Chapter 45

632 41 3
                                    


°°°°°°°°°°

Lakad takbo ang ginawa ni Roma habang papatakas sa aswang na pumatay sa kanilang Ina

Dalawang araw siyang palaboy laboy sa loob ng kagubatan, hindi alam kung saan pupunta at kung kanino hihingi ng tulong

Pagod, gutom at takot ang nararamdaman ni Roma ng mga sandaling iyon

Halos hindi na niya makaya ang kapaguran sa ginagawang pagtakbo na ngayon ay mahihinang paglalakad nalang ang tanging nagagawa niya

Napaupo siya ng hindi na niya makaya ang pangangatog ng tuhid dahil sa kapaguran at kagutuman

Lumingon lingon soya habang naghahanap ng makakain o kahit anong prutas na maaring pamatid gutom niya

Pero wala kahit anong bungang kahoy siyang makita, pero nanlaki ang kanyang mukha ng may makitang isang kubo na nasa di kalayuan

Kaya lumiwanag ang kanyang mukha ng makita iyon, agad siyang tumakbo papalapit sa kubong iyon

Naaamoy niya mula sa hangin ang isang mabangong putahe na ngayon lang niya naamoy sa tanang buhay niya, naglaway tuloy siya dahil sa gutom na nararamdaman

Sa loob naman ng kubong iyon, ay may isang babaing buntis ang nahihirapang gumalaw dahil sa malapit na itong makapanganak

Wala ang kanyang asawa dahil kinabukasam pa iyon makakauwi dahil sa trabaho nito

Hindi alam kanyang asawa na mapapaaga ang kanyang panganganak, kaya halos wala siyang makasama ng gabing iyon

Tinatagasan na siya ng dugo sa pagitan ng kanyang mga hita, pumutok na din ang kanyang panubigan

Kahit gusto niyang lumabas at maglakad patungo sa bahay ng manghihiloy ay wala siyang magagawa dahil hindi na niya kaya ang kumilos

Ang mga tagpong iyon ang nakita at nasilip ni Roma mula sa bintana ng kubo kaya lalo siyang naglaway ng makita ang dugong umaagas sa hita ng babaing buntis

Wala na siyang pagdadalawang isip na pumasok sa loob ng bahay, namumula na ang kanyang mga mata at halos mabasa na ng kanyang laway ang suot na damit

Hindi niya namalayang tinubuan na siya ng mahahabs at matatalas na kuko maging ng mga pangil at ngipin

Nakita naman siya ng babae na pumasok kaya napasigaw iyon sa takot ng makita ang totoo niyang itsura, napapaatras pa ito mula sa papag na kinahihigaan nito

"Huwag, maawa ka,"pakiusap ng babae kay Roma, pero bingi na ito dahil sa nakikita na nito ang ulo ng sanggol na unti unti ng lumalabas

Napapadaing nalang sa sakit na nararamdaman ang babaing buntis habang napapaire ng wala sa oras

Patuloy pa din ang paglapit ni Roma sa babae, habang patuloy na naglalaway at natatakam

Nang hindi na makatiis ang binata ay sinunggaban na niya ang malaking tiyan ng kawawang babae

Binutas nito ang tiyan sa pamamagitan ng kanyang mga matatalas na kuko

Sigaw naman ng sigaw ang babaing buntis habang nararamdaman nito ang pagkapunit ng kanyang tiyan

Bakita niya na hinugot at dinukot nito mula sa kanyang tiyan ang kanyang sanggol na kaagad naman na isinubo na tila sarap na sarap ito habang nakapikit pa

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon