°°°°°°°°°°Naging maayos at naging maganda ang relasyon nina Andrea at Hernan, sa pagdaan ng mga araw, linggo, buwan at naging isang taon
Pero tuwing hating gabi ay may nararamdaman si Andrea na dumadalaw sa kanya na isang nilalang na hindi niya maanininag ang kabuuan nito
Na tuwing pag ging niya sa umaga ay nakatatanggap siya ng mm ga sariwang bulaklak at mga prutas
Nagsimula lang iyon magparamdam ay noong sinagot na niya si Hernan
Hindi niya ito sinasabi sa kanyang kasintahan dahil baka isipin nito na nagpapaligaw pa siya kahit na magkasintahan na sila
"Ipagtapat muna kay Hernan," sabi ng kanyang Lola,"Para matahimik na ang iyong kalooban at para magabayan ka niya,"
Napabugtong hininga nalang siya dahil sa sinabi ng kanyang Lola, napagdesisyunan niya na ipagtapat na iyon kay Hernan kapag dumalaw ito sa kanya sa susunod na araw
Nagpa plano na kasi itong mamanhikan sa kanila kahiy pa na isang taon pa lang silang magkasintahan,
Gusto na kasi ni Hernan na magka pamilya na ito kasama siya, buuhin ang kanilang mga pangarap
.
.
.
.
.
.
.
.
Makalipas nga ang ilang ArawAraw iyon ng Sabado
Naghahanda ng paghapunan ang buong pamilya niya dahil sa darating sina Hernan kasama ang buong pamilya nito para pag usapan ang nalalapit nilang pag iisang dibdib
Abala ang kanyang Lola, Nanay at ang dalawang ate niya, hindi nakarating ang ate Mira niya dahil sa nagdadalang tao ito
Eksaktong alas Sais ng gabi ng dumating ang kapamilya ni Hernan, may mga dalang pagkain para sa kanilang hapunan at mga kakanin na ang Nanay mismo ng binata ang gumawa at nagluto
Pinapasok ang mga iyon sa kanilang kusina habang niyaya niya si Hernan sa kanyang silid para ipagtapat ang kanyang nararanasan na kababalaghan sa araw araw
"May sasabihin ka ba, Mahal?," kinakabahang tanong ni Hernan,"Huwag mong sasabihin na uurong kana sa ating nalalapit na pag iisang dibdib?," seryosong tanong nito na ikinatawa niya ng malakas kaya napangiti nalang ito
"Hindi ito tungkol sa pag iisang dibdib natin," nakangiti niyang turan
"Eh ano?," tanong nito sa kanya
"Huwag kang magagalit at sa mga ipagtatapat ko," ani niya
"Pangako,"tugon nito
"Simula ng sagutin kita at nagkaroon na ako ng relasyon sa isang lalake,"panimula niya,"Nagkatotoo ang mga babala noon nila Lola, na may isang nilalang na magpaparamdam sa akin kapag natuto na akong magmahal,"nakatitig siya sa mukha nito para alam niya ang magiging reaksiyon nito
"Nagkatotoo na?,"tanong nito
"Oo,"sagot niya,"Simula pa ng bata pa ako ay may gusto na siya sa akin hanggang sa ngayon, pero nagiging mas madalas na ang pagpaparamdam niya noong naging kasintahan kita, tuwing umaga may natatanggap akong mga bulaklak at sariwang prutas. Sa gabi naman pakiramdam ko ay binabantayan niya ako dito sa silid ko,"
"Wala ka bang nararamdaman sa katawan mo? Kung ginagalaw ka ba niya o hindi?,"
"Wala naman akong kakaibang nararamdaman sa katawan ko,"sagot niya na tumayo at dumungaw sa labas ng bintana
"Ano ang gagawin natin?," tanong nito sa kanya,"Kasi kung pipigilan mo naituloy ang pag iisang dibdib natin ay hindi ako papayag, Andrea,"ani pa nito,"Mamamatay ako kung mawawala ka sa akin, alam mong ikaw ang kauna unahang babaing nagpatibok ng puso ko,"
"Hernan,"yumakap siya sa kanyang kasintahan,"Ayaw ko din na magkahiwalay tayo, ituloy natin ang ating pag iisang dibdib,"
Napangiti nalang si Hernan bago gumanti ng mas mahigpit na yakap sa dalagang labis na minahal
Sa di kalayuan ay isang pares ng mga nagbabagang mata sa galit ang nakatitig sa kanilang dalawa
"Bilis bilisan niyo ang pagkakaroon ng supling,"nakangisi nitong turan,"Para matupad na ang aking mga pinaplano, magiging akin ka, Andrea at lahat ng magiging hadlang ay aking papaslangin!,"
Binigyan niya ng nakakakilabot na ngisi at tingin ang magkasintahan bago siya biglang naglaho sa kadiliman
Hindi napansin ng nilalang na iyon na isang nilalang din ang nakakita sa kanya bago siya nawala
"Mag uumpisa na siyang gumalaw,"bulong nito bago din biglang nawala sa kadaliman
.
