Chapter 117

461 37 2
                                    


°°°°°°°°°°

Third Person's POV

Matapos nilang maglakad ng ilang sandali ay huminto sila sa tapat mismo ng simbahan, nasa kanan nila ang malaking pintuan nito na may krus na kulay ginto

Napa sign of the cross pa sila bago huminga ng malalim

Sa di kalayuan ay nakita nila ang grupo ng mga aswang na nang mamataan sila ay kaagad na silang inangilan at umalulong pa ang mga iyon ng napakalakas na tila nagtatawag pa ng kanilang mga kasama

Kaagad na kumilos ang mga iyon para patayin sila, napakaraming aswang ang umaali aligid sa kanilang siyam

Ang ilan ay naghukay sa lupa para doon dumaan papunta sa kanila

Ang ilan ay nag anyong aso para sugurin sila

May ilan naman na umakyat at gumapang sa mga bubungan at mga puno, lalo na sa bubungan ng kombento at simbahan

Nang makarating na silang siyam sa unahang bahagi ng simbahan, tumigil na sila at humanda sa pakikipaglaban

Umusal ng orasyon at dasal ang magpinsang Martha at Yuri, orasyon para sa bakod at panangga nilang siyam

Habang abala sa pag uusal ng orasyon ang magpinsan, ang ilang aswang naman ay nag uumpisa ng gumapang sa ilalim ng lupa papalapit sa kanila

Ang iilan naman sa mga aswang ay tumatalon talon habang umaali aligid sa kanilang siyam

"Napakadaming aswang sa paligid,"bulong ni Nena habang nagmamatyag sa kapaligiran

"Kakayanin ba natin sila?," tanong naman ni Aira

"Oo,"diretsang tugon ni Yuri,"Basta magtiwala at magdasal lang tayo s ating Panginoon, hindi Niya tayo pababayaan,"

Tumango lang ang pito habang nakapikit pa din si Martha at patuloy na umuusal ng buhay na mga salita

Nilingon naman ni Yuri sina Khael kasama sina Kevin na nasa bandang kaliwa niya

"Tara na,"yaya niya sa apat, bago nilingon din ang nasa kanan niya,"Simulan na natin silang labanan hanggang sa huli,"

Tumango ang pito bilang pag sang ayon sa kanya, nang biglang tumalon si Khael at kaagad na sinakmal ang paparating na isang aswang sa kanilang harapan

Habang sakmal ang isang aswang ay naharang naman niya ang isa pa na lalagpasan sana siya

Hinawakan niya ito sa leeg at sabay na inihampas sa mabatong bahagi ng kalsada, inulit pa niya iyon ng isa pang beses

Pero sa pagkakataong iyon ay mas malakas na, hanggang sa madurog na ang ulo ng aswang bago iyon nalagutan ng hininga

Sa di kalayuan naman ay tatlong magkakasunod na bala ng pana ang mabilis na lumipad papunta sa tatlong aswang na tumatakbo papasugod sa kanila

Sapol ang tatlo sa ulo na ikinakisay naman ng mga iyon bago bumagsak sa lupa at kaagad na namatay

Patuloy lang sa pagpana si Kevin sa mga aswang na nasa malayo at sa mga lumilipad

Ilan pa ang mga bumulagta at bumagsak ng masapol sila sa ulo ng pana ni Kevin, marami rami na din siyang napapatay na mga aswang gamit ang kanyang pana

Nahawakan naman kaagad ni Bryan ang aswang na papasugod sa kanila ng asawa niyang si Trina

Nahawakan niya sa buhok at kaagad na tinuhod ang mukha bago tinagpas ang ulo nito na dahilan ng pagkakaalis niyon sa leeg at kaagad na namatay

Nag apiran pa silang mag asawa dahil sa ginawa ni Bryan,

"Laban muna bago landian,"nakasimangot na pasaring ni Yuri

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon