Chapter 28

617 42 2
                                    


°°°°°°°°°°

Kinagabihan,

Pinaiwan nina Lolo Rene at Lolo Jose ang lahat ng kalalakihan sa pamilya nila na maghintay ng kanilang signal sa loob ng bahay

Silang magkapatid nalang daw muna ang maghihintay sa mga aswang na darating

Nag iinuman ang magkapatid ng tuba habang hinihintay nila ang kapatid ng aswang na napatay nila Lolo Jose at Andeng

Nakahanda naman ang mga tao na nasa loob habang nakamasid ang lahat sa labas at sa magkapatid

Ang lahat naman ng kanilang mga kaba Baryo ay halos nasa loob na ng kanilang mga kabahayan

Dahil nga tipikal na Probinsiya at Baryo ay wala pang kuryente, kaya halos lahat ay nasa loob na ng kani kanilang bahay kapag lumatag na ang dilim sa kalangitan

Tumingala naman si Lolo Rene sa kalangitan ng may aninong dumaan sa itaas nila

Nakita nito ay isang ibon, pero alam ni Lolo Rene na hindi iyon isang ordinaryong ibon, dahil ang kulay nito ay itim na itim, tapos bigla iyong dumapo sa isang puno na malapit sa kanila at ang ipinagtataka pa ng magkapatid ay nakatingin iyon sa kanilang dalawa na parang may isip

Nagkakabulungan na ang magkapatid, dahil alam nila na aswang iyon, dahil ang mga aswang ay kayang magpalit ng ibat ibang uri ng kaanyuan depende sa anong hayop ang gagayahin nila

Hinayaan lang muna nila iyon at ipinagpatuloy ang kanilang pagtatagay ng tuba

Pero biglang humiyaw ng malakas ang malaking ibon na iyon, pagkatapos noon ay nakadinig pa sila ng mas maraming hiyaw ng ibon

Bigla ding nakadinig sila ng mga pagkaluskos sa mga dahon at damuhan sa di kalayuan, kaya naghanda na silang magkapatid kung anuman ang lalabas sa damuhan at sa mga puno

Sinubukan iyong panain ni Lolo Rene ng lumipad ang malaking ibon pero mabilis iyong nakailag kaya hindi iyon nasapol ni Lolo Ben

Nilingon lang sila nito bago tuluyang lumipad papalayo sa kanila, pero dumapo lang ulet iyon sa di kalayuan na puno

Humiyaw pa ulet ito na tila nagtatawag ng mga kasama, ilang minuto nilang pinagmasdan iyon at laking gulat ng magkapatid ng dumami na ang mga ibong dumapo sa punong iyon

Pati sa kalapit na puno sa kanilang bahay ay may mga dumapong ibon, napapaikutan na ang kanilang bahay ng mga ibong iyon tapos hiyaw ng hiyaw ang mga iyon na sabay sabay

Kinikilabutan ang mga nasaoob ng bahay habang nakatitig sa mga ibong iyon, na tila ba nag uusap usap ang mga iyon dahil sa kanilang mga pagsasagutan ng paghiyaw

Nakita din nila na may mga dumarating pang ibon na nakadapo na din sa bubungan ng mga kabahayan

Ang ginawa ng mga manugang ni Lolo Jose ay nagsipaglabasan na sila at tinaboy ang mga ibon

Pinagbabato nila ang mga iyon para umalis dahil sa napakadami na ng mga ito sa bawat bubungan

Kaso ang sumunod na mga nangyari ang nagpa gimbal sa kanila, nangamba silang lalo dahil ng mapaalis nila ang mga ibon ay iba naman ang pumalit sa mga ito, kundi mga totoong aswang na

"Ayan na sila!," sigaw ni Lolo Rene,"Humanda na kayo!,"

Nakita nila na mga tao iyon, pero nakakalipad sila sa ere, pinana naman iyon ng mga apo ng magkapatid pero hindi nila matamaan ang mga iyon

Dahil bukod sa madilim na ng mga sandaling iyon ay marunong din umilag ang mga aswang na papasugod sa kanila

Nabalot ng kilabot ang mga kababaihan at mga bata dahil sa kanilang mga nasaksihan

"Sa loob kayo!," sigaw ni Lolo Jose,"Kami na ang bahala sa mga aswang na ito!," utos nito

