Chapter 46

676 49 2
                                    


°°°°°°°°°°

THIRD PERSON'S POV

Isang linggo na din ang nakalilipas simula ng malaman niya ang tungkol kay Lola Andeng at sa pinagmulan niya, kaya ngayon ay nag iisip na siya kung paano ang kanyang gagawin

Ayaw niyang madamay ang kanyang mga kaibigan at lalo na si Khael dahil malaking obligasyon na ang nakaatang sa balikat nito

"May problema ka ba, Ate Yuri?," tanong ni Martha sa kanya,"Iniisip mo pa din ba ang mga nalaman mo?," naupo ito sa kanyang tabi

"Oo, Martha,"sagot niya,"Nahihirapan akong mag desisyon lalo na kay Khael, alam kong masasaktan siya sa gagawin ko,"malungkot na saad niya sa pinsan,"Nga pala sina Ella at Ramil? Maging iyong dalawang bata?," tanong niya

"Si Ella nakapag apply na ng trabaho at bukas palipad na siya,"sabi nito,"Hindi na magpapahatid kasi baka mag iyakan lang daw kayo,"natatawang saad nito

Napapailing nalang siya, namimiss na kasi niya si Ella, ilang taon na itong nasa Lungsod para doon mag aral at maghanap ng magandang trabaho, tapos ngayon malalaman niya na lilipad na ito patungo sa ibang bansa para magtrabaho

"Si Ramil, ayun balak na yata mag asawa,"ani nito,"Magbabalak na daw magpropose sa kasintahan,"

Napatango nalang siya sa kanyang nalaman, ang mga batang tinulungan nila noon ay may kanya kanya ng tinatahak na landas

"Iyong dalawa naman, nasa bahay pa din nila Khael, kasama niya saka sunod na buwan luluwas din daw sa Lungsod para doon na mag aral,"

"Wala na tayo magagawa sa mga kagustuhan nila,"sagot niya,"Eh ikaw kailan ka mag aasawa?,"

"Kapag naikasal kana kay kuya Khael,"tawang sabi nito sa kanya

"Matagal pa siguro iyon o baka hindi na mangyayari,"

"Hay naku, Ate Yuri,"ani ni Martha na napapailong nalang habang tinatapik tapik siya nito

"Lalo na ngayon na kailangan kong magdesisyon hindi para sa sarili kundi para sa sangkatauhan,"

"Nandito kami at tutulungan ka namin basta magsabi ka lang,"umiling siya sa sinabi ni Martha

"Ayaw kong may mapapahamak sa inyong lahat. Gagawin ko kung ano ang nararapat at kahit itaya ko ang sarili kung buhay,"

"Iyan ang wag na wag mong gagawin,"ani ni Martha,"Tutulungan ka namin sa ayaw at sa gusto mo,"

Hindi na siya nakaik ng iwanan siya nito sa kanilang silid, kailangan niyang makapag isip ng maayos at makapag desisyon para sa nakararami at para sa kaligtasan ng lahat ng tao
.
.
.
.
.
.
.
.
Baryo Masapa

"Biruin niyo apo ko pala si Yuri?,"natatawang sambit ni Akira,"Pero maganda siya ah,"

"Mas maganda sayo?," ani ni Rohan sabay tawa mg makita siyang nakasimangot,"Biro lang, Mahal,"

"Oo nga eh,"ani ni Vince,"Pero may kakaiba sa kanya,"

"Baka siya ang maging dahilan ng muling pagkabuhay ni Mark,"kinakabahang ani ni Gwen,"Ano na ang gagawin natin?,"

"Nasa sa kanya na ang desisyon,"ani naman ni Ivan,"Kung papanig siya sa kasamaan o sa kabutihan,"

"Mas malakas siya kaysa kay Lola Andeng,"ani ni Akira,"Nakikita ko iyon sa kanyang mga mata at nararamdaman ko,"

"Tama ka, Mahal,"ani ni Rohan,"Malakas siyang manggagamot at mangkukulam,"nababahalang ani pa nito,"Delikado siyang kaaway, saka kaliwa at kanan ang gamit niya, kakaiba siyang nilalang,"

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon