°°°°°°°°°°
Samantala sa Labas
Habang nakikipag laban silang magkakaibigan at habang nasa loob pa ng simbahan sina Yuri at ang lima
"Nakakapagod,"angal na ni Aira,"Hindi na ba sila mauubos?,"
"Parang unlimited rice lang eh,"ani ni Kevin sa kanya
"Hay naku, puro pagkain yang nasa utak mo,"ani niya sa kanyang asawa
"Nagugutom na kasi ako,"tugon ni Kevin,"Halos apat na oras na tayong nakikipaglaban ng tuloy tuloy eh,"
"Ssshhhh,"saway ni Rohan sabay lapag sa tabi nila, kagagaling lang nito sa kagubatan kung saan hinabol niya ang tatlong aswang na papatakas na sana
Nagkatitigan silang lahat ng tumahimik din ang mga aswang na nasa harapan nila
"May paparating,"ani ni Khael sa kanila,"Mag dikit dikit tayo,"
Lumapit silang lahat sa isat isa, habang pinapakiramdaman ang katahimikan ng paligid
"Lumilindol ba?," ani ni Trina
"May nakita kaming dalawang higanteng ahas na paparating dito,"hinihingal na sabi ni Vanessa na nasa anyong tao,
"Higanteng Ahas?!," gulat at kurong tanong nilang lahat kay Vanessa na napapangiti nalang na napapatango
"Saan galing?," takang tanong ni Khael,"Papunta ba dito?,"
"Oo,"tugon ni Kate,"Mabilis na silang paparating dito kaya maghanda na tayong lahat,"
Nagsipagtanguan nalang sila at humanda para sa dalawang higanteng ahas na papalusob sa buong Baryo Masapa
.
.
.
.
.
.
.
.Sa Lakahuyan, bago lumusob ang dalawang higanteng Ahas
"BIBIGYAN KO KAYO NG KARAGDAGANG KAPANGYARIHAN,"ani ni Asmodeus na biglang sumulpot sa harapan nila,"PERO KAILANGAN NINYONG MASIGURADO NA MAPAPATAY NINYO SILANG LAHAT AT MADADALA SA IMPYERNO ANG MORTAL,"
Nagkatinginan silang tatlo dahil sa sinabi ni Asmodeus
"KAYONG DALAWA LANG,"sabay turo kina Apollo at Cain
"Anong karagdagang kakayahan at kapangyarihan?," takang tanong ni Cain
"Handa po kami, Panginoon,"yukong saad ni Apollo kay Asmodeus
"MAGALING,"nakangising saad nito sa kanila,"MAGHANDA NA KAYO AT IBIBIGAY KO NA ANG INYONG PABUYA,"
Tumango nalang ang dalawa habang nakangisi kay Asmodeus, pumikit sila habang hinihintay ang ibibigay na karagdagang kakayahan at kapangyarihan sa kanila
Ilang sandali pa ang lumipas ay may itim na usok na lumabas mula sa bibig ni Asmodeus
Ang itim na usok na yun ay bumalot sa katawan ng dalawa, binalot sila ng napakaitim na usok na halos hindi na sila makita ni Mark na nakangisi lang habang nanonood
"HUMAYO NA KAYO AT DURUGIN ANG BUONG BARYO MASAPA! LAHAT NG NANINIRAHAN SA LOOB NG KABAHAYAN, SIMBAHAN AT KOMBENTO AY DURUGIN AT PATAYIN!,"
Nagkatinginan sina Apollo at Cain, nakita nila na tila lumiit sina Asmodeus at Mark,
"Mga dambulaha at higantemg ahas na kayo,"ani ni Mark,"Yan ang ibinigay sa inyo ng aking ama kaya pagbutihin ninyo,"
Lumabas ang mahaba nilang dila habang gumagawa ng tunog ng kagaya ng sa mga ahas
"Pumunta na kayo sa kabayanan!," utos ni Mark at bigla nalang iyong naglaho kasama ng Ama nito
Kaya gumapang na ang dalawang higante at dambuhalang ahas papalabas ng kakahuyan
.
.
.
.
.
.
.
.
Sa tapat ng Kombento
BINABASA MO ANG
Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯
HorrorHeto na ang bagong yugto at buhay ng ating Mahal na Prinsipe Kung saan ang nakaraan ay magtatagpo sa hinaharap Ang mga dating kaibigan ay magkikita kita At ang mga nakatagong lihim ay mabubunyag na Kaya tara at samahan natin ang ating mga bida sa pa...