGA LAPASTANGAN KAYONG MGA MABABANG URI NG MGA NILALANG! BAKIT NIYO GINAMBALA ANG AKING PAMAMAHINGA?!,"yumayanig ang lupa habang ito ay nagsasalita
Umaangat ito ng pakunti kunti mula sa bitak ng lupa
Unang makikita ay ang dalawang pares ng sungay nito, na ang isa ay itim at ang isa ay puti
Ang ismag sungay ay kahalintulad ng sa sungay ng kalabaw pati na din ang mga tainga nito at ang isa ay sa sungay ng tupa, ganoon din ang tainga nito
Nang makaangat na ang ulo nito ay mapapansin na may tatlong ulo ito, na ang isa ay parang sa tao pero mabalahibo at nagtataglay ng malabasik at may mapupulang mga mata
Ang buong katawan ay nababalutan ng balahibo ng sa tupa, ang mga kamay ay mahahaba na na may matutulis na mga kuko na kayang bumutas at tumusok sa katawan ng tao
BINABASA MO ANG
Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯
HorrorHeto na ang bagong yugto at buhay ng ating Mahal na Prinsipe Kung saan ang nakaraan ay magtatagpo sa hinaharap Ang mga dating kaibigan ay magkikita kita At ang mga nakatagong lihim ay mabubunyag na Kaya tara at samahan natin ang ating mga bida sa pa...