.
.
.
.
.
.
.
Napagplanuhan ng buong pamilya nina Andrea at Hernan na pagkatapos ng gapasan ay saka sila magpapakasal at dalawang buwan nalang iyonGusto nila na magkaroon ng panahon ang mga taong kanilang iimbitahan sa mismong araw ng kanilang kasal at para tapos na din ang anihan bago ang kasal nila
Marami ang natuwa dahil sa magkakaroon na ng sariling pamilya ang kanilang dakilang manggagamot at ang mabuting binata na galing pa savikatlong Baryo
Kahit na malapit na ang kanilang oag iisang dibdib ay hindi pa sila pinayagan na magsama sa iisnag bahay dahil iniiwasan nila na mabahiran ng hindi magandang imahe si Andrea dahil nga sa isa itong manggagamot
Dahil na din sa ginagalang ang mga namayapang Lolo nito kaya kahit na gusto ng magkasintahan na magsama na sila ay hindi pumayag ang kani kanilang pamilya
.
.
.
.
.
.
.
.
Isang buwan nalang ang nalalabi at magaganap na ang engrandeng kasalan nina Hernan at AndreaHindi na din nagpupunta doon ang binata dahil sa napakaraming bawal at pamahiin na sinasabi sa kanila
Lalo na kay Andrea na wag na wag niyang isusukat ng trahe de boda niya o damit pangkasal kasi hindi matutuloy ang kanilang kasal
Marami pang mga bawal ang sinabi sa kanila pero alam nila na para din sa amkanilamg dalawa iyon
Kahit na isang buwan pa sila bago magkita ay tiniis nilang dalawa, ayaw nilang may masamang mangyari sa isat isa at ang mas ayaw nila ay ang hindi matuloy ang kanilang pag iisang dibdib sa susunod na buwan
Kaya naging abala nalang si Hernan sa kanilang bukirin, sumasama siya sa ama nito para pamahalaan ang pag aani ng palay, mais, gulay at prutas sa kanilang malawak na taniman
Inihahanda nila ang mga pinagbentahan para sa nalalpit nilang pag iisang dibdib
Dahil nga sa siya ang lalake kaya siya ang gagastos lahat para sa kanilang pagpapakasal
Sa pagkain at sa lugar kung saan nila idaraos ang kainan, gastos at bayad sa simbahan
Sa mga bulaklak, sa mga isusuot ng mga mag aabay, sa mga batang kasali sa kasal
At higit sa lahat sa kanilang isusuot ni Andrea, gusto niyang maging maganda ang dalaga sa araw na magkikita sila at iyon ang araw ng kanilang pagiging isa
Pati na kung saan sila magpupulot gata ni Andrea ay pinaghandaan talaga iyon ni Hernan, luluwas sila sa Lungsod para doon idaos ang kanilang unang gabi bilang magkabiyak
Titiyakin ni Hernan na makakabuo kaagad sila ng unang supling na tanda ng kanilang pagmamahal pagkatapos ng kanilang pulot gata
Lahat ay nakahanda na, ang araw nalang ng kanilang pag iisang dibdib ang pinakahihintay nilang dumating
Halos lahat ay masaya at lalo na si Andrea, gustong gusto na niya makita si Hernan at makasama hanggang sa kanilang pagtanda
Magkaroon ng mga anak na kanilang aalagaan hanggang sa magsipag asawa ang mga iyon pagdating ng takdang panahon
Kung masaya sina Andrea at Hernan na makabuo ng mga anak ay mas masaya ang nilalang na iyon na makabuo ang dalawa para maisakatuparan nito ang matagal ng binabalak sa mortal na kanyang kinahuhumalingan
.
.
.
.
.
.
.
.
ITUTULOY.....akiralei28
BINABASA MO ANG
Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯
HorrorHeto na ang bagong yugto at buhay ng ating Mahal na Prinsipe Kung saan ang nakaraan ay magtatagpo sa hinaharap Ang mga dating kaibigan ay magkikita kita At ang mga nakatagong lihim ay mabubunyag na Kaya tara at samahan natin ang ating mga bida sa pa...