°°°°°°°°°°Maulan ng araw na iyon ng makarating sila sa kabilang labasan ng lagusan sina Haring Karry at ang kaibigan nitong Baylana
Nasa bungad na din ng lagusan ng mga sandaling iyon si Khael habang hinihintay ang pagdating ng kanyang Amang Hari
Kaagad niya iton niyakap at nagmano sa Baylana na nakangiti sa kanya ng matamis
"Tara na po sa Baryo ng mga Taong Lobo, Kamahalan," bungad naman ni Gudo sa kanila
"Kamusta kana, Gudo?," tanong nila sa Prinsipe ng mga engkanto
"Maayos din naman po, Kamahalan," tugon nito sabay yuko sa kanilang mag ama, kaya natawa nalang sila sa inasal nito
"Tara na," yaya ni Khael sa kaibigang engkanto at taga pagbantay ni Yuri
Kumapit sila sa kamay ni Gudo para dalhin sila sa lugar ng mga taong Lobo na kanilang sadya
.
.
.
.
.
.
.
.Sa Baryo ng mga Taong Lobo
Abala ang lahat sa pagsisilong ng mga kahoy na panggatong dahil sa biglang pagbuhos ng ulan
Halos hindi sila magkamayaw sa pagtatrabaho at sa pagaasikaso ng mga nabasang panggatong
Nandoon din ng mga sandaling iyon ang magkakapatid na sina Vince at Anthony, kasama si Rohan dahil dinalaw din nito ang nag alaga sa kanya simula pa ng isilang siya
Nasa loob sila ng bahay habang pinagmamasdab ang paunti unting pagpatak ng ulan sa labas
"Amang Lobo," ani ng isang kalahi nila,"May naghahanap po sa inyo, hindi po sila ordinaryong mamamayan ng alin man sa mga Baryo dahil po sa kanilang kasuotan,"
Nagkatinginan silang lahat dahil sa sinabi ng kanilang kalahi
"At iyong isa taong kambing pero halatang may mataas na katungkulan sa mundo ng mga engkanto," dagdag pa nito
"Sige, dalhin mo sila dito sa bahay," utos ng amang lobo nila
Tumango lang ito bago umalis para sunduin ang mga naghahanap sa amang lobo
"Sino kaya ang mga naghahanap sa akin?," tanong nito sa mga kaharap, pero bago pa makasagot ang isa sa mga kaharap nito ay nasa harapan na nila ang mga iyon
"Magandang araw sa inyo, Amang Lobo," bati ni Gudo,"Ako si Prinsipe Gudo ng mga engkanto,"
"Ang naman po si Haring Karry ang anak na bunso ni Haring Saturno," pagpapakilala ni Karry,"Siya ang aking tagapagmana, si Prinsipe Khael Moon at ang aking kaibigan na Baylana, si Moune,"
Napangiti ang Amang Lobo, matapos magpakilala ang kanilang panauhin
"Kamusta na ang aking matalik na kaibigan?," tanong nito kay Karry,"Bakit hindi niyo siya isinama?,"
"Matagal na pong namayapa ang aking mga magulang," ani ni Karry na biglang nakaramdam ng kalungkutan
"Ah, ipagpaumanhin mo kamahalan," ani nito na kinamayan si Karry at niyakap ng mahigpit,"Maupo kayo at sumalo sa aming pananghalian,"
"Maraming salamat, kaibigan," ani ni Karry sa amang lobo
"Ako nga pala.ang namumuno dito sa aming Baryo," ani nito,"Ako ang amang lobo, siya ang aking kabiyak, ang mga anak ko na sina Vince, Anthony at Rohan, wala dito ang dalawa ko pang anak,"
"Hindi mo siya anak, tama ba ako?," ani ng Baylana na si Moune,"Anak siya ng iyong kakambal na si Czesar,"
"Paano mo nakilala ang kakambal ko?,"takang tanong ng amang lobo, nakaupo na silang lahat at nag uumpusa ng kumain
BINABASA MO ANG
Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯
HorrorHeto na ang bagong yugto at buhay ng ating Mahal na Prinsipe Kung saan ang nakaraan ay magtatagpo sa hinaharap Ang mga dating kaibigan ay magkikita kita At ang mga nakatagong lihim ay mabubunyag na Kaya tara at samahan natin ang ating mga bida sa pa...