Kaagad na pumasok sa loob ng bahay ang kanilang mga asawa, anaka ay mga apo

Isinarado ang bawat bintana at pintuan, nilagyan nila ng mga pangharang at pangontra para hindi makapasok ng basta basta ang mga aswang na nasa labas

"Walang aatras!,"bilin ni Lolo Rene,"Kapag nalaman ng mga aswang na naduduwag tayo ay uubusin nila tayo at babalik balikan dito!,"

Kaya lahat sila ay lumaban sa mga aswang, lumabas naman ng mga sandaling iyon si Andeng

"Andrea! Bumalik ka dito," habol naman ng kanyang Lola at Nanay nila, pero hindi naman niya iyon pinansin, kinuha niya ang gulok at buntot ng pagi para tumulong

"Mag iingat po ako!," sagot na sigaw niya sabay hambalos ng buntot ng pagi ng may lumapit sa kanya

Tinaga niya ang gulok na pinahiran niya ng abo at lupa para tumalab iyon kapag itinaga niya

At hindi nga siya nagkamali, nasugatan at naputulan niya ng kamay ang aswang na nakaharap niya, natuwa siya kaya inulit niya ang pagtaga, sa pagkakataong iyon ay ang leeg na nito ang pinuntirya niya

Nakita siya ng kanyang mga kapamilya at natuwa ng makitang lumalaban siya at nakapatay na ng dalawang aswang na sumugod dito

"Wag kang makialam, Tanda!," sigaw nito kay Lolo Rene niya sabay sakal at hagis sa di kalayuan,"Hindi kita papatayin dahil wala kang kasalanan sa akin, ang kapatid mo ang pakay namin dito!,"

Napahiga noon ang kanyang Lolo Rene, dahil sa sakit na naramdaman nito, medyo batuhan pa ang kinabagsakan nito.ng maihagis ito ng ng aswang bago binalingan si Lolo Jose niya na nakikipaglaban sa mga alagad nito

"Lolo!," sigaw ni Andrea ng malapitan si Lolo Rene, siya kasi ang pinakamalapit sa kinahagisan nito,"Ayos ka lang po ba, Lolo?,"

"Oo ayos lang ako," sagot nito bago niya inalalayang tumayo,"Tara na at tulungan natin si Lolo mo,"

Tumango lang siya bago tumakbo papalapit kina Lola Jose

"May usapan na tayo!," ani ni Lolo Rene,"Kasalanan ng kapatid mo kung bakit siya napatay ng kapatid ko,"

"Ipaghihiganti ko siya!," sigaw nito at nilabanan nito si Lolo Rene

Pero bago pa iyon makalapit kay Lolo Rene ay tumilapon na iyon at lumagapak sa malaking katawan ng puno na nasa di kalayuan

Durog ang mukha ng aswang, wasak ang pakpak nito at basag ang bungo ng makita nila

"Maaasahan ka talaga kaibigan!," ani ni Lolo Rene,"Hindi pa nga kita tinatawag pero dumating kana agad,"

Nakita nila ang isang malaking puting gorilya na nasa tabi ni Lolo Rene, siya ang sumapak sa aswang kaya ganoon ang sinapit nito

Patay na ang pinuno ng aswang, ang ilan naman ay pinagpapana ng mga manugang ni Lolo Jose gamit ang mga sima, iyon ang ginamit nilang pangtadtad sa katawan ng mga iyon

Dahil mahihirapan ang mga aswang na mahatak iyon dahil kapag bumaon iyon sa katawan lalo na sa laman ng tinamaan ay masasama ang laman kapag aalisin

Kaya pasakit sa mga aswang ang balang sima, dahil may sanga sanga iyon sa bawat patusok

Ikamamatay nila iyon kapag hindi naalis at natanggal sa kanilang katawan

Nang makita nila na namatay na ang kanilang pinuno at mga kasama ay nagtangkang tumakas ang iba

Patay na kasi ang pinuno nila dahil sa pagkakasapak ng puting gorilya sa katawan nito

Halos mag uumaga na ng matapos nilang mapatay ang lahat ng aswang ay sinunog nila ang mga iyon, para hindi na mabuhay pa kung sakaling makuha ng mga kalahi na natitirang buhay sa Baryo ng mga ito
.
.
.
.
.
.
.
.
ITUTULOY

.....akiralei28




Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon