Chapter 140

505 51 11
                                    


°°°°°°°°°°

Third Person's POV

Lalong nagalit si Khael ng makita niyang isinuka ni Apollo papasok sa impyerno ang walang malay na katawan ni Yuri, hindi siya makalapit sa lagusang iyon dahil sa napakainit ng singaw na nagmumula sa ilalim ng impyerno

Nanlilisik ang kanyang mga mata na binalingan ang higanteng ahas na si Apollo para patayin ito sa ginawang paghulog kay Yuri sa impyerno

"Tapusin na natin ito, Apollo!," angil na sigaw ni Khael,"Masyado ka ng maraming pinatay! Kayo ng kalahin mong si Cain!,"

"Matagal ko ng hinihintay ito, Khael,"ani ni Apollo na inilalabas ang kanyang dila,"Kakainin kita ng buo!," sabay sugod nito palapit kay Khael habang abala naman ang ilan sa mga kaibigan nito at kina Rohan

Wala ng pakialam pa si Khael sa mga nasa paligid niya, ang alam lang niya ay ang matalo si Apollo para masundan sa impyerno ang mahal niyang si Yuri, dalangin niya na sana ay ligtas ang kanyang mag ina
.
.
.
.
.
.
.
.

Samantala, sa impyerno

Bumagsak ang katawan ni Yuri sa mismong sahig ng impyerno, wala siyang malay at halos paramg patay na nga siya

Nakita siya nila Cain, pero dahil nasa dagat dagatang apoy ang mga iyon ay hindi nila magawang makaahon dahil kapag tinatangka nila ay kinakalawit sila ng mga demonyong bantay

Dahil nga nasa lupa na siya ng impyerno, umuusok ang kanyang kinahihigaan, nasusunog ang kanyang kasuotan maging ang kanyang balat dahil sa sobrang init

"Yuri, apo ko!," sigaw na tawag ni Lola Maria,"Bumangon ka apo at lumaban! Naghihintay ang mga kaibigan mo at si Khael! Apo!,"

"Anak ko!," ani ng anak ni Lola Maria,"Sa wakas ay nakita din kita, lumaban ka anak ko!," umiiyak na sambit nito habang nakatingin sa walang malay taong si Yuri

"Layuan mo siya!," sigaw ni lolo Andeng,"Wala kayong karapatan sa kanya!,"

Tumatawa sina Asmodeus kasama pa ang limang demonyo na nakapaikot kay Yuri at tinitignan nila ito

"KAILANGAN NATIN SIYANG MAPATAY! MAS MALAKAS NA KAPANGYARIHAN DAHIL DIN SA SANGGOL NA NASA SINAPUPUNAN NIYA,"sabi ni Satanas na humalakhak

"SALAMAT SA ASWANG NA SI APOLLO, NADALA NIYA DITO ANG BABAING IYAN!," sabat pa ni Mammon habang titig na titig sa magandang mukha ni Yuri kahit na may kalahating demonyo ang itsura nito

"ANO ANG GAGAWIN NATIN SA KANYA?," tanong naman ni Leviathan habang nagmamasid sa kapaligiran, nakikiramdam lang ito sa dalaga

"IWANAN MUNA NATIN SIYA DIYAN, HINTAYIN NATIN SI PANGINOONG LUCIFER ANG MAGDESISYON SA GAGAWIN,"saad naman ni Asmodeus na ngumisi kina Lola Andeng bago tumalikod

"Yuri, apo ko!," panangis ni Lola Maria habang pinagmamasdan ang katawan ng kanyang apo na unti unyi ng kinakain ng apoy na nagmumula sa napakainit na lupa ng impyerno

"Sana magising na siya,"dalangin ni Lola Andeng,"Siya lang ang tanging makakapagligtas sa kanyang sarili at sa mga kaluluwa natin,"

Yumuko ang mag ina at dumadalangin sa kataas taasan na sana ay maging maayos si Yuri at ang nasa sinapupunan nito maging ang mga kaibigan nito na nakikipaglaban sa mga kampon ng kadiliman

Ilang sandali pa ang lumipas, nananahimik silang tatlo sa kanilang kulungan ng makita nilang nilapitan ni Lucifer ang walang malay na si Yuri, nakangisi ito habang pinapaikutan at tinitignan ang kaanyuan ng dalaga

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon