°°°°°°°°°°Nakikita niya mula sa kanyang kinaroroonan ang mga manananggal, na paikot ikot sa ere
Marahil ay hinahanap siya ng mga ito, pagala gala din ang mga taong lobo at mga aswang, lalo naman siyang nanginig sa matinding takot, habang pigil ang hiningang nakasilip sa mga iyon na nasa kapaligiran
Natatakot siya para sa kaligtasan niya at nagaalala naman para sa buhay ng kanyang Lolo
Paano kung kinain na pala siya ng mga halimaw na iyon sa mga oras na ito?
Tanong niya sa kanyang isipan
Nangatal ang kanyang labi kasabay ng pagpatak ng kanyang mga luha
Napaatras siya bigla ng may mapansing siyang gumagalaw sa may talahib na nasa di kalayuan mula sa kanyang pinagkukublihan
Papalapit at papunta iyon sa kanyang kinaroroonan, nakikita din niya ang unti unting pagkahawi ng mga talahib
Senyales na may paparating, hindi din niya alam ang kanyang gagawin, kulang nalamang pati ang malakas na pagtibok ng kanyang puso ay patigilin na niya para lang hindi nila siya mapansin
Ayaw niyang lumikha ng anumang ingay mula sa kanyang pinagkukublihan, kaya naman mas pinili niyang manatili sa kanyang kinaroroonan
Halos panawan na naman siya ng ulirat ng makita niya ang pulutong ng mga tiyanak na dahan dahang gumagapang patungo sa direksyon kung saan siya nagtatago
Nakanganga ang mga iyon habang nakalabas ang kanilang mga matutulis na mga ngipin na katulad ng sa talim ng lagare
Hindi na niya napigilan ang sarili dahil sa labis na pagkatakot at pagkabigla ay napasigaw siya ng malakas
Naging dahilan iyon para mabaling sa kanya ang kanilang mga matang nagmamasid
Hindi na siya nagdalawang isip pa, mabilis siyang tumayo at tumakbo papalayo sa mga tiyanak
Wala siyang pakialam kung anuman ang kanyang maapakan, basta ang alam lang niya ay tumakbo lang siya ng tumakbo papalayo doon
Habang dumarami na ang mga humahabol sa kanya, dinig niya ang mga pagaspas ng mga pakpak at mga yabag na tila isang dipa nalang ang layo ng mga ito mula sa kanya
Ayaw niyang sumuko dahil doon nakasalalay ang kanyang buhay, pero nararamdaman niyang unti unti ng nawawalan ng lakas ang kanyang mga paa at binti
Kinakapos narin siya ng hininga dahil sa pagtakbo, sa nararamdamang matinding pagod at sa takot na din na nararamdaman
Halos kalahating oras na siyang nagpapatentero sa nakaabang na kamatayan niya
Muli, nadapa siya at sa mga oras na iyon ay hindi niya na nagawa pang makatayo
Tumingin siya sa kanyang likuran, nakita niyang malapit na ang mga ito sa kanyang kinadapaan
Malapit na malapit na sila sa kanya
Kaya ang ginawa niya ay gumapang nalang siya at sadyang nagpagulong sa padausdos na lupa na nasa kanyamg harapan
Ramdam niya ang mga matutulis na bato na dinadaanan ng pagod niyang katawan, napapapikit nalang siya habang nararamdaman ang sobrang sakit na dulot ng mga bato
Bigla nalang siyang nahinto mula sa pag gulong ng may kung anong bagay ang humarang sa kanyang katawan
Nakita niya ang mga nakahelirang mga paa, kaya ang ginawa niya ay tumingin siya paitaas sa mga paang iyon na nakaharang sa kanyang harapan
Doon ay napagtanto niyang purong mga kalahating katawan ng mga manananggal ang naroroon
Kitang kita pa niya ang mga bitukang kumukulo pa at tila may buhay na humihinga
BINABASA MO ANG
Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯
HorrorHeto na ang bagong yugto at buhay ng ating Mahal na Prinsipe Kung saan ang nakaraan ay magtatagpo sa hinaharap Ang mga dating kaibigan ay magkikita kita At ang mga nakatagong lihim ay mabubunyag na Kaya tara at samahan natin ang ating mga bida sa pa...